Simula

13 4 0
                                    

Sa ibabaw ng Mundo may mga iba't-ibang kasarian ng ugali ng mga tao ang naninirahan, may mababait, magalang at kabusilak ng puso may iba ring taong nabubuhay sa Mundo na mapanghusga, mapahitaas, masyadong bilib sa sarili at higit sa lahat kakulangan sa pagmamahal at respito.

Sa mundo na ating ginagalawan mas mahalaga ang PAG-UNAWA, PAGMAMAHAL AT RESPITO kay sa PRIDE.

Dahil tanging ang bawat pagmamahalan ang tanging yaman natin kay sa mga materials na bagay.

Ang tanging kapangyarihan ng pagmamahal lamang ang nagpapatunay sa atin at nagpapaalala sa ating mga kasarian, kahapon, at kamalian.... Dahil mas kailangan mangingibabaw ang PAGMAMAHAL kay sa PRIDE.

Dahil ang pagmamahal ay nagmula, isinulat, pinaalala, idinulot at itinatak sa ating puso't isip na ang makapangyarihang pagmamahal na nagmula sa PANGINOON kung saan minahal nya tayong tapat at totoo na walang labis at walang kulang at kung saan ang tanging pagmamahal nya ang nagpapaalala satin kung paano itama ang kamalian, paano bumawi, magpakumbaba, mag-unawa, magpatawad, magbigay pagkakataon at kung paano tanggapin ang kamalian upang magsimula muli. Higit sa lahat ang pagmamahal ng Panginoon ang nagpapatunay na ang totoong pagmamahal ay marunong magpaubaya at magsakripisyo.

"For God so loved the world that He gave his only begotten son that whoever believed in Him should not perish but have everlasting Life."
• John 3:16

Possible kayang magkaroon ng romantic love ang isang babae na di naman kasing kagandahan tulad ng iba. Maari kayang maka hanap ng Prinsipe ang isang babaeng Nerd, magkakaroon kaya ng happy ending ang kwento ng isang Nerdy Girl na gaya ng fairy tale.

Ako nga pala si Zelly Cel Fajardo kasalukuyang nasa 4th year college na at nasa 21 na taong gulang. Isang simpleng babae, walang kaarte-arte, laging lonely, pang miss universe ang height at kasumbagang tinagurian ng pambansang NERDY GIRL sa campus.

Ang buhay ko ay simple lang masaya at tahimik ngunit nagbago ang lahat, naglaho na lang bigla na parang bula ang kasiyahan ko simulang na wala na sa akin ang mga minamahal ko. Ang kaligayahan ko noon ay kinuha at pinalitan ng LUNGKOT, SAKIT at HAPDI sa aking puso...

Mahirap mabuhay sa mundo na tanging ikaw lang ang tumaguyod sa iyong sarili, mahirap mabuhay kapag wala sa tabi mo ang iyong minamahal at mas mahirap bumangon at imulat sa kinabukasan kung alam mo sa sarili mo na tanging ang mga alaala at kahapon na lamang ang maibabalik mo at hindi na ang oras.

Mahirap din makitungo sa mga taong mapahitaas, mahirap gumalaw sa mundo na hindi mo kasing kataas o kasing uri na pamumuhay at hindi rin madali makihalubilo sa mga taong naiiba ka sa kanila.

Mas lalo rin naging magulo ang buhay ko simula nang lumipat at pumasok ako sa SAU - Sattor Academy University halos pinagpipistahan ako ng mga kapwa ko estudyante dahil sa etsura ko, halos walang tigil at walang sawa sila sa panghuhusga at panglalait sakin.

Alam kong lahat na ito ay pagsubok lamang, alam kong isang suliranin lang ito na bigay sakin ng kapal at alam kong malalagpasan ko ang ano mang suliranin o pagsubok na aking haharapin sa buhay.

"I believe that I shall look upon the goodness of the Lord in the land of the living."
• Psalms 27:13

"Wait for the LORD; be strong, and let your heart take courage; wait for the LORD!
• Psalms 27:14

To be Continues...!!

Nahuhulog sayoWhere stories live. Discover now