Chapter 12

280 20 4
                                    

Pita's POV:

"Saang lupalop ba ng mundo tayo pupunta Among Sungit?"

"Ano?!"

Oh no! Lagot na ako! Nasabi ko na ang tawag ko sa kanya!

"Uhm sabi ko po ang gwapo ni Sir Jeydee" pagpapalusot ko

"Tsk" inirapan niya lang ako. Nyek? Nangyari sa isang to?

At takte ang sakit-sakit na ang pwet ko sa kakaupo

Saang bahagi ba ng globo kami pupunta ng isang toh? Sa north pole?

"Saan ba kasi tayo pupunta Sir?"

"Malamang sa basurahan. Kung hindi ka pa titigil sa kaka-daldal mo, malamang itatapon na kita doon" Ang sama ng tingin niya! Parang si Dracula! Kakainin ba niya ako ng buhay?! "At pwede ba?! Huwag mo muna akong tawaging Sir, baka mabuking pa tayo!"

Ay ganun? Sige hindi na Sir ang tawag ko sakanya. Pero teka muna!

"Anong gagawin natin sa basurahan?" Napakamot ako ng ulo. Joke ba iyun?

"Alam mo ba ang salitang tahimik?"

"Bakit? Kilala ba niya ako?"

"Aisshhh!"

Sungit talaga nito!

Mananahimik na nga lang ako. Eh sa sabi nya eh!

"O ba't natahimik ka?"

Tinignan ko siya ng masama. As in na masama na parang nagsasabing 'Naka-drugs ka ba?!'

"What?!"

"Pinagloloko mo ba ako?! Sabi mo na tumahimik ako tapos tatanungin mo na bakit ako tahimik?! Baliw ka ba?!"

"Calm down okay. May sasabihin lang ako sa yo"

"Eh di sabihin mo na! Dali!"

"May lakad?!"

"Hindi! Gagapang!"

"Ewan ko sayo" He sighed. "Tanda mo pa ba ang kwento na sasabihin sa lolo ko?"

"Oo" Bored kong sagot. "Nakilala kita sa sementeryo. Tapos naka-black ako ng damit. As in na puro black na black. Tapos naging si Sadako ako. Tapos... Bwaaahh!!! Happy Halloween!! Mabuhay ang patay! Bwahaha---Aray!"

Batukan ba naman daw ako nito?! Ang sakit nun ah!

"I'm serious" Serious?! Parang nagjo-joke ka naman eh! "At anong sementeryo?! Sa park tayo unang nagkita! At sinong Sadako ang sinasabi mo diyan?!"

"Si Sadako. Siya yung-"

Langya naman to oh! Ine-explain ko na nga sakanya si Sadako tapos puputulin niya ang sasabihin ko! Hayys!

"God Pita! Listen to me first okay. Sa park tayo unang nagkita. Muntik na kitang masagasaan, tapos sinungitan mo ko dahil nasira lahat ang bulaklak mong tinda. Then you appeared in my house and applied as my maid, and the rest are history"

Wow galing! Pwede naman siyang maging story-teller para sa mga kinder. Ba't pa kasi kasali ka sa opisina yan tuloy ang boring

"Huwag na! Gagawa na lang ako ng mas magandang kwento kaysa sa yo" Hehe! Yung masyadong ma-drama ang iku-kwento ko noh! Para mas maganda!

"Huwag ka ng magreklamo" He said. "Alangan namang sabihin ko na nanggaling ka sa mayamang pamilya. Halos kilala lahat ni lolo ang mga mayayaman na tao sa loob at labas ng bansa. At mas maganda kung sabihin na lang natin sa kanya ang totoo"

"Pati yung panggap-panggap thing?"

"Except for that"

"Eh ba't di nya rin kilalanin ang mga mayayaman sa outer space? Malay mo isa ako doon"

Anong akala niya saken? Poor?! Eeew! Duh! Mayaman kaya ako noh! Pero hindi ganung kayaman. Slight lang kaya!

"Just go along with me" He sighed in frustration. "Now tell me. Tell me kung paano tayo nagkakilala"

Ryuu's POV:

Nakita ko si lolo at Pita na nag-uusap sa may balcony, kaya lumapit ako sa kanila. At nakinig sa pinag-uusapan nila

"Isang simpleng dalaga na-"

"So mahirap ka ba hija?"

"OA nyo naman po, di porke't sinabi kong 'simple' eh mahirap na? slight lang po kaya hehe. So pwede ko na po bang ituloy ang kwento ko tungkol sa lovestory namin ni Ryuu?" Tsk! Lovestory daw

"Sige hija"

"So yun nga po, isang mababang klaseng babae sa bansang Pilipinas. Pero hindi po ibon na mababa ang lipad ha, si Magdalena po iyon"

Tsk. Ginawa niya pa talagang kahiya-hiya ang sarili niya kay lolo

"Isang simpleng dalagang Pilipina na nagtitinda lamang ng mga bulaklak, kahit anong klaseng bulaklak po meron ako. Rose, sunflower, samapaguita ah basta lahat na lang po ng klaseng bulaklak at fresh pa po yun at hindi nalalantay. Muntik nga po akong masagasaan ng kotse noon dahil sa bilis ng pagda-drive ng isang tao na nagngangalang Ryuu na ubod ng yabang at sungit. At nasira pa ang mga bulaklak ko. Nagalit ako dahil nasira lahat, as in lahat po ng mga bulaklak na itinitinda ko kaya inaway ko siya. Sabi ko 'Bulag ka ba?! Naka-drugs ka ba?! Adik ka ba?! Gusto mo ng away?! Bugbog?! Suntok?! Lumabas ka! Kung di ka lalabas bakla ka! Bakla! Tapos ayun na po lumabas tapos nung nagtagpo ang mga mata namin... Na-inlove siya saken. Na love at first sight siya po! Oh diba bongga?!" hinihingal niyang sabi

Tsk! sinong may sabi na ganun kami nagkakilala?! Wala naman akong sinabi na kailangan niyang lagyan ng twist

"Hahaha! Nakakatuwa!" Tuwang-tuwa na sabi ni lolo. "Gusto kita hija"

Tsk! Magkakasundo ata silang dalawa ah!

"O apo! Nakakatuwa naman itong kasintahan mo. Maganda na nga, mabait at nakakatuwa pa"

"Salamat po! Bff na po tayo ah!"

"Siyempre naman. And call me lolo na lang"

"Opo lolo"

"O siya. Una na ako kasi marami pa akong aaliwin na mga bisita hija. At sumali din kayo sa party games ha? At ikaw Ryuu, bantayan mo iyang kasintahan mo"

"Yes lolo" Bored kong sagot

"May party games daw! May games daw!" Nae-excite na sabi nitong babaeng kasama ko

"So? Punta ka na lang mag-isa. Ayaw ko dun, masyadong pambata"

"Kj mo"

Napansin kong bagay pala sa kanya yung pinabili kong damit kay Zander. Tsk bibigyan ko na lang siya ng bonus pag naka-uwi na kami

Biglang sumakit ang ulo ko nang may mahagip akong lalaki na nakatingin sa pwesto namin nitong babaeng kasama ko. Umiwas naman siya ng tingin nang nahuli kong nakatingin siya sa amin

Pangalawang beses ko nang nakita siya. Noong isinama ko si Pita sa office at ngayon sa birthday naman ni lolo. Hindi ko naman siya empleyado

Hmm, pakiramdam ko tuloy may nagbabantay sa akin

Umalis na lang ako at agad na in-dial ang number ni Zander

Pita In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon