Kabanata 27: Paraparaan...

18 0 0
                                    



Paraparaan lang...kunwari napadaan lang ako sa coffee shop nila Ami, pero ang totoo gusto ko lang syang makita. Sa Bulacan ang taping ko pero nandito ako sa Taguig...

"Tito Nathan...akala ko may taping kayo?" pamilyar ang tinig na iyon mula sa aking likuran...si Jun? Ano naman ang ginagawa ng mokong na ito dito?

"Wow Jun...your uncle is a famous celebrity?" sabi nung katabi nyang posible na kaklase nya o schoolmate dahil obviuosly sa suot nitong uniform.

"Uhh hindi...he is a family friend...tito these are my friends...Blake...Franc...and Angelo..." Aba natutuwa naman ako at may kaibigan na agad si Nathan este si Jun sa bago nyang school...

"Nice meeting you guys...A e gusto ko kasing tikman yung coffee dito..." Medyo nagbubulungan na yung ilang mga customer napansin na ata ako kaya lang nahihiyang lumapit.

"N-Nathan? A-anong ginagawa mo rito?" narinig ko na ang boses ng taong gusto kong makita, may kasama nya ang kapatid nya, may hawak silang mga tray, waitress sila ngayon?

"A-ate...s-si Nathan Cruz? T-totoo ba ito?" Nashock ata ang kapatid nya na si Mayumi, hindi kaya naikwento ni Amihan ang mga panahong magkasama kami?

"Magkakape ha...sige dun muna kami sa table namin..." Pabulong na sinabi sa akin ni Jun at bumalik sila sa kanilang lamesa, habang ako ay nagcoconstruct pa ng excuse kung bakit ako nandito.

"Ah...sabi mo nga pala dadaan ka pag may free time ka..." ngumiti si Amihan, baffled pa rin si Mayumi.

"Magkakilala kayo?" itinuro ako ni Mayumi na tila wala pa rin sa sarili, parang pinipigil nyang sumigaw.

"Oo...kaibigan ako ng kuya Patrick mo..."

"Kuya...can I call you Kuya? Paautograph at papicture!" Ayan lumabas na ang wild side ni Mayumi, nagtatalon na. Sa puntong iyon nagkagulo na rin ang mga tao, panay na ang kuha ng picture kaya naman lumusot ako sa may kusina.

"Dun ka na lang sa itaas magcoffee, iseserve ko na lang sa iyo." Wika ni Amihan, napansin ko ang isang spiral na hagdang bakal, tinunton ko ang hagdan only to find out na yun pala ang kwarto ni Amihan at Mayumi...Nanduon pa rin ang mga pictures namin...I mean noong ako pa si Patrick. Naaliw ako sa mga nakita ko, di pa rin sya nagbago, mahilig pa rin sa mga stuffed toys...maya-maya pa ay napansin ko na ang mga yabag paakyat ng hagdan, si Ami iyon may dalang kape.

"Hmm...mukhang masarap yang kape mo ah..." yun na lang ang nasabi ko kasi hanggang ngayon pag naalala ko pa yung nangyari sa amin, napapatingin ako sa kanyang mga labi at medyo awkward pa akong kumilos sa harap nya.

"drink up...this one's on the house..."

"I love you..." naibulalas ko ng wala sa loob ko...

"Ano yon?" hindi ata naintindihan ni Amihan,buti na lang... "Asikasuhin ko lang yung mga costumer sa baba, wala pa kasi kaming nahihire na waiter..."

Sa ilang saglit pa ay isinara na ang pinto pero wala akong narinig na mga yabag pababa, naisip ko na baka naman nahimatay na sa sobrang pagod si Ami kaya binuksan ko ang pinto, laking gulat ko na nakasandal pala si Ami sa pinto kaya ng binuksan ko ito ay nahulog sya ngunit agad ko naman syang sinalo ng aking mga bisig. Nagkatinginan lang kami at sinabi ko ulit ang sinabi ko nang pabulong, pero sa pagkakataong ito ay mas malinaw.

"I love you..."

Ako si...Hindi ako...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon