Chapter Five

12 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang segundo o oras na ang lumipas nang makalayo kami sa paaralan, masyado akong naaliw sa pagtingin ng lugar. Mahahabang sakahan ng palayan, at ngayon nakikita ko na ang flower farm na sinasabi nina Leo at Kopok kanina.

May nakita din akong mumunting bukirin o mahahabang patlang, o di kaya ay katabi nito ay mga gulay na tanim ng ibang magsasaka. Mayroon din mga binatilyong nagbabasketball sa ilang sulok ng patlang. Ang ganda dito!

Sariwa pa ang hangin at puro kulay kahel lang ang makikita mo. Sagana ang lugar dito sa puno at naalagaan. Nakita ko ngang may barn house pa. Nagningning ang aking mga mata. Bago ito sa normal na nakikita ko.

"Ano pa lang gagawin niyo?"

Natigil ang tawanan nilang tatlo sa likod ko. Nauna kasi akong naglalakad habang silang tatlo ay nagkakantyawan ng kung ano-ano, masyado akong nag-focus sa tanawin na aming dinadaanan.

"Maliligo kami ngayon sa ilog. Tapos, may binabantayan kami. Itong dalawa sumasama lang naman sa akin."

Masamang tingin ang pinukol ni Gilbert sa dalawang tumawa lang.

"Kapag kasi hindi mo ito samahan, baka magpakamatay!"

"Asa ka naman,Leo, hindi ako mababaw."

Humalukipkip si Gilbert, wala akong naintindihan sa kanila. Mababaw?

"Bakit sya magpapakamatay?"

Inakbayan ako bigla ni Kopok. Malapad ang ngisi niya. Sabay naming tinignan si Gilbert na masama pa rin ang tingin kay Kopok.

"Secret namin iyon, pero kung gusto mong maging special member, pwede mo din malaman."

"Special member? May grupo kayo?"

Tumawa sila ni Kopok at Leo. Habang si Gilbert ay parang hindi nagugustuhan ang ginagawa ng dalawa.

"Huwag niyo nga i-corrupt ang pag-iisip ni Riri."

Hinila niya ako para maka-alis sa hawak ni Kopok na tumawa lang ulit. Nang-aasar talaga ang isang ito.

"Aminin mo na, Gilbert. May gusto ka kay Riri. Ayaw mong hinahawakan o ginugulo namin sya."

Kopok is showing his smirk and I can feel that he is provoking Gilbert. Leo was only laughing while watching his two friends glaring at each other.

"Wala akong gusto kay Riri. I'm just treating her right. Hindi ibig sabihin na ginagawa ko ang tama ay bibigyan mo yun ng malisya. Huwag ka ngang bangag."

I covered my mouth to stop my laugh at his last words. Umirap lang si Kopok sa amin at nakangisi pa kaming nilagpasan. Tumawa lang si Leo at sinundan si Kopok na nauna nang naglakad.

"Riri, we're going to my biological father's house."

Nilingon ko si Gilbert na seryoso na ang tingin sa mga kaibigan niyang nag-uusap sa unahan namin. Tapos ay nginitian ako at inakbayan. Sanay akong may naka-akbay sa akin kaya parang wala lang iyon sa akin at hindi ko binibigyan ng malisya.

Laging naka-akbay sina kuya sa akin at ganun din si Image. Yung akbay ni Gilbert ay parang katulad sa akbay ng mga kapatid ko, para akong pinoprotekta sa mga nagtatangkang lumapit sa akin. Hindi iyon nakakasakal kaya parang mas gusto kong manatili. Kaibigan ko siya, at narinig ko naman ang sinabi niya kanina kaya masaya ako na wala iyong malisya.

Hindi kasi lahat ng gestures may kakaibang kahulugan. Para sa akin sa pagkakaibigan, normal iyon. May protective na kaibigan, may mabait, meron din naman buraot o di kaya balasubas. Depende sa personalidad ng tao. Siguro, kung bibigyan ko iyan ng malisya saka na kung may iba pa pala siyang motibo sa paghawak sa akin.

The Flower Blooms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon