Chapter One

5 1 0
                                    

Grade six ako nang mahiwalay kaming tatlo.

Si Jaja na napunta sa pilot section at ako naman ay napunta sa lower section at si Mimij ay nasa junior high na. Nasa kabilang eskwelahan na sya nag-aaral. Isa lang ang ibig sabihin nito, ako lang mag-isa. Walang tulong o bantay.

"Hindi ba talaga makiusapan yung head ng grade six?" si Papa, medyo nag-aalala.

Umiling si Kuya Augustus sa kanya, pagkatapos ay sa akin tumingin. Bumuntong-hinga silang dalawa.

"Yung grade six kasi Papa, binabase yung sectioning sa overall performance ng bata noong grade five pa sila. Kahit na late or early enrollees. Kaya sa huling section pa rin ang punta ni Riri kahit na ipa-early enroll natin siya."

"Bakit ba may ganun yun? Ipa-transfer ko na lang silang dalawa?" puno na ng pag-alala ang boses.

"Hindi naman yun tama. New environment, adjust nanaman iyong gagawin ni Riri."

"Okay lang naman, Papa. Kakayanin ko po."

Kahit hindi sigurado, takot nga ako sa totoo lang. Pero, kung nandito na tayo sa sitwasyon na ito, ipagpatuloy ko na lamang. Hindi naman sa lahat ng bagay, nadadaan sa pabor o pakiusap.

"Oras na din siguro, Papa para matuto niyang tumayo ng mag-isa. Mas maganda nga yun di ba?" si kuya Angel.

Si Jaja at Mama lamang ang wala dito. Sabi ni Papa ay namasyal kaya hinayaan niya. Habang kaming apat dito ay iniisip kung paano ako maiwasan sa gulo. Ilang pangungumbinsi pa ni kuya Angel kay Papa na magiging maayos lang ako, bago sya pumayag at niyakap ako.

"Who knows what will be out there, Riri. May tiwala ako sayo, hindi ka nga gahaman sa pera, alam kong Bedua ka dahil matapang ka. If trouble comes, call your kuyas immediately."

Ngumiti ako at tumango. Puno pa rin ng pag-alala ang mga mata niya. Nawala lamang ng ngumiti ako. Marahas syang bumuntong-hinga na parang pinoproblema pa rin iyon kaya natawa ang mga kapatid ko.

"Riri, handa ka na?" si Jaja na tinanong pa ako, pagkatapos niyang maghanda.

Tinatali ko pa ang sintas ko para umayos. Ilang taon kong inaral ang pagsintas lamang at ang paghawak ng ballpen ng hindi ito nabibitawan kapag nagtagal sa pagsusulat. Maliliit na proseso ang itinuturo sa akin, madalas din kaming mag-exercise tuwing walang klase para maihanda ang katawan ko at mabawasan ang bigla-biglang hindi pagsunod nito sa gusto kong gawin.

Hindi ako pwedeng ma-stress dahil nagkakabuhol-buhol ang mga iniisip ko, pagkatapos ay nagkakaroon ako ng aksidente. I'm a slow witted student. Partly, because of my condition, and I'd say, I'm just really a slow wit person. Hindi naman iyon mali. Pero, madalas kinakahiya iyon.

People tend to think that it's a shame for being a slow wit. Unfortunate, yes, but, I just think that it's how I differ to other people. Not all people are the same, so, I believe that I was just different. A good different, I guess.

Hindi dahil pinanganak kang tao, matalino ka na agad. Sanggol ka noong pinanganak ka, nagsimula ka sa wala. Tinuruan ka ng mga tao sa paligid mo kaya mo nararaos ang bawat araw-araw mo. Meron, mabilis lang matuto, meron naman mabagal – isa ako doon, pero hindi naman ibig sabihin na hindi ko din maabot ang paroroonan ko dahil mabagal akong matuto. Hindi naman tawag sa akin ay mangmang, mangmang ako kung wala talaga akong alam, sadyang mabagal lang ang proseso ng utak.

Umupo ako sa harapang upuan. Madalas akong umupo at si Jaja sa harapan para daw matuto kami ng maayos. Kung sa likod ay baka daw mag-chismisan lamang kami.

Unang araw namin sa pagiging grade six pupil, nasa pintuan ng silid-aralan namin si kuya Angel kausap ang adviser ko. Kumaway pa sya sa akin bago tumango sa guro namin at umalis na.

The Flower Blooms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon