Yziel's POV
Lumipas ang ilang araw ay nakalabas na si Mama mula sa hospital. Nabayaran na ni Tita Nelia ang bill sa hospital. Ilang araw din akong di nakapasok dahil sa nangyari kay Mama.
Kaya ngayon ay kailangan ko ng pumasok sa school. Baka mawala ang scholarship na ibinigay sa akin. Baka mahinto ako sa pag-aaral kung magkataon.
"Tita Nelia, pwede po bang kayo muna ang mag-alaga kay Mama?" Tanong ko kay Tita Nelia na ngayon ay nagkakape.
Kasama namin si Tita Nelia ngayon para may kasama akong mag-alaga kay Mama. Dahil alam ni Tita na hindi ko kayang mag-isa alagaan si Mama.
"Oo naman, Yziel. Saan ka naman pupunta at bakit mo sakin ibinilin si Tita Yasmine?" Tanong ni Tita Nelia sa akin.
"Kailangan ko na po kasi pumasok ng school. Baka mawalan po ako ng scholarship. Baka po mapilitan akong huminto pag-nangyari yun." Nag-aalala kong sagot kay Tita Nelia.
"Sige na, Yziel. Pumasok ka na para hindi ka ma-late." Saad ni Tita Nelia.
Sumunod naman ako sa utos ni Tita Nelia at nag-madaling maligo at magbihis. Ilang minuto pa ay handa na akong pumasok sa school.
"Tita Nelia, maiwan ko na po kayo. Pakibantayan muna po si Mama." Paalam ko kay Tita Nelia at tumango naman siya.
Umalis agad ako sa bahay. Nagsimula na akong maglakad patungo sa Alcantara University. Ang paaralan nung hambog na lalaki na yun.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa school. Balak kong pumunta sa office ng Dean para masabi kong gusto ko ng magsimulang magtrabaho sa cafeteria ng school.
Pagka-swipe ko ng I.D ko sa scanner ng school ay daig ko pa ang hinahabol ng kabayo kung magmadali ako sa pagpunta sa office ng Dean.
Pagkarating ko sa tapat ng office ng Dean ay kumatok agad ako. At tumapat sa camera ng office ng Dean para marecord na ako ang papasok. Bumukas naman na ang pinto.
"Good morning po." Bati ko sa Dean.
"Good morning din, Ms. Torres." Bati rin ng Dean.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Ms. Torres?" Tanong ng Dean sa akin.
"Dean, gusto ko lang na ipaalam sayo na gusto ko na sanang magsimulang magtrabaho sa cafeteria bilang server." Seryosong saad ko sa Dean. Halata namang nagulat ang Dean sa aking tinuran.
"Bakit kailangan mo agad magtrabaho sa cafeteria? Kailangan mo na ba ng pera? Di ba kasya ang allowance na ibinibigay ng sponsor mo at ng school?" Sunod-synod na tanong ng Dean.
"Nahospital po si Mama. Kailangan ko na pong magbanat ng buto. Kailangan ko na po kumita ng pera." Seryosong sagot ko sa mga tanong ng Dean.
"Sige, pwede ka ng magsimula. Ngunit hindi ngayon. Sa next monday ka pa pwedeng magsimula." Saad ng Dean.
"Sige po, maraming salamat po. Paalam Dean." Pag-papaalam ko.
Tinalikuran ko na ang Dean at nagtungo na sa pintuan ng Dean. Binuksan ko na ang pintuan at nagulat ako ng papasok pala si Cyd. Ngunit hindi ko na pinahalatang nagulat ako at nagpatuloy na lang sa pag-alis.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong ilang minuto na lang ay magsisimula na ang unang klase ko sa araw na ito.
Kaya naman dumiretso na ako sa classroom namin. Tumakbo na ako para mabilis akong makarating sa classroom. Muntik na akong ma-late. Buti na lang at naunahan ko ang Professor namin.
"Good morning, Class." Bati ng Professor namin.
"Good morning Prof. Marasigan." Bati rin namin.
"So, mag-attendance muna tayo." Saad ni Prof. Marasigan.
"Boys muna." Paalam ni Prof. Marasigan.
"Alcantara."
"Present." Sagot ni Cyd.
"Cruz."
"Present."
"Fernandez."
"Present."
"Lee."
"Present." Saad ni Miguel.
"Sy."
"Present." Sabi ni Zendrick.
"We're done boys, girls ready." Saad ni Prof. Marasigan.
"Anderson."
"Present."
"Marquez."
"Present."
"Perez."
"Present."
"Torres."
"Present." Sagot ko. Napabaling naman sa akin si Prof. Marasigan.
"Ms. Torres, pwede bang malaman kung bakit madalas kang wala sa klase ko?" Tanong nito sa akin.
"H-Hindi lang naman po sa klase niyo ako wala." Kinakabahan kong sagot.
"Bakit ka laging wala?" Tanong ulit niya.
Di ko alam isasagot ko. Ayaw ko naman sabihing may sakit si Mama. Naramdaman kong may nakatitig sa akin. Kusang tumingin ang mga mata ko kay Cyd.
BINABASA MO ANG
Hiding My Own Feelings
FanfictionThere was a girl who's named Yziel Torres. She's just a normal girl. Her life was not good at all. At the middle of the school year she met Cyd Alcantara. What if they fell in love with each other? What if they're not for each other? What if they me...