Pita's POV:
Ilang daan taon na kaya ako naghihintay dito?
Hindi kaya ako tutubuan ng ugat dito?
Bwiset!!
Malamig na ang kape na binili ko!
At nau-uhaw na rin ako!
Teka! May tubig ba dito?
Waahhh!!! Walang tubeeeegggg!!! Uhaw na ako!
Wait! Inumin ko na lang kaya toh? Konti lang naman eh... Di niya naman siguro mahahalata na iinum ako ng konti? Diba?
Tingin sa kanan!
Tingin sa kaliwa!
Iinumin ko na sa nang...
"Huli ka!"
"Ay! Kabayo!"
Naku naman! Natapon tuloy ang kape sa damit ko. Nakakainis!
"Itong mukha na ito? Kabayo? Tsk! Nagpapatawa ka ba?"
Nang mapansin niyang di ako umimik...
"O-okay ka lang ba? Mainit ba?" Lalapit-lapit ka pa? Ano concern lang ang peg?
"Hindi malamig malamang"
Waahhh!! Ang damit ko!
Pipigain ko na sana kaso hinawakan ako ni Ryuu
"P-pervert ka!!" Na-nahawakan niya ang dibdib ko! Kailangan mo na talaga akong panagutan! Nakakarami ka na ah!
"Ah?! H-hindi ah!"
"Anong hindi?! For your info, hinawakan mo ang d-di-dibdib ko!"
"Shhh! Wag ka ngang gumawa ng eksena dito" At hinila niya ako papasok sa office niya
"Hindi ako gumagawa ng eksena! Kung di mo ako ginulat di sana matatapon ang kape sa dress ko. Kakainis ka talaga! Hindi na tuloy ako cute!" At nag-pout pa ako
"Huh?"
"Ewan ko sa yo! Now I look like one of those pigs in Three Little Pigs!"
"Huh?!"
Minsan may pagkatanga rin ang isang to eh! Di pa niya na-gets ang sinabi ko!
"Huh ka lang huh?! Di mo pa na-gets ang sinabi ko! Now I look like monster!"
"Okay! Okay!... Calm down. Sorry"
Sorry? Nag-sorry siya?! Himala!
"I'm sorry okay. Di ko sinasadya. Iinumin mo kasi ang kape ko eh"
"Hindi kaya! Bakit ko naman iinumin yun!" Sige Pita i-deny mo pa!
"Ows? Di nga?"
Isip Pita! Isip! Mag-isip ka ng palusot!
"Sinisilip ko lang kung nasa loob pa ang kape"
"Aisshhh! Puro ka kalokohan!" Pumunta siya sa table niya at parang may kinukuha
"I'm not lying! Hindi ako nagloloko! What i'm saying is the truth! Peksman!"
"Ito" May iniabot siya saken
"T-shirt?"
"Hindi. Shorts malamang"
"Tse!"
"Kung gusto mong labhan ang damit mo, may laundry shop sa labas. May pang-ibaba ka ba?"
Bastos talaga nito! Tinanong pa talaga kung may pang-ibaba ako! Syempre meron noh! Ano sa tingin nya?!
"Meron! Pasalamat ka naka-shorts ako!"
"Iyun naman pala eh! Magbihis ka na. May banyo doon" At itinuro niya ang banyo. "Bilisan mo dahil may ipapagawa ako sa yo"
Padabog akong pumasok sa banyo at isinarado ko ng malakas ang pinto nito. Bahala siyang magreklamo. Asar na asar na asar ako ngayon
"Aishh! Kabayong patay! Ba't ang hirap buksan ang zipper sa likod?"
Kung anu-anong gymnast moves ang ginawa ko para lang maabot ang zipper. Pero hindi ko naman maabot! Ano ba naman kasi ito?! Ang hirap!
Siguro, baka sinadya ni Ryuu ito! Langya naman! Bwiset na anak ni Zuma! Bwiset na Among Sungit!
"Waahh! Ayoko na! Kailangan ko na talaga ng tulong" I sighed
Pero kanino naman? Wait! Don't tell me na si-
Napahilamos ako sa mukha. "Oh no no no! Not him! Definitely not him!"
Okay! Isang ulit na lang! Kaya ko to! Para maabot ko na ang zipper!
Waahh!! Ayoko na! Ayaw talaga! Di ko na talaga keri!
"Sir? Sir? May tao ba dyan?" Binuksan ko ang pinto. "Saan naman kaya nagpunta yun?"
"Oh! Bakit iyan pa rin ang damit mo?"
"Magpapatulong sana ako eh"
"Na ano?" Nakakunot-noong tanong nya
"Paki-unzip naman ang zipper dito sa likod ko Sir"
"Ang simple-simpleng gawin niyan! Di mo pa magawa!"
"Eh sa mahirap eh! Magpapatulong ba ako sa anak ni Zuma kung hindi naman keribels ng super horsepower?"
"Huh?!"
"Tutulungan mo ba ako o hindi?!"
"Oo na! Oo na! Lumapit ka saken" Lumapit naman ako sa kanya. "Talikod ka" Tumalikod din ako
Ang isang kamay ni Ryuu ay nasa isa sa mga balikat ko. Syete!! Conductor na ba ako ngayon? Kasi ramdam na ramdam ko ang milyon-milyong boltahe sa katawan ko! Naman! Astig diba!
Nakita ko yung reflection namin sa glass window ng opisina niya. Naka-side view kami. It looks like he was kissing me on my shoulder...Waaah!! Sana na-unzip ko na lang na mag-isa eh! Pang-rated SPG tuloy ang reflection namin sa glass window!
"Oh! Yan na ta-"
"Ryuu nandito na ang mga ka--Whoa!!"
Waahh!! Nooo! Jeydee!! Mali ang iniisip mo!
"Oops... sorry. Di ko kasi alam na may ginagawa kayong milagro hahaha. BTW you may continue now" Sinara niya ang pinto
"No!" Pigil ni Ryuu. "We we're just..."
Sumilip ulit si Jeydee. This time, may nakakaloko na ang ngiti nito. "Next time na lang bro. Busy pa yata kayo eh, hahaha. Enjoy!" At isinara niya muli ang pinto
Waaahhh!!! Baka ano na ang iniisip ni Jeydee ngayon!! Oh no!
_______________________________________
Sorry kung medyo natagalan. Hehe
BINABASA MO ANG
Pita In Disguise
HumorAng kwentong ito ay kwento ng isang babae na medyo slow kung mag-isip at OA kung makapag-react, na na-inlove sa kanyang boss. Napilitan siyang pumasok bilang isang katulong para patunayan kung totoo nga ba ang sinasabi ng kanyang kuya na isang Mafia...