Kabanata 10 : Artista...artista nga!

48 0 0
                                    


Natapos ang break, kailangan ko nang ipagpatuloy ang buhay ko. Nailibing na si Patrick, ako...nabuhay si Nathan at ngayon ay magbabalik trabaho na. Nagkaroon na ng closure ang kabanata ng buhay ko bilang si Patrick, ngayon kailangan ko nang harapin ang buhay ko bilang si Nathan Artista, matinee idol na palaos na, unico hijo ng White Cross group of companies at ayon sa karamihan ay may attitude problem.

"Last taping day na ng teleserye so let's not make any problems Nathan...nauubos lang ang kinikita ko kakapatanggal ng wrinkles ko dahil sa mga problemang ibinibigay mo sa akin..." sermon ni Marie ang aking manager.

"Don't worry, you are looking at a new man here..." Hindi naman mahirap magpanggap, basta ang rule ko lang I just have to be myself, kung anuman si Nathan noon, babaguhin ko iyon. I will not try to imitate him, I am going to create myself through him.

"Good job Nathan! Namangha ako at one take lang..." nagpalakpakan ang mga staff nang nagwakas angaming shooting. Kahit naman ako pangit noon ay may background din naman ako sa theater arts, dahil kay Amihan lagi kasi nya akong isinasabit sa mga stage play niya bilang extra or kontrabida.

"This new you Nathan...I am liking it..."comment ni Marie habang pumapalakpak.

"Better get used to it,Ate Marie, because the old Nathan is dead..." Para walang makahalata ng pagbabago, iyon ang pinakamagandang excuse, hindi ba't life changing naman ang pagkasangkot sa isang aksidente?

After ng shoot, showbiz talk show naman ang napasukan ko. Siguro nakailang change outfit din ako, malayo na sa nakagisnan kong buhay.

"Ano ang hindi alam ng tao kay Nathan Cruz?" Yun ang bato agad ng host sa akin matapos akong magpaliwanag regarding "my" accident na ginawan ko na ng napakagandang litanya before hand, speech writer yata ito at winner pa sa mga oratorical contest...

"Si Nathan Cruz ay nag-iisa...walang kaibigan...wala lahat...kundi pa sa aksidente hindi nya marerealize kung papaano mangailangan ng tao, kung gaano kahalaga ang pamilya, at kung gaano kahalaga ang trabaho nya. I know I am not a good person, based on the comments and my bashers, but I am not changing myself because they said so, this new me is due to the fact that I need to change so that my new life won't be wasted..." mukhang natulala yung host sa sinabi ko ayaw pang sumagot.

"Very well said, at ano ang mga na ito?" sa wakas nakapagsalita din ang host. Sabagay pag iniinterview si Nathan noon ay parang walang sense ang sinasabi nya kaya ang tingin ng ilan sa kanya ay gwapo lang pero walang utak.

"Well, I need to reinvent myself, I can do more than a rich guy role, Kung bibigyan ako ng pagkakataon gusto ko naman ng romantic-action drama, yung mga spy like roles or I could even play the villain...I think my body is fit for action stunts..." Naman, pag tinitingnan ko sa salamin, napakaganda talaga ng katawan ko, siguro naman pag naging action star ako e babagay. Tsaka idol ko sila James Bond e.

"Indeed, your body is fit for that roles, so Isheshed mo na ang rich boy roles for a more mature and challenging roles...good luck at salamat sa iyo... Nathan Cruz ladies and gentlemen..."pagwawakas ng host nagpalakpakan ang mga audience.

Sa back stage nakangiti ng abot tenga si Marie. "You---are a genius, bakit hindi ko naisip ang reinvention...maraming producer ang nakapanood ng interview mo at may isa na agad na inooffer sa iyo..."

"Ganun ba ate...tingnan natin baka maganda, anyway madalang naman ang offers sa akin di ba, this is not the time to be picky..." I could get use to this, ang pagiging ingleserong artista, atleast naprapractice ko pa rin ang pagiging English major ko.

"May isang project daw kasi na hanggang ngayon e di pa sila sure kung sino ang lead actor, after nung interview they thought that you would be perfect for the role..."

"Anong title nung project?"

"My teacher is a spy..."

Ah teacher, madali lang iportray yung role na yun because I use to be a teacher...Walang nakakaalam but I used to be one hell of a teacher...

Ako si...Hindi ako...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon