UNO

245 5 0
                                    

"Ella come here we need to review" My cousin called me from their rooftop.





"Sandali lang" sigaw ko sabay baba sa puno ng bayabas. Ilang araw nalang at magsisimula na ang klase kaya kailangan rin magreview.






Abogasya ang pinili naming kurso ni Marissa. Ito ay para sa mga taong kailangan ng tagapagtanggol sa oras ng hatol.






I stayed here on my uncle's side. The city way of education are more upgraded than on a far province.





"Naku Ella ang tanda mo na't ang tigas pa rin ng ulo mo. Ilang beses na kitang hinabilinan na huwag tatambay sa itaas ng puno ng bayabas at delikado." napatawa naman ako sa itsura ni Tita Lisa na nakapamaywang na may hawak na sandok.





"Hay nako tita hindi ka ba sanay sa akin? Mas gusto ko sa itaas ng puno ng bayabas dahil ang presko sa lugar na iyon" ani ko habang nakayakap sa kanya.





"Ang sinasabi ko lang ay tigilan mo na't baka ikaw ay mabalian" mahinahong ani niya.



"Oh? Ano nanamang drama yan, Ma? Ella?" Napatingin kami kay kuya Michael na pababa ng hagdan.





"Ano nanaman yan kuya? Saan punta mo't umaalingasaw ang pabango mo?" Taas kilay kong tanong. Umismid siya at binalewala ang tinuran ko.




"Ha? Sige huwag kang magpapabuhat sa ml" ani ko at pumunta na sa kwarto ni Marissa. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko. Napairap nalang ako sa ere kahit hindi naman niya makita.





Akala niya ah? Kung hindi ko siya binuhat baka habang buhay na siyang grand master.




Pumunta ako sa kwarto ni Marissa, kumatok ako ng ilang beses bago niya ito binuksan. May suot siyang salamin dahil bahagyang malabo ang kanyang paningin.




Agad akong sumalampak sa higaan niya at nagsimulang magbasa. Kunot noo akong nagbabasa ng panay ang sulyap ng pinsan ko.





"Problema mo?" tanong ko habang nakatuon ang paningin sa librong binabasa.




"Uhm kase----"putol niyang saad kaya nilapag ko ang librong at nakapangalumbabang tinitigan siya.




"Umamin kase si Nathan kahapon" nahihiyang usal niya. Si Nathan yung crush niyang mala libro. Sobrang talino kase, anak din ng magaling na teacher, kung hindi ako nagkakamali.





"Oh tapos?" komento ko kahit hindi naman ako interesado.



"Liligawan daw niya ako" saad niya habang iniikot ang dulong hibla ng straight niyang buhok.



"Edi stay strong sana hindi kayo maghiwalay." Hinampas naman ako ni Marissa sa sinabi ko.




Anong mali? O baka kinikilig lang ang babaitang ito?




"Wala pa nga eh masyado kang advanced." Ani niya.






Inirapan ko siya bago sumagot. "Anong wala pa? Sinong jinojoke time mo? Baka ilang linggo lang ang makalipas kayo na." Masungit kong turan.






"Hala grabe ka naman sa akin" ani niya sabay hagikgik. Binalewala ko nalang ang sinabi niya at pinagpatuloy ang pagbabasa.




Kunwari pa yan sasagutin rin naman niya agad.




Ilang oras pa kaming nagbasa bago kami tinawag ni Tita Lisa para kumain ng tanghalian.




Nag-unahan kaming bumaba kaya panay sermon nanaman ang inabot naming tatlo. "Ella, Marissa, dinamay niyo nanaman si Marcus sa pinag-gagawa niyo" ani ni Tita habang pinupunasan ang likod ng bunsong anak.





"Ma hindi po, Nakisali lang ako kela ate mahuli daw po kase ay panget eh ayokong matawag na panget kaya nakitakbo na rin ako." Napasapo nalang sa noo ang kanilang nanay dahil sa dahilan ng bunso nila.




Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang bonggang tawa.






