Chapter Three

12 0 0
                                    

Madilim pa sa buong kusina. Halatang hindi pa nagigising ang mga kasambahay. Nandito na ako at si Jaja ngayon. Binuksan naming ang refrigerator para kunin ang mga ingredients na kailangan para makabuo ng munchkin.

"Pwede naman natin gawin iyan mamaya? Bat kailangan pa natin magising ng madaling araw?"

Inaantok pa ako. Alas kuwatro pa lang ng umaga pero itong si Jaja ay atat nang gawin ang munchkin na ibebenta niya sa mga classmates namin sa lunes. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok.

Pumangalumbaba ako sa komedor at ipinikit ang mga mata.

"Hoy, Riri! Ano ka ba? Baka kapag mamaya pa tayo magising kainin na nina kuya ang biskwit!" si Jaja na binubuksan na ang isang pakete ng biskwit.

"Pwede naman kasing itago sa kwarto natin. Gawan mo yan mamaya, kakainin nila mismo ang munchkin."

Narinig ko siyang bumuntong hinga. Tinatamad pa kasi talaga ako gumalaw.

"Atsaka, we promised Image to make it with him." Magagalit iyon.

Napansin ko ang pagtigil niya sa pagbukas. Ngumiwi sya, kaya umiling-iling ako.

"Oo nga pala. Lagot. Sige na nga. Linisin ko lang ito, tapos balik na tayo sa kwarto."

Tinulungan ko siyang magligpit. Eto talaga. Masyadong magulo. Kahit noong sa klase pa namin, madalas ang pagkataranta niya sa hindi ko alam na kadahilanan. Pinagtatawanan tuloy sya lagi ni Kopok kaya natutuloy iyon sa bangayan nila dalawa.

"Ano bang nangyayari sayo nitong nakaraan? Tapos naisipan mo pang unahin ang paggawa ng munchkin."

Hindi ko na natiis na itanong sa kanya. Natigilan nanaman sya tapos ay tinignan ako. Yung seryosong-seryoso talaga ang mukha niya.

"Tama nga si Papa. Napapansin mo na lahat!" masaya niyang sabi.

"Malamang, nanonood ako sa inyo. Huwag mong ibaling ang usapan sa akin."

Sumimangot siya at inayos ang lahat ng gamit sa ref. Umupo naman ako ng maayos at kumuha ng mansanas na andoon.

"Di ba nga, may crush akong taga-ibang seksyon dati?" tumango ako at kumagat na sa mansanas.

"Tapos?" sumama naman ang tingin niya sa akin, nagkibit ako ng balikat.

"Eh, kaya lang naman na taga-ibang seksyon ang sinasabi ko kasi lagi tayong nasa mataas na seksyon, sila nasa huli."

Hindi ako nagsalita at naghintay lang sa sasabihin niya. Maganda naman si Jaja. Mestisa, malalaki pisngi at mapupula ang labi. Lalo na kapag tumatawa sya parang wala syang pakialam. Bagay na bagay sa kanya ang maikling buhok niya.

"Ayun, hindi ko na masabing taga-ibang seksyon yung crush ko kasi kaklase na natin sya."

Realization dawned on me. Tumango-tango pa sya na parang parehas kaming iniisip.

"Si Kopok ang crush mo?"

Bigla naman parang nahulog ang balikat niya sa sinabi ko.

"Hindi. Kilala kasi ni Kopok kaya madalas talaga ako asarin nun. Si Leo!"

Napanganga ako. Aba't ang swerte naman ng gagang to! Pero syempre, hindi ako manghihimasok sa kanilang dalawa at feelings iyon ni Leo kaya hindi ko sasabihin kay Jaja na may alam ako sa kung sino ang crush ni Leo.

"Seryoso ka dyan?"

Bigla akong napaisip. Ang galing naman pumili ng isang ito. Yung mabait na burara pa yung nagustuhan.

"Oo, pero parang ang suplado niya sa akin." Kumunot ang noo ko.

Halatang dismayado ang boses ni Jaja. Hindi naman sa ano, pero bakit ganun ang pakikitungo sa kanya kung crush sya ni Leo di ba? O baka ganun lang ang daan ni Leo o ano ba talaga? Ang gulo naman!

The Flower Blooms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon