DOS

104 5 2
                                    

Pinuntahan ko sa kwarto si Marissa na nagsisimula ng magbasa pagkatapos ng aming hapunan. Binaling niya saglit sa akin ang mata.






"Ano ang kailangan mo, Ella?" Tanong niya sa akin. Agad akong lumapit sakanya.



"Tulungan natin si Kuya Noel, may pera ka naman diyan diba?" Tinanong ko siya, umiling ito sa akin at sinara ng saglit ang libro niya.



"Hayaan mo na sila, Ang tanda na walang maayos na trabaho. Naku Ella, pabayaan mo yung mga 'yon." Saad niya na para bang wala siyang pakialam sa mga ito.





Nangunot ang aking noo dahil sa sinabi ng pinsan ko. Seryoso ba siya? Dahil sa inis ay padabog kong sinara ang pinto niya.






Pumunta ako sa kwartong inukupa ko dito sa bahay nila Tito. Binuksan ko ang aparador na naroon at kinuha ang box na naglalaman ng ipon ko.








Binilang ko ito ang perang papel ay nagkakahalagang sampung libo hindi pa kasama ang ipon kong barya. Tinupi ko ang papel at sinupot ang barya bago ako bumaba.








Papalabas ako ng bahay ng makita ako ni kuya Michael sa pinto. "Saan punta mo?" Tanong niya habang tutok sa pagpipindot sa cellphone niya.







Bahagya ko pang tinago ang pera kong dala bago siya sinagot. "Magpapahangin lang" palusot ko.







"Umuwi ka agad at baka mapano ka gabi pa naman na" ani niya kaya tumango ako bago dire diretsong lumabas.




Nilagpasan ko ang ilang bahay bago natunton ang bahay ni Kuya Noel. Bato ang unang palapag nila at kahoy naman ang ikalawa.






Bukas ang ilaw kaya batid kong may tao sa loob. Kumatok ako ng ilang beses bago binuksan ng lalaking nagtungo sa bahay kanina. Naawa ako sa itsura niya. Mugto ang mga mata mapula ito maging ang ilong niya, Iba na rin ang amoy niya.





Inabot ko ang perang dala sa harap niya, bungkos ng perang papel at supot ng mga barya.





"Kuya Noel tanggapin niyo po ito, maliit na halaga lamang po yan pero makakatulong naman po kahit papano." ani ko habang siya ay nakatitig sa perang nasa harap niya.





Nanginginig niyang kinuha ito at umiiyak na tumingin sa akin. Nginitian ko siya bilang assurance na 'okay lang ho, tanggapin niyo na po'





"Salamat iha, Ang laking tulong nito. Huwag kang mag-alala at babayaran din kita kapag nakatanggap ako ng pera" garalgal na pagkakasabi niya.






Umiling naman ako. "Huwag na ho ninyong bayaran, tulong ko ho yan at bukal sa loob kong tinulong hindi ko ho kailangan ng anumang kapalit." Tumango naman siya sa tinuran ko pero bakas sa mukha niyang desidido siyang mabayaran ako.





"Sige po mauna na po ako" paalam ko at umalis na sa lugar na iyon.






Kinabukasan nagising ako sa rahas na pagkakakatok mula sa pinto ng aking kwarto. Kinusot ko muna ang mata ko bago nagtungo sa pinto at binuksan ito.





Takhang nakatingin ako kay Marissa na namumutla. " Mag-ayos ka" ani niya.






Bago pa man ako makasagot ay bigla nalang siyang umalis sa harap ko. Dali dali akong kumilos naligo at nagbihis. Kahit lutang ang isip ay pinilit kong bilisan ang bawat kilos ko at bumaba na.





Nagulat akong nakita si Tito pagkababa ko ng hagdan. Sumunod ako sakanyang may dala dalang basong tubig patungo sa living room.






Gulat mang walang pumansin sa presensya ko ay hinayaan ko nalang. Wala dito si Marcus marahil ay tulog pa ito sa kanyang kwarto.





"Patay na siya" panimula ni Tito.





"Sinong patay, Tito?" Kunot noong tanong ko. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay walang sumagot sa tanong ko.




"Patay na siya, kasalanan ko" naiiyak na usal ni Tita Lisa.



Gulong gulo ako, Anong nangyayari sakanila?




Sinong patay? Bakit sarili ni Tita ang sinisisi niya.




"Sino ho bang patay?" Tanong ko ulit tinignan naman ako ni Tito.




"Patay na ang asawa ni Noel" nanlamig at nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.




"At pagbabayaran namin ang nangyari sa asawa niya" dagdag niya pa.

LORENZANO'S MASSACREWhere stories live. Discover now