Cathy/Pita's POV:
Bwisit na kuya yun!
Di man lang nya ko hinatid
Palakarin ko kaya siya ng isa at kalahating metro at wait-
"Malapit na ba ako?" kinuha ko ang bote ng mineral at ininum
"Kaasar ka kuya, alam mo yun?"
"Bakit di nalang kasi ikaw ang nagpanggap bilang isang driver nila?"
Para lang akong dito dahil wala naman akong kasama at kausap. Aishh!!
"Sinabi mong malapit lang at lakarin ko nalang pero ano? Aishh magdadalawang kilometro na ang lalakarin ko"
Nang may matanaw akong isang malaking-malaking bahay, mas binilisan ko ang paglalakad. Pero dahil nga sa minalas ako may nakakita sa aking aso
"arf arf!" Tumahol yung aso at tumakbo papunta sa direksyon ko
OMG!! Takot pa naman ako sa aso!! Wut to do?! Wut to do?!
a) act like a botcha
b) act like a cat
c) letter a
d) letter b
e) none of the above
Ano ba naman toh? Wala na bang ibang choice? Huhuhu!!. Sabi na nga ba! Plinano to lahat ni kuya huhu!! I hate you na kuya! I hate you na! Huhuhu!!!
*ting*
Aha!!! Ang talino ko talaga! Ba't di ko kasi nai-
"arf arf arf!"
Nang makita ko ang aso na palapit na palapit na palapit na sa akin ay
" Ahhhhh!! help me!!! May asong baliw na humahabol sa akin" sigaw ko at tumakbo hanggang sa makakaya ko
Buwisit kang aso ka!! Di naman ako pusa para awayin at habulin mo eh! Kaasar kang aso! Makita ka sana ni Chaka Doll o di kaya ay makita ka sana ni Chef Boy Logro at gawin kang main ingredient sa hotdog niya...bwahaha
Nang mapansin kong hindi na ako sinusundan ni Asong Baliw ay tumigil na ako sa pagtakbo at nagsimulang lumakad papalapit sa mansion
At take note ha! Pinangalanan ko siya ng Asong Baliw dahil wala lang, trip-trip lang. At!! Natakasan ko talaga si Asong Baliw! Galing ko talaga noh?! Kineribels ng aking super horse power diba?! Pwedeng-pwede ko nang talunin si Lydia de Vega sa kanyang pinagmamalaking sport na-
"Aray!" dahil sa pagmomonologue ko kanina, di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng gate at nauntog pa. Ouch! Ang sakeet nun ah!! Pero keribels lang to! Dahil andito ako para sa aking mission
Malalaglag na yata ang panga ko dahil sa laki ng mansion. Ay hindi pala! As in na malaki na malaki na malaki na malaking mansion. Mas malaking- malaki pa yata ito kaysa sa mga nakita kong mansion don sa London.
"Wow! Ang laki! As in na- Wow!!" wala talaga akong masabi kundi mapa-Wow
"Hala!! Paano pala ako makakapasok dito? Saan ang doorbell dito?" hinanap ko ang doorbell
" Mukhang wala namang doorbell ah? " pangalawang beses kong hinanap ang doorbell pero waley eh! Waley pa rin! At aabutan ata ako ng ulan dito sa labas dahil lang sa kakahanap ng pesteng doorbell na yan!! At itong gate naman nila na kasin-tayod ng Mt. Everest ay-
"Ugh!" i groaned in frustration
"Kakaa- Ay! Anak ng tinapang baka! Who you?!" may lumapit na camera galing sa taas. Wow!! High-Tech! Sosyal ang mansion nila!
Maya-maya may isang matandang babae akong nakita sa screen. Naks Naman! Grabeh! Di na kaya ng aking super horsepower! Di ko na keribels ang kasosyalan at sa sossy sossy nila!
"Ikaw ba si Pita Bumagababag?"
Pita?! Ah yeah! Ako na ngayon si Pita
I just put my project smile "At ur serbis" Inglisera nga si Pita, mali-mali nga lang naman. Kyaaah!! Exciting toh!
"Ok, pumasok ka na"
Umalis ang machine at biglang bumukas ang gate. Oo na! Kayo na ang mayaman! Ang sosyal sosyal nyo na!! High-Tech eh!
Ayun pumasok na ako. Wow!! Such a lubly place! Galing ko talaga! Kinarir ko na ang pagiging probinsiyana!
Pumasok bigla sa isip ko ang mission. " Hindi na ako magtataka kung totoo bang anak ng dilim si Oishi Pancit Canton- Ay! Este! Ryuu Jin Atashi Wa. Naman! Bakit ba kasi naiisip ko ang Oishi?" Siguro baka gutom na naman ako
BINABASA MO ANG
Pita In Disguise
HumorAng kwentong ito ay kwento ng isang babae na medyo slow kung mag-isip at OA kung makapag-react, na na-inlove sa kanyang boss. Napilitan siyang pumasok bilang isang katulong para patunayan kung totoo nga ba ang sinasabi ng kanyang kuya na isang Mafia...