Nabalot ng kwento ni Tita ang buong tanghalian tungkol lang naman sa chismis sa lugar nila. Ngingiting nakikinig ako sa kwentong chismis ni Tita.



Ayos diba? Updated ako sa chika happenings.






"Diba? Eh kase naman yang si Norma ang tanda na ay bata pa ang gusto." Ani Tita pagkatapos ikwento ang matandang babaeng nalugmok sa utang dahil sa pagbabayad ng batang lalaki para sa ikakaligaya ng sarili niya.



"Tama Tita dapat kase sa huli yung bayad tapos takasan niya sa huli, para walang problema." Ani ko habang umiinom ng tubig.






Napayuko naman ng may lumipad na plastic cup. "Tita nagjjoke lang eh masyado kang HB"nakangusong turan ko pero umismid lang siya.



Atichod naman ng pamilya namin.




Nagpatuloy kami sa pagkain habang panay pa rin kwentong chika happenings ni Tita.




"Hugasan niyo yang pinggan, Hindi kayo kakain ng hapunan kapag may nakita akong hindi nahugasan." bilin ni Tita bago umalis ng bahay makikichismiss nanaman siguro siya.










Nagturuan pa sila kung sino maghuhugas pero sa huli ako yung naghugas.



Nice diba?





Nang matapos ako ay nakijoin akong nanood sakanila sa sala. Lumipas ang oras ay maghahapunan na nang dumating si Tito.




"Kamusta trabaho mahal?" Tanong ni Tita habang sinasandukan kami ng kanin.





Wala eh ganyan gusto niya eh.




Umupo muna si Tito bago sagutin ang asawa. "Ganun pa rin nakakapagod" ani niya habang nagsasandok ng ulam.




Buong hapunan ay tahimik lamang dahil nandito si Tito. Istrikto siya pagdating sa pagkain kaya kapag si Tita lang nandito sa bahay feel free to hear the latest chika happenings.





Napalingon kami sa lalaking humahangos na nagpunta sa hapag. Ang mukha ng matandang lalaki ay mababahiran ng kapaguran, ang kanyang damit ay parang ilang araw na niyang ginamit. Ang buhok nito ay gulo gulo.





"Oh?  Noel anong sadya natin?" Tanong ni Tito sa lalaking nasa harapan namin.






"Miguel, Lisa, Wala na kaming mapuntahan kayo nalang pag-asa namin sinugod si Misis sa ospital. Baka pwedeng makahiram ng pera para masimulan ang operasyon" Ani ng lalaking mugto ang mata.






"Hindi daw sisimulan ang operasyon kung hindi magbibigay ng pang-unang bayad" garalgal na pagkakasabi niya.






Nagkatinginan ang mag-asawa. "Pasensya na Noel wala kaming perang mapapahiram sayo". saad ni Tita na hindi man lang pinapaunlakan ng tingin ang lalaki dahil nakatutok ito sa kanyang pagkain. "Napunta lahat sa tuition fees ng mga bata" dagdag pa ni Tita.






Tumitig ang lalaki sa hapag naming puno ng masasarap na pagkain. Nagulat kami ng bigla itong lumuhod at umiyak.




" Maawa kayo, walang wala na kami kailangang kailangan lang namin." halos maglupasay na siya kakayuko, kulang halikan ang mga paa ng aking Tito at Tita.





"Babayaran ko rin agad kapag nakaraos at nakatanggap ng pera." desperadong dagdag ng lalaki.






Bumuntong hininga si Tito ng may binulong si Tita sakanya. "Sorry pare, walang wala rin kaming perang mapapahiram sayo." ani nito.




Lumipas ang ilang minuto at nanatiling nakaluhod ang lalaki sapo sapo ang mukha, inaantay na baka sakaling magbago pa ang isip ng mag-asawa.




Ngunit hindi nagbago ang kanilang desisyon.





Sinenyasan ni Tito Miguel ang panganay na anak na daluhan ang matanda. Bago pa man mahawakan ay kusa itong tumayo.




Isa isa kami nitong tininignan ng may talim at lalim bago tuluyang umalis.

LORENZANO'S MASSACREWhere stories live. Discover now