Chapter Two

9 1 0
                                    

"Oh! Kopok!" sigaw ni Jaja.

Binitawan niya ang kanyang hawak na lampaso at lumapit kay Kopok na nakangisi kay Jaja. May kung anong handshake silang ginawang dalawa. Teka nga lang, magkakakilala sila?

Nilingon ko si Leo na naka-igting na ang panga, tinitignan ang dalawang mag-usap at magtawanan.

"Crush ni Leo si Jaja?" bulong ko sa hangin,

"Oo. Kaya inaasar ni Kopok kasi magkakilala sila." Si Gilbert iyon na narinig ata ako.

Kumpara kanina ay hindi na lumilipad ang lampaso dahil sa paa ko pero hindi din masyadong nagagalaw ang lampaso sa puwersang binibigay ko. Ngumuso ako.

"Bakit hindi ko kilala si Kopok?" bulong ko ulit, pero matalas ata itong pandinig ni Gilbert eh.

"Trabahante niyo si Kopok, Riri. Posible mong makita si Kopok kung lagi ka sa manggahan niyo. Si Jaja lang lagi ang andoon."

"Ah." Iyon na lang nasabi ko.

Wala kasi akong oras para pumunta sa farm. Si Jaja at kuya Augustus madalas doon. Ako ay laging nasa clinic ng Mama ni Image o di kaya nasa bahay lang para mag-aral kasama ang tutor ko. Si Jaja ay masyado nang gifted kaya may mga oras na pwede siyang maglibang para sa sarili niya. Magliwaliw kung ganoon. She's blessed.

Tumatagal ang oras ay mas lalo kong nakuha ang paglalampaso. Pawisan ako ng matapos kaming lahat. Ang mga lalake ay inayos na ang arrangement ng mga upuan sa kung paano ito gusto ni Maam. Pinaskil niya sa bulletin board namin kung saan kami talaga naka-upo at may mga groups na kami for cleaning assignments.

"Punta na tayo sa general meeting. Sabi ni Gilbert." Inakbayan niya pa ako.

Hindi halata sa kanya na responsable syang tao. Masama manghusga, hindi ko lang talaga maiwasan. Yung pasensya na binigay niya sa akin kanina habang nagtuturo sa paglilinis. Sobrang thumbs up sa kanya. Kahit si Kuya Angel nga ay kinakati na lamang ang ulo kapag hindi na nakayanan ng pasensya niya.

"Hindi kasama si Rheeza, Gilbert. Uuwi na sya." Singit ni Maam.

"Heh? Bakit, Maam?" sabay na tanong ng mga officers.

Ngumiwi ako. Halatang ayaw din nila akong pauwiin. Umuwi na ang ibang kaklase namin. Wala na dito si Jaja at kukunin niya lang ang bag niya sa taas kung nasaan ang room ng pilot section.

"Alam niyo naman na maagang umuuwi ang mga Bedua, siguro. Halatang kilala niyo si Ashley, eh."

Tinignan ako ng mga kaklase ko. Ngumiti ako. Dumating naman si Ashley dala ang bag niyang kulay pink, nagulat akong nasa likod niya na si kuya Augustus.

"Hi Maam Cecil!" bati ni kuya.

"Maam, uwi na po ako." Simpleng hingi ko ng permiso.

Ngumiti lamang si Maam. Bumitaw na ako sa akbay ni Gilbert at kumaway sa kanila. Ngumuso sya at tumango na lang din. Kinuha ko ang bag sa upuan ko kanina tapos ay lumapit na kay Kuya Augustus at Jaja.

"Grabe kuya, alam na namin ni Riri maglampaso!" masayang sabi ni Jaja.

Tumango ako nang tinignan ako ni kuya Augustus. Tumawa lang sya at umiling. Nasa sasakyan na kami ngayon.

"Kapag iyan nalaman ni Papa baka maihi iyon sa galit."

Sabay kaming tumawa tatlo. Ayaw na ayaw talaga ni Papa na pinapalinis kami. Ang pagbebenta na nga lang ang libangan namin dalawa.

Simula nang malaman ang kakayahan ko ay limitado na ang oras para sa libangan. Nauubos iyon sa therapy session ko. Naiintindihan ko iyon dahil para iyon sa akin. Saka ko na pwedeng gawin ang mga gusto ko kung mismo ako ay ayos na. Laging si Jaja ang madaming oras para sa libangan niya. Pero, dahil nga prinsesa kami ng Mayor ng bayan, hindi na namin natutunan ang mga gawaing bahay. Spoiled, kumbaga.

The Flower Blooms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon