Pita's POV:
"Sino ba iyung Jeydee ang pangalan? Akala ko ba nag-iisang anak si Sir Ryuu?"
"Wow! Close na kayo?!"
Oo! Nag-kiss na nga kami eh! "Hehe...feel ko lang"
"Pinsan iyun ni Sir Ryuu" Kinikilig na sabi nito. "Palagi iyum dito sa mansion. Busy ata sa business nila ni Ryuu"
"Business?" Hala! Baka ito na yun! "Ano ba ang business nila?" Nagbebenta ba sila ng drugs? O di kaya naman ay laman loob ng tao?
"Ewan ko" She shrugged her shoulders. "May secret organization kasi ang Atashi Wa...Parang secret empire ang business nila. At sa pagkakaalam ko, sila rin ang pinakamayan dito sa bansa"
"Ahhh...Hindi ba nila nababanggit ang secret organization nilang yun?"
Umiling siya. "Hindi eh. Kahit ang mga social media hindi rin alam ang buhay ng mga Atashiwa dahil pribado sila"
"Sa tingin mo maaari kayang mga terrorista sila?"
"Hindi noh"
"Ah. Eh. Baka lang"
Hindi na umimik si Pony at tumingin siya sa may likuran ko. Ay! Dumating lang pala si Matandang Impakta! Shocking!
"Anong tina-tanga-tanga niyo dyan?"
"W-wala po...Naglilinis lang po kami" I answered her
"Hmpf! Pita sumunod ka sakin!"
Oh! No! May nagawa ba akong kasalanan para parusahan niyo ako ng ganito Lord? Oh help me!
"P-po? Bakit po?" Nanginginig kong tanong
Sinulyapan ko nalang si Pony. "Ipagdasal mo na lang ang kaluluwa ko"
"Amen" agad niyang sabi
Naman oh! Ano ba ang aking kasalanan?!
Ay naku poh!! Baka nakita nya ang pagka-murder ko kay Ipis at ipapakulong nya ako?!
Ay! Di kaya masyado ka ng OA Cathy?!
Magtigil ka na nga diyan at sundan mo daw ang bruha!
"Pumasok ka"
"Di-diyan po?"
"Ay! Hindi! Doon sa gate!"
Shocking! Aba! May tinatago palang pagka-pilosopo ang lola natin ah.
"Ay! Sabi ko nga po" Papasok na sana ako. "Eh bakit po ako papasok?"
"Papasok ka ba? O itutulak na lang kita dyan?!"
Ay! Huwag po! "Papasok na nga po oh. Papasok na" At tulyan na nga akong nakapasok
"Anong oras na? Bakit ngayon ka lang? What took you so long?"
Ah! So siya pala ang nagpatawag saken. Kaya di na ako magtataka kung bakit ako lang mag-isa ang puma-
"Naririnig mo ba ako?" Pagpuputol niya sa pagmo-monologue ko
"Opo. Loud and clear" At ngumiti ako
"Maupo ka"
"Salamat po Sir"
Ayoko na! Ayoko nang magpannggap na bobong Inglisera! Kakapagod! Plus project smile! Sakit sa panga!
"May kailangan po ba kayo Sir?"
"Ba't mo alam?"
"Ay! Siyempre! Pinatawag nyo ako eh! Ano pa ba? Hula-hula?"
"Is that how you really talk to your boss, Pita?!"
Naku galit na ang anak ni Zuma! "Sorry po Sir" Nakakainis ka kasi!
"Well, enough of that. Pinatawag kita dito dahil tinatanggal na kita"
"What?! Why?!"
Hindi ako pwedeng matanggal! Paano na ang pamilya ko?! Yung plan ni kuya?!
"Because I'm hiring you to be my personal maid"
Personal Maid? Me?
"Ba-Bakit po? Why me?"
"Wala lang. And being my personal maid...You will do anything... Everything ...That I want"
"Lahat?" Pati ba pleasure?!
Tumango ito. "Yes, lahat ng gusto ko. In other word..." He leaned closer to me. "My slave"
Wahhh! My Virginity! Ang pinakaingat-ingatan kong Perlas ng Silanganan!
"S-slave?"
"Yes. Now take off your clothes"
"P-po?" Tama ba yung narinig ko?
Una yung kiss ko! Ngayon naman, ang katawan ko?!
Waahhh!! Anong gagawin ko?!Help!! Help me!
"Narinig mo ba ako?"
Tumayo na siya. Oh May Ghad!! Pwede bang 'hindi' ang isagot ko?!
"Pita"
"P-po?"
Lumapit siya akin. At ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa na-feel ko na ang dingding.
Linagay niya ang mga kamay nito sa magkabilang gilid ko kaya hindi ako makakatakas. Amoy na amoy ko na rin ang fresh mint breath nya. At inilapit pa konti nito ang mukha at sinabing
"I said take off your clothes"

BINABASA MO ANG
Pita In Disguise
ComédieAng kwentong ito ay kwento ng isang babae na medyo slow kung mag-isip at OA kung makapag-react, na na-inlove sa kanyang boss. Napilitan siyang pumasok bilang isang katulong para patunayan kung totoo nga ba ang sinasabi ng kanyang kuya na isang Mafia...