Yziel POV
Ilang araw akong hindi nakapasok dahil inalagaan ko pa si Mama. Ngayon na lang ulit ako makakapasok.
Kaya naman inagahan ko talaga ang pagpasok sa school para naman pambawi ko sa araw na hindi ako nakapasok.
Pagpasok ko pa lang sa gate ay bulungan agad ang narinig ko. Pati pala sa paaralan ng mayayaman may mga chismosa at chismoso din kaso high end.
"Diba siya yung sumagot kay President Cyd?"
"Lagot siya ngayon."
"Kapapasok pa lang pero haggard na haggard na siya."
Jusko mga chismosa nga naman. Alam ko namang ako ang tinutukoy nila kase narinig ko yung pangalan nung hambog na si Cyd.
At ano? Kapapasok ko pa lang haggard na haggard na ko? Edi sila na ang may kotse na airconditioned. Sila na ang mga nagpapaderma. Kung anong kinafresh ng mukha nila, kabaliktaran naman ng ugali nila.
Pumasok na lamang ako sa classroom namin. At hanggang dito pala ay pinagtitinginan pa rin ako. Di nagtagal ay nag-umpisa na ang klase.
Nasa kalagitnaan kami ng klase ay tumunog ang speaker sa room namin.
"Ms. Yziel Torres please proceed to the Dean's Office."
"Ms. Yziel Torres please proceed to the Dean's Office."
"Ms. Yziel Torres please proceed to the Dean's Office."
Tatlong beses na inulit iyon. Tumingin naman sa akin ang professor namin.
"Ms. Yziel pinapatawag ka daw ng Dean." Saad ng Professor namin.
"Excuse me po." Saad ko at ngumiti.
Patungo na ako sa pintuan ng room namin ng biglang pumasok ang mga hambog. Halatang nagulat si Miguel at Zendrick.
"Sir Cyd, Sir Miguel at Sir Zendrick pwede bang malaman kung bakit kayo late?" Magalang na tanong ng Professor namin.
"That's none of your business. I hired you to teach us not to question us." Malamig na saad ni Cyd.
"Hambog talaga ang hinayupak na to." Bulong ko sa sarili ko. Nagulat naman ako ng tumingin siya sa akin.
"May sinasabi ka ba?" Tanong nito sa akin.
"May narinig ka ba? Nandito ka para mag-aral hindi para magtanong hambog. Walang galang." Saad ko.
"Anong karapatan mo para sagutin ako ng ganyan?" Tanong nito sa akin.
"Ikaw, anong karapatan mo para bastusin ang teacher na nasa harapan? Oo, pinapasahod ng pamilya mo siya. Pero isipin mo, kung wala ang mga katulad niya paano ang paaralan MO? Aanhin mo itong paaralan MO kung bulok naman yang ugali mo?" Malamig na tanong ko.
"Sumosobra ka na!" Sigaw ni Miguel.
"Kayo ang sumosobra na. Di ko maintindihan ang ibang mga estudyante na nangangarap na makapag-aral rito, eh ang pangit naman ng mga ugali ng mga narito. Ang tataas ng tingin niyo sa sarili niyo, pare-pareho lang naman kayong nagbabayad ng tuition fee." Walang emosyon kong saad.
Natahimik naman ang mga kaklase namin. Ang tatlong lalaki naman na nasa harapan ko ay ang sasama ng tingin sakin.
"Torres, pumunta ka na sa Dean. Hinihintay ka na noon. At please lang magpalamig ka muna. Pero hanga ako sayo." Saad ng professor namin.
Ako naman ay nilagpasan silang tatlo. Binunggo ko pa ang balikat ni Cyd. Nang makalabas ako ng room ay non lang ako nakahinga ng maluwag. Di ko nanaman napigilan ang sarili ko.
Tutungo na sana ako sa office ng Dean ng may humawak sa braso ko ng napakahigpit at hinila kung saan. Nilingon ko kung sino yon. At jusko, ang hambog pala na buto ang gumawa non.
"Bakit?" Tanong ko.
"How dare you say that to us infront of many people?" Tanong din niya sa akin.
"Bakit? Tama na ako ah. Truth hurts ika nga nila. Ikaw, ayos ka sana eh. Gwapo, mayaman, magaling mamuno kaso bulok ang ugali mo." Natatawa kong saad. Natigil ako sa pagtawa ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Tumigil ka na. Pagbibigyan kita sa ngayon. Pero kapag umulit ka pa, hahatulan na kita ng parusa." Seryoso saad ni Cyd at iniwan ako.
Dumiretso na ako sa office ng Dean. Kumatok muna ako para malaman niyang may papasok. Pumasok na agad ako pagkatapos kong kumatok.
"Pinapatawag niyo daw po ako?" Bungad ko.
"Oo, maupo ka muna." Saad ng Dean.
"Di na ko magpapaligoy-ligoy pa. Ikaw na ang magiging secretary ng SSG. Ikaw na ang papalit sa umalis na secretary." Seryosong saad ng Dean.
"P-Po?" Nagtataka kong tanong.
"Naka-base sa average ng inyong marka ang pwesto sa SSG. Ikaw ang sumunod sa dating secretary." Paliwanag ng Dean.
"Bawal po ba humindi?" Tanong ko at umiling naman siya.
"Bibigyan ka ng allowance kung papayag kang maging secretary ng SSG." Saad ng Dean.
Tumango na lang ako dahil alam ko namang wala na akong magagawa. Naalala ko nga pala, ang balak kong pagpunta talaga sa Dean.
"Dean may itatanong sana ako." Sabi ko.
"Ano iyon?" Tanong niya.
"Tatanggapin ko po ang pasya niyo na ako ang magigising secretary ng SSG kung papayagan niyo ko mag-part-time bilang waitress sa cafeteria." Seryosong saad ko.
"Oo naman, Ms. Torres." Sagot ng Dean at ngumiti. Ilang minuto pa ay umalis na ako sa office ng Dean.
Paglabas ko ay nakasalubong ko si Cyd. Napahinto siya sa paglalakad. Paglagpas ko sa kanya ay tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tunatawag. Si Tita Nelia tumatawag. Bakit? Sinagot ko agad ang tawag na iyon.
[Y-Yziel!]
"P-Po?" Sagot ko sa tawag ni Tita.
[Ang mama mo!]
"Ano pong nangyari kay M-Mama?" Tanong ko at biglang kinabahan.
[Dinala ko sa hospital dahil habang namamalengke ay bumagsak tapos umubo ng umubo tapos may lumabas na dugo sa bibig niya.]
"Papunta na po ako!" Naiiyak kong sagot.
[Sige, mag-ingat ka.]
Tatakbo na sana ako ng may humigit sa braso ko. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang palad. Tiningnan ko kung sino ang humigit sa akin. Si Cyd pala. Wala akong oras ngayon para makipag-away sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hiding My Own Feelings
Fiksi PenggemarThere was a girl who's named Yziel Torres. She's just a normal girl. Her life was not good at all. At the middle of the school year she met Cyd Alcantara. What if they fell in love with each other? What if they're not for each other? What if they me...