-02-

5 1 9
                                    


Yziel's POV

Pagkauwing-pagkauwi ko ay binasa ko agad ang booklet na sinasabi nung hambog na buto na yun.

*Rules and Regulation of  Alcantara University*

Rule #1:  You should respect all the teachers and students, most especially Cyd Alcantara.

Rule #2: You should obey the SSG Officers.

Rule #3: Don't talk to Cyd Alcantara in a bad way.

Rule #4: Don't disobey the SSG Officers.

Rule #5: Don't start a trouble.

Ang daming pang nakasulat, kunwari pa sila. Dapat nilagay na lang nila dyan 'Sundin ang utos at gusto ng hambog na buto na yun.'

Porke't siya ang anak ng may-ari nung school na yun gaganunin na niya kami. Sarap niyang pektusan.

"Anak, lumabas ka na sa kwarto mo! Halika na at kakain na tayo." Tawag sa akin ni Mama.

"Palabas na po ako!" Sigaw ko at nagmadaling ayusin ang mga kalat sa kwarto ko.

Pagkatapos kong ayusin ang kwarto ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Pumunta agad ako sa kusina namin para matulungan sa paghahain ng dinner si Mama.

"Anak, kamusta ang first day of school?" Tanong ni Mama.

"First day of school pa rin Ma. Alangan namang second day of school agad." Sagot ko sa tanong niya at agad akong nakatanggap ng pagbatok galing kay Mama. At sinamaan ako ng tingin.

"Joke lang naman, Ma. May pa-batok ka kaagad eh." Pagbibiro ko at ngumiti kahit ang sama ng tingin ni Mama.

"May nakaharap agad ako na isang lalaking hambog na akala mong hari mukha namang surot!" Gigil na saad ko.

"Ano nanamang ginawa mo bata ka ha?" Tanong ni Mama.

"Wala akong ginawa, Ma. Ang bait ko kaya sa kanila kanina." Sagot ko sa tanong ni Mama.

"Huling taon mo na to ah college ka na next year. Umayos ka, Yziel. Makakatikim ka talaga sa akin kapag di ka nag-aral ng mabuti." Pananakot ni Mama sa akin at tumango lang ako.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Patapos na kami kumain ng tumayo si Mama at pumunta sa lababo namin. Napansin kong napapadalas ang pagsuka niya.

Nang mapansin ni Mama na nakatingin ako ay bumalik na siya sa upuan niya. Tumayo naman na ako para maghugas ng kamay ng may mapansin akong patak ng dugo sa lababo. Sumuka ng dugo si Mama?

"Ma, sumuka ka ba ng dugo?" Tanong ko kay Mama.

"Dumugo lang yung labi ko, Yziel. Tapos ka na kumain? Sige na at magpahinga ka na." Saad ni Mama at sinunod ko naman.

Dahil sa pagod na pakikipagsagutan sa mga lalaking hambog na yun ay madali akong nakatulog.

*Gumising ka na Yziel!*

Nagising ako dahil sa alarm ko. Nirecord ko ang boses ni Mama para maging alarm ko haha. Pinatay ko na ang alarm na sinet ko at tiningnan ang oras. Shet na malagkit, 30 minutes na lang magsisimula na ang unang klase ko!

Mama naman bakit di mo ko ginising? Pashnea. Pangalawang araw pa lang ng pasukan tapos malalate pa ko.

Nagmadali na ako sa pagligo at nagbihis na agad ako ng uniform kahit medyo basa pa ang aking balat.

Lumabas na ako ng kwarto at hinanap si Mama. Magpapaalam na ko para naman makapasok na ako agad sa paaralan. Hindi na ako mag-aagahan, sa school na lang ako kakain mamaya.

"Ma!" Sigaw ko.

"Ma, nasan ka ba? Malalate na ko!" Sigaw kong muli.

