Kabanata 2 :Ako si Nathan Cruz...

113 1 0
                                    


Gusto ko nang mawala sa mundong ito...

Hanggang magandang mukha lang ang mayroon ako, yun ang sabi ng lahat sa akin...Galit si Papa sa akin dahil pinili kong mag-artista kaysa ang mag-aral sa kolehiyo, dapat nasa third year na ako noon, ako daw ang kaisa-isang anak na lalaki na dapat magmana ng negosyo pero binigo ko sya...

Three years na akong di kinikibo ni Papa, si Mama wala ding magawa, may kanya-kanya nang mga buhay ang tatlo kong kapatid na babae, may mga asawa na lahat...

Kasikatan, yon ang aking hinangad, an easy way...yung wala nang paghihirap. Nakamtan ko naman agad yun nang nagkaroon ako ng unang starring role, nagsunod-sunod ang mga projects ko, pati mga commercial endorsements...

Na-link kung kani-kanino na mga young stars, pinag-usapan ang aking mga pagkakamali at mga pagpupunyagi, nakisaya ang lahat pag matagumpay ako, pero kapag malungkot ako, mag-isa na lang ako...walang kaibigan, walang nagmamahal kahit kapamilya...

"Nathan, next week na ang last shooting day ng teleserye mo" pumasok ang aking manager na si Marie para sabihin ang balita.

"It can't be helped, sobrang baba ng ratings..." At sa ending noon lalabas na sa akin isisisi ang pagkabigo ng project.

"Well, maghahanap na lang tayo nang mas magandang project..."

"Ate Marie, I need a break..."

"Break? Kapag umalis ka baka ala ka nang career na babalikan..."

It made me doubt myself, Am I just a pretty face? Wala na... hanggang dun na lang period. Sabi nila masarap ang maging artista, but why do I feel so empty, what is my purpose?

"Wait Nathan, nakainom ka, you can't drive!"

"Don't worry ate, I'll be safe..." Or am I? Am I really be safe knowing that I no longer have the will to live?

"Nathan...Nathan!"

Hindi ko na pinakinggan si Marie, umalis na lang ako at nagdrive...If I go right now, then so be it... They can cancel my show, Wala akong pakialam! Sabihin na nila, kesyo laos na ako, wala akong talento, gwapo lang pero walang utak...ano pa ba?

Sa dami nang iniisip ko isang liwanag ang nagpatigil sa akin, at pagkatapos nakarinig ako ng malakas na tunog ng isang bagay na tila bakal na bumangga.

Young Aktor,kritikal dahil sa drunk driving

Kritikal ngayon ang lagay ng actor na si Nathan Cruz sa Makati Medical Center matapos nyang banggain ang isang delivery truck sa kahabaan ng EDSA kagabi.

Nakaligtas ang driver ng nasabing truck na nagtamo lamang ng kaunting galos, habang si Cruz ay hindi pa rin nagigising hanggang sa ngayon.

Matatandaan si Cruz sa pagganap nya bilang Allan sa teleseryeng Para sa iyo ang puso ko at bilang si Robert sa papatapos nang teleseryeng Ikaw.

Ito na ang huli kong pagtatanghal, magsasara na ang telon para sa akin, mawawala na ang ningning ng aking bituin...paalam na sa mundo...

Ako si...Hindi ako...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon