Ngayon! Ito na ang bagong simula ko.. sa pagpasok ko sa buhay ng mga GICALE bilang katulong. Ano kayang bagong yugto at bagong pagsubok ang aking haharapin.
"Mamimiss kita zelley" maiiyak na sabi ni Marian habang hawak nya ako sa balikat.
"Ano kaba Marian, iisang baryo lang kayo pero nasa kabilang village lang si zelley huwag ka nngang oa dyan" sambat ni teta Tina "oh ikaw zelley maging mabuti ka sa amo mo ha alam mo namang yang si Arshana" may pagkairitang sabi ni teta Tina magkaaway ba sila bakit tilang naiirita si teta Tina kay ma'am arshana "huwag kang mag-alala dadalawin ka rin namin" dagdag pang sabi ni teta Tina.
"Opo teta" habang naka ngiting sabi ko sa kanya "mamiss ko po kayo teta, kahit sa ekling panahon na nakilala ko kayo at nakasama mamimiss ko talaga kayo ng subrang... Kahit hindi pa natin masyadong kilala ang isa't-isa napaka gaan ng loob ko sa inyo at napaka swerte pa dahil sa kabutihan ng puso nyo" sabay yakap ko kay teta Tina "maraming salamat po teta" maiiyak na sabi ko.
Agad rin akong niyakap pabalik ni teta Tina "walang ano man zelley, kung kailangan mo nang tulong at karamay andito kami para sayo" habang hinahaplos nya ang buhok ko.
"Mommy is right zelley" sambat ni Marian "dahil kaibigan kita.. pamilya mo narin kami" naki yakap narin si Marian samin ni teta Tina.
"Pwede sumali" sabay lapit ni teto Leonardo at niyakap rin nya kami ng mahigpit "zelley kung nais mong dalawin kami rito, laging bukas ang pinto ng tahanan namin para sayo" sabay hawak nya sa balikat ko.
"Maraming salamat po teto" tanging iyon na lang ang huling sinabi ko sa kanya at habang niyakap ko sina Marian, teta Tina at teto Leonardo ng mahigpit.
Napaka thankful at blessed ko sa kanila dahil kahit papaano hindi nila pinadama sa akin na naiiba ako sa kanila, na pantay lang ang tingin nila sa akin at hindi nila pinakait sa akin na paano magkaroon ng isang pamilya kundi kusa nila itong binigay sakin na walang kapalit at hindi ko hinihiling... At higit sa lahat hindi nila pina mukha sakin na hindi ako nag-iisa sa mundng ito.
Matapos ang kadramahan na ganap ay agad na akong nagpatungo sa mga GICALE dahil sinundo na ako.
Tama nga si teta Tina, iisang baryo lang ang mga GICALE, SATTOR at ROBLES na pinagmulan nila pero magkabilang village lang, mga 6klm lang ang kalayuan kina teta Tina at sa mga GICALE.
YOU ARE READING
Nahuhulog sayo
FanfictionHindi mahirap magmahal. Ngunit hindi madali ang masaktan. Alin nga ba ang pipiliin ko MAHAL KO o MAHAL AKO, alin nga ba ang mas nararapat ang Tama o ang sinasabi ng Isip, alin at sino nga ba ang pipiliin mo ang TAONG MAHAL MO na syang dahilan ng pag...