Patuloy kong kinukuhaan ng litrato ang isang batang lalaki at babae na naglalaro sa aking harapan. Nasa isang parke ako ngayon at binibigyan ko ang aking sarili ng panahon upang makapag pahinga pagkatapos ng mahabang linggo ng trabaho.
Kitang kita ko ang kislap ng kanilang mga mata. Lalong lalo na ang batang lalaki, sa paraan ng pagtingin niya sa batang babae, tila sa murang edad ay natagpuan na niya ang kanyang hinaharap.
Napangiti ako sa aking naisip ngunit naglaho din iyon ng may lumapit sa akin. "Magandang umaga binibini" wika ng isang dilag na kakalapit lamang sa akin. Tipid akong ngumiti at nag wika. "Magandang umaga din." binalik niya ang ngiting aking pinamalas.
"Tila ika'y nalilibang sa pagkuha ng mga larawan" muli niyang saad. Tumango ako at tumingin muli sa mga bata. "Napakaganda lamang pag masdan ang mga batang naglalaro." saad ko. Ngumiti siyang muli at lumipad ang kanyang tingin sa mga batang paslit.
"Sa tingin ko'y sa murang edad ay natagpuan na ng mga bata ang kanilang iniirog" wika niya at sabay ngiti ng nakakaloko. "Iyan din ang naisip ko kanina." ngisi ko din.
Ngayon naman ay tumingin siya sa akin. "Mahilig ka ba talagang kumuha ng larawan?" tanong niya. Tipid akong tumango. "Anong larawan ang pinaka magandang nakuha mo?" muli niyang saad. Napatulala ako sa kawalan habang nag iisip.
"Ang mga alaala na kasama ang aking unang pag ibig ang pinaka magandang larawan na nakuha ko." Ngumiti ako habang naka tingin pa din sa kawalan. "Hindi man iyon kuha ng kamera, ngunit likha naman iyon ng aming pusong minsan nang nag isa." muli kong saad. Ngumiti siya sa akin at tumango.
"Nasaan na siya ngayon?" muli niyang tanong. Sa pagkakataong iyon ay napatungo ako at malungkot na napangiti. "Marahil ay masaya na siya sa piling ng iba" saad ko sa kanya. Narinig kong may tumawag sa babaeng aking katabi. Hindi ko man batid ang kanyang pangalan ngunit alam ko na siya ang tinatawag ng isang pamilyar na pigura na nasisikatan ng pang umagang araw.
"Mahal, halina na at tayo'y uuwi na" pagtawag ng pamilyar na boses. Napangiti ako sapagkat tila ako ang kinakausap ng boses na iyon. Ngunit nawala ang kasiyahang iyon ng tumayo ang babaeng katabi ko kanina. "Nagagalak akong makausap ka." saad niya at ngumiti. Ginantihan ko naman ito ng ngiti kahit na hindi ko na alam ang aking nararamdaman.
Tumakbo na ang babae sa pamilyar na pigura na ngayon ay nakikilala ko na. Napakinig ko pa ang lalaki na nag wika. "Ikaw talaga mahal, napakapala kaibigan mo" saad niya na ginantihan ng ngisi ng babae. Sabay hawak sa kamay nito at sabay silang nagtawanan.
Agad naman akong nag iwas ng tingin upang hindi na masaktan ang aking damdamin. Muli kong kinuha ang aking kamera at kinuhaan ang dalawang pigura ng magkasintahan na papalayo na saba'y wikang.
"Masaya na talaga siya sa piling ng iba." ngiti ko kahit na nadudurog ang aking puso.
"Masaya akong masaya ka Fritz. Ang aking una at huling pag ibig."
YOU ARE READING
Sometimes
Teen FictionCollection of my one shot tragic stories. That mood where you just want to read some tragic stories and cry.