Kabanata 29 : Kape at Pag-ibig

18 0 0
                                    

Tama ba ang narinig ko? Amihan...Amihan...nanaginip ka lang...

"I love you..." yun ang narinig ko sa bibig ni Nathan...paulit-ulit kong iwinawaksi ngunit paulit-ulit naman itong pumapailanlang sa aking mga tenga.

"Amihan Marcos, you are the only woman for me...I hope you can see my sincerity towards you...I hope that everything will not matter to you...I hope that you will accept me as your boyfriend..." Parang musika na masarap pakinggan ang mga sinabi ni Nathan...pero ang nakakainis ay ang sagot ko lamang ay... "I'll think about it..." Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko ba pinaiiral ang pride ko, ang pagiging dalagang Filipina? Gusto ko naman na talaga si Nathan kaya lang...kaya lang... hay wala na akong mairason...medyo malungkot atang umalis si Nathan kanina, papaano kung magsawa sya? Papaano kung marealize nya na I'm not worth it...

"Magkape ka nga muna anak...mukhang may malalim kang iniisip..." lumapit si Tatay sa akin at inabot ang isang tasa ng kape.

"Tay...pag mahal mo ba ang tao dapat mo syang paghintayin?" humigop ako ng kape at ngumiti lang si tatay.

"Hindi natin malalaman kung kailan magwawakas ang buhay natin...kaya dapat YOLO...You only live once, so hwag natin itong sayangin.

" Thanks tay...anyway masarap itong kape mo..."

"Syempre, bago kong timpla yan, what do you think? Pambest seller ba?"

"Oo naman tay!"

Tintigan ko ang aking telepono, tumingin ako sa bintana, malayo na ako sa mga kabukiran, puro matataas na gusali na lamang at maniningning na mga ilawa ang tumatambad sa akin. Tulog na tulog na ang aking kapatid at official room mate ko. Tatawagan ko ba sya o hindi?

Hinanap ko na ang kanyang pangalan sa aking phone book, isang pindot na lang... OMG napindot ko...OMG napindot ko...cancel...cancel...whew akala ko...nacancel ko ang tawag, hindi pa ata ako handa na ipakita kung ano ang kaya kong gawin.

Naramdaman ko na biglang nagvibrate ang phone ko, si Nathan! Naku baka nakita na nya yung miss call ko...nakakahiya...

Sasagutin ko ba o hindi? Hay bakit ayaw pa nyang tumigil? Nathan I can't hide it any longer...sasabog na ang puso ko...

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na hawak na ang telepono at ...

"h-hello Nathan?"

"Bakit ka tumawag?"

"M-may sasabihin lang ako..."

"Ano yun?"

"Nathan..."

"Yes?"

"Nathan...I love you too..." Sabay patay ng telepono at ibinaon ko ang mukha ko sa unan ko...halos sumigaw na ako, pero dahil tulog si Mayumi ay nagsilent scream na lang ako.

It is official, I am crazy over this awesome guy...I am crazy because he might just be the person who will be with me till our days come to past...

Siguradong magpupunta sa school si Nathan bukas...I am sure...Makikita ko na sya...Tomorrow, it's official...boyfriend ko na si Nathan Cruz...yes...THE Nathan Cruz...

Ako si...Hindi ako...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon