Chapter Four

6 0 0
                                    

Pagkatapos ng exam namin ay halos lahat kami pagod sa pag-aaral. First quarter pa lamang pero parang naubos na ang enerhiya ng utak namin. Nagpapasalamat ako na sanay na akong mag-aral kapag nasa bahay na. Hindi din dapat ako tumigil dahil baka maulit nanaman sa una ang pattern na binigay sa akin at mawala sa koordinasyon ang katawan.

Yun ang iniiwasan ng therapist ko. Hindi ko naman din masabing sisiw ang exam, kahit ako nahirapan man din kaya ng makita ang resulta ay hindi na ako nagtaka na saktong bilang lang ang nakuha ko para makapasa.

"Ang galing!"

Nilingon ko ang sulok ng silid-aralan kung saan naka-upu si Jaja at pinapalibutan ng mga kaklase namin. Pinupuri kasi siya dahil halos perpekto ang resulta niya. Masaya ako para sa kapatid ko at deserve niya naman iyon.

Tinago ko ang mga test papers ko sa bag, ipapapirma pa iyon kay Papa.

"Pano mo nagagawa iyon, Gil?"

Sunod ni Jaja ay si Gilbert na halos kaparehang score lang score nila. Ang kwento ni Kopok sa amin ay matalino naman talaga sya, tamad lang at mahilig lumiban ng klase. Kapag sa assignment naman ay si Gilbert talaga ang aasahan nila. Yun nga lang may oras na nakakalimutan din nito gumawa.

"Mag-aral ka ng mabuti para malaman mo kung paano."

Tamad na usal ni Gilbert na ikinatawa ko. Nilingon nila akong dalawa, tinaasan ako ng kilay ni Gilbert pero may bahid ng ngisi ang labi at si Leo na masama ang tingin sa akin.

"Kung makatawa ka dyan parang ang taas ng nakuha mo, ha."

Tinikom ko na lang ang mga labi ko. Ngumuso ako at tumalikod na sa kanilang dalawa.

"Pasado naman." Rinig kong sabi ni Gilbert.

Kumunot lang ang noo ko. Pano niya nalaman yun?

"Weh? Di nga?"

Nanggigil ang bibig ko kay Leo. Para naman siyang pasado, eh. Tss.

"Kasama ako ni Maam nagcheck ng test papers. Pasado si Riri, hindi tulad mong burara, hindi consistent!"

Mag-aaway pa ata silang dalawa kaya sa kanila na kaming lahat nakatingin. Kahit ang grupo nina Jaja.

"Nagtatanong lang naman, eh!"

"Hay naku, Leo. Magsipag ka kasi katulad ni Riri para hindi ka bumagsak."

"Eh, ikaw nga hindi nag-aaral!"

May halong tawa na yung salita ni Leo, kaya okay na sila. Hindi na mukhang tensyunado. Napailing na lang ako.

"Akala mo lang iyon." Halatang gulat si Leo doon.

"Di nga bro?"

Nag-usap pa sila doon ng matagal. Inayos ko na lang ang baon kong pagkain, naramdaman ko naman may umupo sa upuan ni Kopok, akala ko nga siya iyon, pero si Jaja pala na dala din ang baon.

Lunch break kaya ganito kaingay ang silid namin. Pwede naman umuwi, at pwedeng manatili dito. Hassle na sa amin ang umuwi pa dahil malayo ang bahay tapos nagsimula na din ang klase nina kuya Auggy sa kolehiyo kaya tuwing uwian sa hapon lang kami nasusundo para isahang uwi na.

"Matalino pala si Gilbert, noh?"

Simula ni Jaja sa usapan namin. Kumunot ang noo ko, tapos ay nilingon ang upuan ni Gilbert na nasa likod pero wala na siya doon, hindi ko na nga nakikita si Leo at Kopok. Kaya naman pala pag-uusapan na ng isang ito kasi wala na dito.

"Hindi ko alam, eh."

Ang alam ko pilosopo ang isang iyon. Ewan ko lang, kapag kasi recital namin sa isang asignatura, laging tamad siyang nakatingin sa harap. Kung hindi sya ganun, inaantok. Halatang tamad na tamad pero may sense of responsibility naman. Lagi din siyang sarcastic tumingin sa mga guro kaya paminsan ay naiirita sa kanya ang mga iyon at pinapalabas. Para sa akin, pabor pa sa kanyang lumabas.

The Flower Blooms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon