TRIGGER WARNING: This chapter contains sensitive material and discusses, unpleasant behaviors that can trigger or traumatized you. You can skip this one for your own safety.
killer pov's
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagsirit ng dugo ng aking gagantihan. Buhay ang kabayaran sa kasalanan kanilang kinasangkutan.
Naglalakad ako sa engrande nilang hagdan. Sino ang hindi aasenso sa isang masipag na haligi ng tahanan?
Natutuwa akong hinihimas ang bintanang basag na aking madadaanan. Nakakatuwang nakikita silang sinisiklaban ng takot sa aking kagagawan.
Mula sa pagbabato ko ng kanilang bintana dis oras ng gabi. Ang pagpapasiklab ko ng apoy sa harap ng kanilang tahanan.
Walang mapaglagyan ang aking kasiyahan kapag sila'y naluluha sa labis na pangamba.
Naglalakad ako patungo sa silid ng panganay na anak ni Miguel Lorenzano. Maging ang pinto'y mukhang mamahalin.
Dulot sa galing ko sa pagkalikot ng maraming bagay nabuksan ko ang pinto ng hindi gumagawa ng ingay.
Ang kwarto ay pinalilibutan ng koleksyon ng isang anime series. Mapa-malaki o mapaliit man ay mayroon ang binata.
Mayroon rin siyang computer set sa kanyang silid. Iyan ba ang walang mapapahiram? Luho ng anak ay laging pinagbibigyan?
Ngumisi ako ng nakakaloko bago pinuntahan ang pakay ko. Nilagyan ko ng busal ang binatang walang kamalay malay.
Kasabay ng kidlat ang aking pagsaksak sa sikmura ng lalaking nasa aking harap. Dilat matang nilinga nito ang paligid. Nagmamakaawang tumingin ito sa akin.
Sa halip na maawa ay walang preno ko itong pinagsasaksak. Sa sikmura, sa dibdib, sa leeg, at sa kung saan saang parte ng katawan niya ko gustuhin. Parang ako'y naliligo sa ulan sa bawat sirit ng dugo sa kanyang katawan.
Hindi ko mabilang kung ilang beses ko siyang pinagsasaksak. Tuloy tuloy at sobrang saya ang aking nararamdaman.
Ang ibang parte ay nalalaglag na sa sobrang pagkakasaksak. Nang makuntento ay sinaksak ko ang kanyang dilat na mata. Paalam, Michael Louie Lorenzano.
Buhat ang aking bag na naglalaman ng aking mga kagamitan ako'y nagtungo sa pangalawang anak ng mag-asawang aking dating kaibigan.
"Marissa" nakaukit ang pangalan nito sa pinto ng kanyang silid. Gaya ng nauna ay walang kahirap hirap kong napasok ang kwarto niya.
Ang silid nito ay napapalibutan ng mga libro, libro patungkol sa ibat ibang bagay. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Malinis at maayos lahat ng gamit. Ito ba ang dahilan? Ang pambayad sa tuition ng mga bata.
Dahan dahan akong humahakbang sa sementong sahig ng dalaga bitbit ang lahat ng aking gamit.
Gaya ng nauna ay binusalan ko ito. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya na nahaharangan ng kanyang kumot.
Nang maisip ko ang aking gagawin ay kinuha ko ang martilyo sa aking bag. Sinubukan ko itong ihampas sa hangin. Napangiti ako sa lakas ng pwersang meron ako.
Sobrang nakakaginhawa ang pagtalsik ng dugo sa aking katawan. Walang awa kong pinagpupokpok ang kamay nito ay pinagtatanggal ang kuko gamit ang plier na dala ko. Basag na basag ang buto nito sa kamay maging sa paa. Hinampas ko rin ng martilyo ang buto nito sa balikat at leeg.
YOU ARE READING
LORENZANO'S MASSACRE
Short StoryTheir paid their own sins. You've lost life exchange it with a lives. COMPLETED