Pumunta ako sa labas pero wala naman si Mama don. Hindi naman siya kasama ng mga kapitbahay naming mga chismosa.

Pumunta ako sa kwarto niya pero wala din naman siya. Pumunta ako sa kusina. Nakita ko siyang nakahiga sa sahig ng aming kusina.

Lumapit agad ako sa kanya. Nang hipuin ko siya ay napakainit niya. Kaya naman pala hindi ako ginising kase may sakit siya.

Di ko alam kung dadalhin ko siya sa hospital o dito na lang sa bahay.

"Dadalhin ba kita sa hospital, Ma? Diba ayaw mo sa hospital? Pero kailangan talaga eh. Dadalhin na lang kita." Bulong ko sa sarili ko.

Kukuha na sana ako ng pera para makapunta na kami sa hospital ay biglang nagising si Mama at hinawakan ang kamay ko.

"Anak, wag mo ako dalhin sa hospital. Pwede naman na dito na lang sa bahay. Simpleng lagnat lang naman to." Saad ni Mama.

Maniniwala na sana akong simpleng lagnat lang yun ng bigla siya umubo at may nakita akong dugo na lumabas sa bibig niya pero di niya ipinakita sa akin.

"Ma, napapadalas ang pagsuka at pag-ubo mo na may kasamang dugo. Matagal ko ng napapansin yan." Saad ko kay Mama.

"A-Ayos lang ako." Sagot ni Mama.

"Ma, sa susunod magpa-check-up ka na ah. Mag-iipon tayo pang-check-up mo." Saad ko at tumango lamang si Mama.

Inalalayan ko si Mama na makatayo para madala ko siya sa kwarto niya. Sa tingin ko ay di na ako makakapasok sa school. Siguro naman maiintindihan ng dean yung dahilan ko.

Nang madala ko na si Mama sa kwarto niya, parang isang kalabit na lang sa akin ay mabubuwal na ko sa pagod.

"Ma, magpahinga ka lang ah. Di muna ako papasok ngayon, bibili muna ako ng pagkain natin." Paalam ko kay Mama.

Nagpalit na ako ng damit na pambahay at lumabas na ng bahay namin. Ipambibili ko na lang yung pera na naipon ko. Bumili ako ng lugaw at gamot.

Pagbalik ko sa bahay ay naririnig kong umuubo nanaman si Mama. Kaya naman dali-dali akong lumapit sa kanya. Nagulat siya sa pagsulpot ko kaya nakita ko ang kaunting dugo mula sa bibig niya.

"Ma, magpatingin ka na sa doctor." Saad ko.

"Ayos pa ako anak." Saad ni Mama.

"Kelan ka magpapa-check-up? Kapag mahina ka na? Kapag lumala na yan?" Inis kong tanong kay Mama.

"Wag ka mag-alala anak, magpapa-check-up ako. Hindi man ngayon pero sa susunod na lang." Paninigurado ni Mama.

Buong araw ko inalagaan si Mama. Pagkatapos ko siyang pakainin kanina ng lugaw na binili ko ay pinainom ko na siya ng gamot.

Pagkatapos non pinaliguan ko na siya. Ang hirap kase nanghihina si Mama kaya baka mabuwal siya. Kaya inaalalayan ko siya. Ang ending ayon basa rin ako. Sana naligo na lang din ako.

Pagkatapos non nakatulog si Mama, ako naman ay binabantayan ang temperatura niya. Pagkagising niya pinakain ko ulit siya. At natulog nanaman siya. Feeling ko talaga may future ako bilang yaya.

Gabi na kaya naman baka pwede na akong magpahinga. Kanina pa ko nagbibilang ng puting tupa pero di pa rin ako nakakatulog. Actually pati kambing nabilang ko na.

Di ako makatulog kase iniisip ko ang dapat kong gawin para makatulong kay Mama. Para may pera akong maibibigay sa kanya. Paano kaya?

Hiding My Own FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon