Kabanata 1 : Ako si Patrick...

275 5 2
                                    

Oo... hindi ako gwapo, sasabihin ko na ang "p" word, panget ako at tanggap ko yun. Sabi nga nila sa Ingles "You can't have them all..."

Currently, I am a teacher, teaching English and Chinese Mandarin sa isang public school sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Oo tama ang nabasa mo, sa isang public school ako nagtuturo at wag mo nang tanungin kung bakit may Chinese Mandarin na subject, iba na ang mga high school ngayon kaysa noong nag-aaral ka pa...

Hindi ako gwapo...pangit ako...but my personality rocks, kahit na mukhang kinulang ng isang step sa evolution of man ang aking mukha (sayang, malapit na sana akong magmukhang matinee idol, mukhang naexcite si God at inilabas na ako agad sa oven, half-baked tuloy...). Anyway, that doesn't bother me kahit no girlfriend since birth ako, sabi naman nila I am a man with many talents, I can sing, I can draw and paint pictures, I can dance, I can write poetry...kung tutuusin kaya kong paibigin ang sinumang babae kaya lang iisang babae lang ang gusto ko...

"Huy...nagsusulat ka nanaman sa blog mo? Thirty minutes na lang klase mo na..."

At ang gusto ko ay yung nagsalita sa likuran ko kanina habang nagta-type ako ng blog sa aking laptop. Siya si Amihan Marcos (talagang Amihan ang pangalan nya, hippie kasi yung tatay nya, makabayang envirolmentalist naman yung nanay nya kaya ayun...). Nung nasa college kami sya ang unang kumausap sa akin, at nagkataon na pareho kaming English major. Sampu lang kami na magkakaklase, yung walo mga seryoso sa pag-aaral, parang di tumatawa (yun ang comment nya), kaya sa akin sya nakipag-usap (Siguro dahil mukha akong clown...).She is way out of my league, kaya hanggang bestfriend lang ang inabot ko, Miss college of Education sya at Second runner up sa Miss University, ako naman Mr. Halloween at Mr. Undas(joke lang). Kahit lagi kaming magkasama walang nagsabi na magkasintahan kami (wish ko nga may tsismis na kumalat e, pero wala e...). Nagtapos kami ng college at ngayon sa aming twenties ay permanent teachers na sa Nueva Ecija High School.

Sya nga pala ako si Patrick...Patrick Capalaran...Twenty-four years of age, nakatira sa bahay ng aking mga magulang, may lihim na pagtingin sa aking bestfriend na co-teacher ko na rin at isang taon nang permanent teacher.

Break time ngayon at vacant period ko before that, I have only twenty minutes left, hindi nagdadaldalan ang mga co-teacher ko ngayon, tahimik silang nanonood ng mga episode ng mga teleserye sa isang online app. Dati ,super sikat ang teleseryeng "Para sa iyo ang puso ko" Yung artista dun na babae, iniimagine ko na sana si Amihan yun at yung lalaki ay ako. Ubod naman ng gwapo yung lalaki, bagay sa kanya ang gumanap na anak mayaman. Baka pag ako ang inilagay sa teleserye, pang goons ng kontrabida o kaya e pag kailangang may ipalapa sa leon o ihulog sa bangin baka yun ang ibigay sa akin (na role).

"Ilang taon na kaya yang si Nathan Cruz? Ang gwapo nya no?"

"Three years ago yang teleserye na iyan, that time e... eighteen years old sya so mga twenty-one na sya ngayon..."

Mukhang tinapos na nila ang kanilang panonood at nagsisimula na sila sa kanilang analysis ng kanilang pinanood. Ganyan sila matapos manood, parang mga kritiko ng pelikula na nagbibigay ng kanilang pananaw tungkol sa kanilang napanood. Yung unang nagtanong ay si Sir John Filipino teacher, at yung sumagot si Ma'am Rosalie, teacher naman sa Araling Panlipunan. Hindi sila basta-basta nagtsitsismisan, marami kang matututunan kapag nakinig ka sa kanilang mga usapan, mapa-pulitika, showbiz o kahit supernatural o kababalaghan pa yan, sky is the limit sa mga topic nila, ngayon naman ay pinag-uusapan nila ang teen heartthrob na bida dun sa teleserye...

"It's sad, kasi yung mga kasalukuyan nyang palabas sa TV ay hindi nagrarate, siguro it's because hindi na nya mahigitan yung karakter na pinortray nya sa teleserye na ito..." Nagiging film and television critic na si sir John...

"Oo nga, sabi nga sa dyaryo, baka matsugi na yung show nya...ganyan talaga pag biglang sikat, bigla ring bagsak..." komento naman ni Ma'am Rosalie.

"Patrick, ano masasabi mo sa taong to?"Napansin tuloy nila ako, teka bakit pati ako dapat may opinyon? Sa totoo lang hindi ako mahilig manood ng teleserye wala lang akong choice kasi kapag yung nanay ko at kapatid kong babae ang nauna sa TV puro teleserye na ang papanoorin nila from 7:00pm hanggang 11:00 pm.

"Uhm...kasi yung mga tao ang tingin sa kanya e pretty face lang sya, one-trick pony kung baga..." wow nabilib naman ako sa comment ko kahit na hindi ko naman talaga alam ang buhay nung tinutukoy ko na artista, ang alam ko lang ay yung teleserye...

"Indeed, kasi lagi syang naitatype-cast as anak mayaman, always the same role, kaya nanawa na ang tao sa kanya..." Maka "indeed" naman si Ma'am Rosalie wagas...

"Hay naku, ang dapat dyan sa artista na yan magbreak muna and then magcomeback sya, ireinvent nya yung sarili nya..." Sumingit si Amihan na galing ng C.R.

"Di ba crush mo yang si Nathan Cruz, ba't mo naman hinihiling na magbreak sya sa showbiz?" Biro ni sir John, nagblush si Amihan.

"Uuuuy nagblush sya...crush mo pa rin hanggang ngayon ano?" Hay, si Ma'am Rosalie talaga, nanukso pa...

"Crush lang naman, meron na talaga akong gusto...di ko lang alam kung gusto nya rin ako..." Mabilis na comment ni Amihan. May secret love sya? Sino?Si sir De Guzman kaya ng Math Department?Si Sir Cortez ng MAPEH?sino? Ngayon may palaisipan pa ako sa isip ko...

Pero bago pa man ako makapagcomment nagring na ang bell, tapos na ang break.

Ako si...Hindi ako...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon