Masigla kong iminulat ang aking mga mata galing sa mahimbing na tulog. "Good morning self!" bati ko sa sarili ko agad akong tumayo sa pagkakahiga at kinapa ng aking mga paa ang tsinelas. Gumawi ako sa table na nasa terrace ng aking kwarto at doon may nakita na naman akong note.
I heaved a sigh. My daily routine. Binasa ko ang naka sulat doon. "Good Morning, have fun, 3 days from now, babalik ka na. Your task for today is to make a miserable man realized that he is worth living. - G. " My gosh! Bakit lalaki pa?! Sa ilang linggo kong pananatili dito ay ngayon lamang ako naatasang gawin ito. And seriously a miserable man? Hayss. Wala naman akong karapatang mag reklamo pero. Hay bahala na nga. Kaya ako nasasabihan na ako ang pinaka makulit at mareklamo sa aming lahat.
Agad akong nag shower at nag bihis. I wear my below the knee white dress. I need to accomplish my task for this day. Nang maka baba na ako ay dire diretso kong tinahak ang daan. I'm nowhere to go. Ni hindi ko alam kung sino iyon at nasaan sya. Patuloy kong tinahak ang maingay na kalsada hanggang may napansin akong nakaparadang itim na kotse.
The windows are slight open, enough for me to hear a man sobbing. Lumapit ako papunta doon. Naramdaman naman ng lalaki na may tao kaya nag angat siya ng tingin. His brown eyes was full of anger hatred and emptiness .
I smiled at him nang makita na niya ako at nag salita. "You are worth living" akala ko ay ayos na yon para ma accomplish ang task ko pero hindi! The man clenched his jaw. "And how could you know that if you don't even know what happen to me?!" bahagya akong nagulat sa sinabi niya.
"I just know" sagot ko. Ang lalaking ito ay halos kasing edadan ko lamang. Owning a luxurious car of his was no joke. I bet he's rich but not rich in happiness and love.
"Lady, get rid of me hindi ka nakakatulong!" muling bulyaw ng lalaki sa akin. Hindi dapat ako magpatinag dahil kailangan ko tong gawin. "I'll help you." diretso kong sabi. The man gritted his teeth.
"Alam ko ang pinagdadaanan mo at andito ako kung kailangan mo ng masasandalan." muli kong sabi. And by that I'm surprised that the man slowly teared up. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya. At alam kong sa mga oras na iyon ay kailangan niya ng maiiyakan. Naawa ako bigla sa kanya. I am a complete stranger to him pero pinapasok niya ako sa sasakyan niya a sign that he really need someone. Sa ilang linggo kong pananatili dito ay puro awa ang nararamdaman ko sa mga tao, but this man, mas naawa ako sa kanya.
Nang makaupo na sa kotse niya ay bahagyang lumundag ang puso ko ng sinandal ng lalaki ang ulo niya sa balikat ko. Hinagod ko ang likod niya habang pa tuloy ang kanyang pag hikbi. Why do people suffer? Agad kong tanong sa sarili ko. Why do people need to suffer gayong tinanggap lamang naman nila ang biyayang mabuhay sa mundong ibabaw?
Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil sa pag iyak ang lalaki. "Thank you lady" the man said. Napatawa ako. "It's Athena" wika ko. He smiled. Causing my heart to beat a little fast. A foreign feeling it is. "Thanks Athena." sabi ulit ng lalaki. "It's nothing wala naman akong ginawa." I replied.
"Ikaw lang ang unang taong nandyan para sa akin sa panahon ng pagkabagsak ko. Dahil ang mga taong nakapaligid sa akin ay nandyan lamang tuwing nasa taas ako." sabi niya. Muli akong nakaramdam ng awa. Kung bakit pa ba ang mga taong masasama ang parang walang problema at ang taong mabubuti ang meron? I shrugged my thought. Hindi ito tama. Bakit ngayon ko lang tinatanong ang mga ito? Ilang beses na akong tumulong ngunit hindi ko naman kinuwestyon ang mga bagay bagay sa mundo.
"It's Brix" muli niyang pag sasalita. Yeah I know you're Brix. Brix Salcedo. G. Told me the moment I enter your car. "Brix Salcedo" patuloy niya.
Tumango tango ako at aalis na sana sa sasakyan dahil tapos ko na ang kailangan kong gawin. Ngunit pinigilan ako ng kamay na humawak sa wrist ko. "Can I know your full name?" wika ni Brix. Ang kaninang halo halong malungkot na emosyong nakikita ko sa mga mata niya ay nawala at nabuhayan. I don't know what to say. It's against the rules! Bawal naming sabihin ang buo naming pangalan. Hindi maari. Pero namalayan ko na lang ang sarili kong binanggit ang buo kong pangalan. "Athena Rose Smith" at pagkatapos nuon ay tinahak ko na ang landas ko pauwi.
Akala ko ay doon na magtatapos ang komunikasyon namin ni Brix. Pagkatapos ko siyang damayan at sabihing he is worth living pero nagkakamali ako. Sinundan niya pala ako ng pauwi na ako! My heart jump happily when I hear a doorbell its been a day since nagka kilala kami ni Brix at alam ko. Alam ko na nahuhulog na ako sa kanya.
"Good Morning Rose," wika ni Brix. "Good Morning Brix" bati ko pabalik. He hugged me at niyakap ko din siya. We spend the whole day chatting, roaming on malls and trying foods in the restaurant. It was the happiest day of my life. Pero natatakot ako. Isang araw na lamang at kailangan ko ng lumisan. Hindi ko pa ito nasasabi kay Brix. Wala pa siyang alam tungkol sa akin.
"Rose, mahal kita." biglang wika ni Brix. Nagulat ako. "Alam kong ilang araw pa lang tayong nagka kilala pero its unbelievable but the moment our eyes met when you saw me crying, alam ko sa sarili ko na ikaw na yon" he said that without even blinking! Alam kong mali pero hindi ko na napigilan ang sarili kong umamin din sa kanya. "Mahal din kita Brix. And just like you, when our eyes met. I know that your the one." I said hesitantly. Ginawaran ako ni Brix ng halik sa noo. I love this man.
We continue roaming around the mall holding hands. "Rose, ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay pangako yan." wika niya. I lost my words. Hindi ko alam kung ano ang sa sabihin. Mali ba ang ginagawa ko? Knowing na hindi iyon matutupad. I just smiled at him. "At kahit ano pa ang pagsubok ang subukang pag hiwalayin tayo, mamatay man ako Rose pero ipaglalabam kita. Sinusumpa ko." a tear fell on my eyes. No, no Brix don't do that. I'm about to leave. Sorry. Wika ko sa sarili.
The next day, araw ng pag alis ko. A note on my table in the terrace said 'Before 6 prepare yourself. You didn't follow the rule. Ikaw din ang ma sasaktan Athena anak. - G. ' my heart itched. Kailangan ko ng mag pa alam. Kailangan ko ng mag pa alam sa minamahal ko. I know.
Alam kong sa puntong sinabi ko sa kanya ang mga katagang mahal kita ay mag iiwan ito ng matinding galos sa puso naming dalawa. But I need to tell him dahil siya lamang ang kauna unahang lalaking minahal ko ng ganito. Siya lamang at sinusumpa kong wala ng iba. I cried the whole day because of that.
I heared a doorbell at 5 in the afternoon it was Brix. He's holding a white rose then he kissed me on the forehead. Kung pwede lamang itigil ang oras at panahon. Kung pwede lamang ganito na lamang kami palagi. Pinipigilan kong umiyak habang andyan siya. Hindi ko pa din sinabi kay Brix na aalis na ako.
Alam kong pipigilan niya ako at lala lamang akong mahihirapang umalis. Before 6 he left my house. He again kissed me on the forehead and hug me tightly before leaving. We exchanged I love you for the last time. Muli ko nanamang naramdaman ang luhang umaagos sa aking mga mata.
I went to the table on the terrace. At may naka lagay nanamang note doon "Get ready daughter. Its about time. - G." Inayos ko na ang aking sarili at iniwan ko ang liham na para kay Brix sa ibabaw ng lamesa. I know pupunta siya dito at sa oras na yon ay wala na ako. Gusto kong malaman niya ang lahat. Para kahit papaano ay maibsan ang sakit. Napakamapaglaro nga naman ng tadhana. Sinong mag aakalang ang taong binuo mo ay ikaw din pala ang mag dudurog.
Then at exactly 6 p.m as the bell suddenly rang. I disappeared. I return to heaven,beacause its my home. Pinahiram lamang ako ng Diyos sa lupa upang matulungan ang mga tao at labag sa utos na mahulog ang loob ko sa isang tao gayong ako'y isang Anghel.
Mabigat ang yabag kong tinahak ang gawi papunta sa kanya. His hands are wide open ready for a tight hug. Dumaloy ang luha ko habang yakap Siya. Habang yakap ang Diyos. "Walang mali sa pag magmahal anak, gayon nga lamang at hindi kayo maaring magsama." lalo akong humagulhol. His embrace lessen the burden in my heart. With his embrace I atleast felt secured.
-----
Sa huling pagkatataon ay Dumaloy ang luha sa aking pisngi habang kwinekwento ang pag ibig ko kay Brix sa mga munting Anghel. Hindi ko mapigilan ang luhang tumatakas sa aking mga mata. Habang pinapanoodan ang mahal kong si Brix na nasa edad singkwenta na. It's been 27 years since we met. Ang kanyang gwapong mukha noon ay kumulubot na samantalang, nanatili ang mukha ko sa ganon. Tumingin ulit ako sa ibaba kung saan kita ko si Brix. Hawak hawak niya ang sulat ko sa kanya. Ang papel ay kulang brown na at kita na ang pag kaluma. Pa tuloy ding dumadaloy ang mga luhang walang sawang dumalausdos sa kanyang pisngi.
Nag dadalamhati pa din sya hanggang ngayon. At hindi na din niya nagawa pang mag asawa. My love brought scars on his heart, while his endless grief tear my heart apart. "Mahal pa din kita Rose. Mula noon hanggang ngayon at kung papayagan man ng tadhanang mag kita tayong muli hindi ako magsasawang ikaw at ikaw ang muling ibigin." wika ni Brix.
"Mahal din kita Brix mula noon hanggang ngayon. At hindi ako magsasawang hilingin sa Diyos na mag kita tayong muli. Mahal kita, pasensya na dahil ako'y isang hiram lamang."
YOU ARE READING
Sometimes
Teen FictionCollection of my one shot tragic stories. That mood where you just want to read some tragic stories and cry.