-04-

5 1 4
                                    


Cyd's POV

Ang tapang-tapang talaga niya. Bago pa lang siya pero kung umasta parang ang tagal-tagal na niya rito.

Pero di ko alam sa sarili ko kung bakit kapag nagagalit siya nagsslowmo ang paligid. O baka naman malabo na ang mata ko. Baka kailangan ko na magpatingin sa isang optimologist.

Ang bastos ko naman. Kung ano-ano na ang sinasabi ko pero di pa ako nagpapakilala sa inyo.

Ako nga pala si Cyd Alcantara. President ng Alcantara University. At ang kinaiinisan ni Yziel Torres.

Nalate kami pumasok nila Miguel at Zendrick. Kaya mainit ang ulo ko. Tapos nagtanong pa ang professor namin kaya naman nasagot ko ito.

Nagkasagutan kami ni Yziel. Pero di ko alam sa sarili ko kung bakit natutuwa ako sa nangyayari. Pero kapag sa ibang tao ay naiinis ako.

Nababaliw na ata ako. Kailangan ko na ata magpa-check-up sa isang psychiatrist.  Nandito pa rin kami sa classroom. Wala rito si Yziel dahil pinatawag daw ng Dean.

Di ko alam pero biglang pumasok sa isip ko si Yziel. Di ko alam kung bakit ko siya iniisip. Ano meron sa utak ko? Nagulat na lang ako ng biglang may pumalakpak sa harapan ko.

"Hoy! Tulala ka ah." Saad ni Zendrick.

"Baka iniisip niya yung sagutan nila kanina ni Yziel. Parang nasa pelikula kayong dalawa kanina." Natatawang saad ni Miguel.

"Ang tapang talaga nung babae na yun. Nung first day of school lumaban agad." Puna ni Zendrick.

Naalala ko nanaman ang nangyari nung first day of school sa cafeteria. Ang unang pagkikita namin ni Yziel. Pagpasok pa lang namin ng cafeteria nun, napako agad ang paningin ko sa kanya.

Ginayuma ata ako ng babaeng iyon. Paano ko ba wawalain sa isip ko ang babaeng yon?

"Nga pala, sino kaya ang papalit na secretary kay Roxanne?" Tanong ni Miguel.

"Edi kung sino ang sumunod na mataas ang marka. Pero sana naman kasing ganda niya si Roxanne. Para hindi boring sa office." Saad ni Zendrick.

"Puro kagaguhan ang iniisip mo Zendrick. Napaka-landi mo talagang lalaki. Sa susunod di na ako magugulat kung pati kapwa mo lalaki papatusin mo." Natatawa kong saad at sinamaan naman niya ako ng tingin. Tinaasan ko siya ng kilay kaya nagbago ang expression niya.

"Naisip ko lang, bakit nga ulit pinatawag si Yziel ng Dean?" Tanong ni Miguel.

"Di ko alam eh." Sagot ni Zendrick.

"Bakit?" Tanong ko.

"Baka siya ang kapalit ni Roxanne bilang secretsry ng SSG." Saad ni Miguel.

"Fuck, you have a point." Sang-ayon ni Zendrick.

"If she will be the new secretary of SSG, there will be a live shooting of the next episode of war between President Cyd and Yziel on the SSG Office." Masayang saad ni Miguel at naghigh five silang dalawa ni Zendrick.

"Ah talaga ba?" Sarkastikong tanong ko at tumango naman silang dalawa. Kaya naman agad silang nakatanggap mula sa akin.

"Aray ha!" Daing ni Miguel.

"Kunwari hindi masakit, Cyd." Inis na saad ni Zendrick.

"Para malaman natin kung anong totoo, pupuntahan ko ang Dean para malaman kung si Yziel nga ang kapalit ni Roxanne." Saad ko at umalis na para magtungo sa office ng Dean.

Malapit na ako nang biglang lumabas si Yziel mula sa office ng Dean. Napahinto ako sa paglalakad. Nilagpasan niya ako pero tumunog ang cellphone niya.

Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko kanina. Napansin kong umiiyak siya. Akmang tatakbo siya ay hinigit ko agad ang malambot at makinis niyang braso. Kaya naman napaharap siya sa akin.

Napagmasdan ko ngayon ang kanyang mga matang mapupula dahil sa pag-iyak niya. Ang makinis niyang mukha kahit mahirap lang siya. Ang makapal niyang kilay. Ang ilong niyang sakto lamang ang tangos. Ang mga labi niyang tila kay sarap halikan.

Hindi ko napansin papalapit na ako sa mukha niya. Nahinto lamang ako ng lumayo siya sa akin.

Muntikan na yun. Bakit ko naman siya hahalikan? Naaakit ba ako ng labi niya?

Hiding My Own FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon