QUATRO

81 5 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at nilibing na rin ang asawa ni Kuya Noel.


Naroon ako at tumutulong, umiiwas naman siya sa akin animo'y may nakakahawang sakit. Binalewala ko nalang kahit papano ay hindi naman niya ako ginagawan ng masama.



Lumipas rin ang araw at hindi maganda ang naging turingan namin ng pamilya ni tito sa akin maliban kay Marissa.



Lagi silang nag-aaway mag-asawa nagsisigawan, nagbabatuhan ng kung ano ano. Inaawat naman namin sila pero ayaw nilang magpapigil sa kung sino man.



Nagsimula na ang klase at naging maayos rin naman ang naging simula naming dalawa ni Marissa.



Nagkakaroon lamang kami ng laya at maginhawang pakiramdam kapag kami'y nasa eskwelahan.



Masaya si Marissa sa nobyong laging kasama niya. Mabuti nga't masaya siya kahit hindi ganun maayos ang eksena sa bahay.


Isang gabi habang kami ay naghahapunan ng sabay nginig kaming napatigil sa pagkain ng may marinig kaming nabasag na salamin.



Agad kaming sumunod kay tito at pinuntahan ang pinanggalingan nito. Basag ang bintana malapit sakanilang pinto.


Dinampot ni Kuya Michael ang batong ginamit nito. May nakadikit na papel at nanginig sila maging ako sa nabasa.

"Buhay ang kabayaran sa inyong kasalanan" sulat rito gamit ang pulang crayola.


"Magsi-akyat na kayo sa kanya kanya niyong kwarto" bilin ni Tito at dali dali kaming umakyat, mahirap na baka masabihan akong panget.


Lumipas ang araw at naging ganun lagi ang eksena sa bahay namin puro basag ang bintana minsan ngang may sumiklab na apoy sa harap ng kanilang tahanan. Nagpablotter na rin sila dahil kapakanan ng kanilang pamilya.



Umuulan ng malakas kaya nasa kani-kanilang kwarto na kami. Sa kwarto na rin kami nagsisikain tuwing gabi, sa umaga lang kami nakakakain ng maayos at walang pinapangamba.



Nakatalukbong ako ng kumot habang ang sarili'y pilit pinapakain ng antok.




Ilang minuto ang lumipas at nanatiling dilat ang aking mga mata.



Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may malakas na kalabog akong narinig.




Nanginginig akong nagtungo sa pinto. Madilim ang pasilyo, tanging ilaw na nanggagaling sa labas ang nagsisilbing liwanag.



"M-maawa k-ka" impit na sigaw sa kung saan.





Nang walang mapansing kakaiba ay bumalik ako sa aking higaan.




Ang ulan ay patuloy na bumubuhos habang ang langitngit ng aking pinto ay unti unting lumalakas.




Nanatiling nakatalukbong ang kumot sa aking buong katawan. Naaaninagan ko ang aninong nakatingin sa aking kinahihigaan. Ilang minuto ang lumipas ngunit walang nangyari.



Sa isang dagundong ng kulog at 'sing bilis ng kidlat rin nawala ang anino sa pintuan ng aking kuwarto.

LORENZANO'S MASSACREWhere stories live. Discover now