TRES

88 4 0
                                    

Tulala akong nakasandal sa headboard ng kama ko. Kagabi lang nung tinulungan ko si Kuya Noel, kagabi lang rin nung sinugod ang asawa niya. Bakit sobrang bilis naman?

Galit ang nararamdaman ko sa walang kwentang dahilan ng tiyahin ko.

"Kasalanan ko ang lahat" ani ni Tita.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Anong ibig sabihin niyo?" tanong ko. Puno ng luha siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Wala akong tiwalang babayaran niya kung sakaling pahihiramin ko siya ng pera" garalgal na sabi nito. Agad sumiklab ang galit sa loob ko.

" Dahil wala kayong tiwalang babayaran kayo? Anong klaseng dahilan yan? Nag-aagaw buhay ang papahiramin niyo." mahabang lintanya ko. Umiyak naman ng todo ang tita ko.

"Hindi ko naman alam na ganito yung mangyayari." umiiyak niyang usal. Inis naman akong nilingon ng tiyuhin ko.

"Wala kang galang! Ano pa't sinisigawan mo ang tita mo?" Inis niyang sigaw sa akin.

Iling akong tumingin sakanya. Dismayado ako sakanila, Ayos sana kung walang wala pero may maitutulong kahit papano.

Hindi yung meron ka naman tapos binalewala mo lang dahil sa wala kang tiwalang mababayaran ka? Isa yang kahangalan.Tumayo ako at tinignan ko si Tito Miguel na masama ang tingin sa akin.

"Wala kayong puso ano pa't meron kayong pera kung hindi naman kayo tumutulong sa iba ng walang inaasahang kapalit." ani ko dulot ng sama ng loob at tuluyang umalis sa harap nila.










Inayos ko ang sarili ko at bumaba. Naabutan ko silang kumakain pero binalewala ko yun. Narinig ko pang tinawag ako ni Marissa para sumabay sakanila ay hindi ako lumingon.




Natanaw ko ang tent na nakatayo di kalayuan mula dito sa bahay. Nag-aalinlangan man ay nilakasan ko ang loob ko at nagpatuloy sa pagpunta roon.





Napukaw ko lahat ang atensyon ng tao. Inaalam kung sino ako, kaano ano ko ang pamilyang nagluluksa. Agad na lumingon si Kuya Noel sa akin at lumapit.





"Wala na siya, yung perang tinulong mo ginamit ko nalang sa lahat ng gastusin sa burol. Huli na nung nakarating ako dala yung pera." mahinang usal niya at mapait na ngumiti sa ataol na nasa harap.





Tumingin ako sa lalaking katabi ko nang may nangingilid na luha. Walang pasubaling yumakap ako sakanya at doon umagos ang luha kong halo halo ang dahilan.





"Patawad po " humihikbing ani ko, Hinagod naman niya ang likod ko.





"Wala kang kasalanan iha" ani niya. Wala akong kasalanan pero pamilya namin ang isang dahilan.




Humiwalay ako sa pagkakayakap dahil kotang kota na ako ng mga mapanuring tingin ng tao rito. Nginitian niya ako, nababakas sa ngiti niya ang sakit at pighati nakikita sa mukha niya ang pagsuko at pagod. Lumaban ka po Kuya Noel.





"Maupo ka muna at kukuhanan kita ng makakain" paalam niya bago nawala sa paningin ko. Tumango ako at naupo malapit sa bungad.





Agad kong inubos ang sopas na dinala ni kuya noel. Tinulungan ko siyang mag-asikaso ng tao rito sa lamay.




Napatingin ako sa mga taong paparating. May lakas pa sila ng loob magpakita rito. Iiling iling kong binalik ang tray at kumuha ng panibagong pagkain.







"Bakit kayo nandito? Ang lakas ng loob niyong magpakita pagkatapos akong tanggihan" nanggigigil na sigaw ni Kuya Noel.




Kapag kuwan ay hahawakan sana siya ng aking tiyuhin pero marahas niya itong tinaboy.




"Pare patawarin mo kami, Hindi namin alam na ganito ang mangyayari" ani Tito Miguel




Ngumising ewan naman si Kuya Noel at tumawang parang nasisiraan ng bait. "Hindi alam! Dahil pera lang laman ng utak niyo! Tulong na may kapalit ang inaasahan niyo!" Sigaw nito na siyang kinaatras ng pamilya ng Tito ko.





May inabot na sobreng may makapal na nilalaman na pera sa kanya. "Noel, tanggapin mo ito" nangingilid na sabi ni Tita Lisa.




Kinuha naman ito ni Kuya Noel at hindi nila aasahang ibabato ito sa pagmumukha niya.




"Para saan pa't nagbigay kayo ng pera kung wala na ang asawa ko!" Sigaw niya kay Tita Lisa na nagkaroon ng gasgas sa mukha.




Masama siyang nilingon ng Tiyuhin ko. "Ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa ang galit! Mabuti nga't hindi namin ginawa dahil ito lang ang magiging kapalit." Inis na saad ng Tiyuhin ko bago umalis tangay tangay ang pamilya niya.





Akmang hahampasin ng bote ni Kuya Noel si Tito ng makatalikod ito ay bigla akong lumapit.



"Huwag ho, pakiusap" nanginginig kong sabi.





Umiling niyang binaba ang bote at walang pasubaling umalis sa harap ko.

LORENZANO'S MASSACREWhere stories live. Discover now