Yziel's POV
Maaga akong nagising dahil sa sobrang excited ko makapasok sa bagong paaralan na papasukan ko sa buong school year.
Pagkatapos ko maligo ay isinuot ko na ang bago kong uniform na sponsor sa akin ng nag-scholar sa akin.
Ako nga pala si Yziel Torres. Isang senior high student. Isang dukha lamang, na namulat sa kahirapan. Ngunit kahit mahirap ay kaya kong makipagsabayan sa mayayaman gamit ang aking talino.
Sa isang pang-mayamang paaralan ako mag-aaral. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mag-aaral don dahil walang kasiguraduhan ang scholar ko sa paaralang iyon.
Dahil kapag bumaba ang aking marka ay matatanggal ako sa listahan ng mga scholar na estudyante. Kapag natanggal ako paano ko na maaahon sa hirap si Mama?
Gusto ko siyang maiahon sa hirap lalo na't wala na si Papa. Kaming dalawa na lamang ang magkasama sa buhay. Kaya kailangan kong pagbutihan ang aking pag-aaral.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa Alcantara University. Kahit malayo ay kailangan ko lang itong lakarin. Dahil kailangan kong magtipid para may maipon akong pera.
20 to 30 minutes ang nakalipas ay nakarating na ako sa napakagandang paaralan na aking papasukan.
Ang paaralan ay may main entrance gate. Nakasulat roon ang 'Alcantara University' sa isang bold letters na kulay ginto.
Nakabukod ang College, High school at elementary building ng paaralan. By section ang pagbubukod nila sa building.
Magarbong tignan ang paaralan. Dahil kada tatlong dipa sa hallway ay may chandelier na nakalagay. Parang nasa isang palasyo ka kung makikita mo ang paaralan.
Napakaganda ng paaralan pero kapag pinagmasdan mo ang mga estudyante na nasa paaralan ay parang kabaliktaran ng ipinapakita ng paaralan.
Isang sulyap mo pa lamang ay alam mo ng mga lumaki sa marangyang buhay. Halatang sanay na pagsilbihan. Mahahalata mo rin kung sino ang scholar at hindi.
Ang mga estudyante na hindi scholar ay tila mga prinsesa ang mga ayos. Mga may kolorete sila sa kanilang mga mukha. May mga mahahalin na bag at mga alahas na nakasoot sa kanila.
Ang aming unipormeng blouse ay hanggang palapulsuhan ang manggas. At ang palda ay hanggang itaas lamang ng tuhod.
Ang medyas na puti naman ay hanggang binti lang. At ang sapatos na itim ay may taas na isang pulgada. Kulay abo ang uniporme namin na may itim sa outline nito. May necktie kami na may logo ng paaralan.
Dahil nakalimutan kong mag-agahan ay hinanap ko na agad ang cafeteria sa high school building. Dahil gutom na ako ay nagtanong-tanong na ako.
"Ah Ms, pwede magtanong?" Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko.
"Oo naman po." Sagot niya sabay ngiti sa akin. Ang bait niya di gaya ng mga estudyanteng nakakasalubong ko kanina.
"Saan ko makikita ang cafeteria?" Tanong ko.
"Anong grade ka na ba? Para maituro ko sayo ang pinakamalapit na cafeteria sa building niyo." Saad ng babae.
"Senior high school na ako." Sagot ko sa tanong niya.
"Kung nakita mo na ang garden ng building niyo, lumiko ka pakaliwa at kapag nadaanan mo ang field ay dumiretso ka lang at nandoon na ang cafeteria." Pagtuturo niya sa akin ng direksiyon.
"Thank you!" Magiliw kong saad ngumiti naman siya at umalis na.
Nang makita ko na ang cafeteria ay bumili na agad ako ng pagkain gamit ang silver card na kasama ng uniform na bigay sakin. Ang alam ko ay silver card para sa mga scholar at gold card naman sa mga hindi scholar.
And I decided to seat on the last table of the cafeteria. So they don't pay attention to me.
But I guess I'm wrong. Because when I sat on the chair they keep eyeing me even I continue eating my food. I thought they'll ignore me because I'm just a scholar.
Patapos na ako kumain ng mag-ingay ang mga estudyante sa paligid ko. Akala ko kung anong nangyari, noon pala ay may mga pumasok sa cafeteria na tatlong naggwa-gwapuhang mga lalaki. Halatang mayayaman sila.
"Good morning, President Cyd." Bati ng ilang babae na parang malalaglag ang kanilang mga panty.
"Good morning, Miguel!" Bati din ng iba.
"Good morning, Zendrick!" Bati rin ng iba pa.
Ngunit ang dalawang lalaki lamang ang pumansin sa mga bumati sa kanila. Ang lalaking nagngangalan na 'Cyd' ay hindi nag-aksaya ng oras para bumati man lang sa kanila. Napaka-taas ng tingin sa kanyang sarili.
Ngayon ko lamang napansin na nakatitig pala sa akin yung Cyd. Kaya naman sinundan ng mga tao sa cafeteria ang kanyang tinitingnan. Kaya naman nalaman nilang ako ang kanyang tinititigan.
Agad-agad namang lumapit sa akin ang dalawang lalaking pinagkakaguluhan kanina.
"Isa kang transferee?" Tanong ni Miguel kung di ako nagkakamali. Isang tingin mo pa lang ay malalaman mong matinik siya sa babae.
"Baka ako nagpatayo ng paaralan na to, ano sa tingin mo?" Sarkastikong sagot sa kanyang tanong.
"Sa tingin ko, isa ka sa aking bagong paglalaruan." Nakakalokong sagot ni Miguel.
"Sa tingin ko rin, ngayon ka lang mabibigo sa pakikipaglaro mo sa mga estudyante rito." Malamig kong saad.
"Bakit niya sinasagot si Miguel?" Bulong ng isa sa mga nasa cafeteria.
"Baka hindi niya kilala ang mga kaharap niya." At isa pa.
"Napaka-malas naman ng unang araw niya." At may sumunod pa.
"Sure akong paglalaruan siya ng tatlong yan." At may umisa pa.
"Baka simula pa lang ng school year ay may parusahan na agad ang mga SSG Officers." May chismosa pa.
"She's the only one who did that thing. No one dares to do that." Englisherang kokak.
"She's dead, I can sense it." Multuhin kita kapag namatay ako.
"Stop it, Ms. Do you know us?" Tanong nung Zendrick.
"Halata namang hindi diba?" Sarkastikong sagot ko sa tanong niya.
"Tinatanong kita ng maayos, Ms." Seryosong saad nung Zendrick.
"Zen, Migs, stop it." Saway nung Cyd.
"What?!" Zendrick.
"Wtf?!" Miguel.
Wala silang nakuhang sagot dun sa Cyd.
Seryoso at malamig na saad ni Cyd sa akin bago niya banggain ang aking balikat.Sumunod naman sa kanya si Miguel at Zendrick na masama ang tingin sa akin. Pagkaalis nila ay nagbulungan naman ang mga estudyante sa paligid.
Natulala ako ng maalala ko ang sinabi ni Cyd bago siya umalis.
'To know more about the rules and regulations of My school.'
'To know more about the rules and regulations of My school.'
'To know more about the rules and regulations of My school.'
S-Sa kanya ang paaralan na ito? Ang pinapasukan ko na paaralan ay sa hambog na iyon? Goodluck na lang sa school year na ito.
BINABASA MO ANG
Hiding My Own Feelings
FanficThere was a girl who's named Yziel Torres. She's just a normal girl. Her life was not good at all. At the middle of the school year she met Cyd Alcantara. What if they fell in love with each other? What if they're not for each other? What if they me...