Kakarating lang namin ngayon sa apartment ko at kasalukuyang nasa tapat kami ngayon ng sasaktan ni ate Marian.
"Maraming salamat nga pala sayo ate Marian ha" sabay hawak ko sa kamay nya "hindi ko man masusuklian ang iyong kabutihan ngunit tanging ang maging mabuting kaibigan lamang ang maibibigay ko sayo."
"Ano ka ba walang ano iyon, hindi ako humihingi ng kapalit Zelley" habang naka ngiting aniya ni ate Marian "basta andito lang ako para sayo" sabay hawak nya sa kamay ko "oh sya, kailangan ko nang mauna dahil baka hahanapin na ako sa bahay" sabay naka ngiting saad na sabi nya.
Naka alis na sa ngayon si ate Marian at ako naman papasok na sana ako sa aking apartment kaya lang....
"Bilisan nyo dyan" sabi ni aling marites "kailangan walang matira kahit isa."
laking gulat ko na lang nang makita mismo ng mga mata ko na halos nasa labas na ng apartment namin ang aming mga kagamitan.
"aling marites naman" nagmamakaawang sabi ng kapatid kong babae "please aling marites, sadyang gipit na gipit pa talaga kami.. bigyan nyo muna kami ng kunting araw aling marites" nagmamakaawang sabi ulit ni zellai.
"nakikiusap po kami sa inyo aling marites" maiyak iyak na pakikiusap ni zella na nakakabatang kapatid namin "wala po kaming matutuluyan ngayon, promise po magbabayad po kami ng renta namin kapag maka pera na kami."
matapos maki usap at nagmamakaawa ng mga kapatid ko ay laking gulat ko na lang bigla na lang sila tinulak ni aling marites.
"che! tama na yang ka dramahan nyo di nyo ako madadala sa pagpapakaawa nyo" galit na sabi ni aling marites "ilang beses ko na kayong binigyan ng araw para maka bayad kayo sa renta nyo, pero sinagang nyo na ang pasensya ko kayang magpasensyahan na lang tayo kailangan nyo nang umalis sa inupahan nyo" inis nya pang sabi sa mga kapatid ko "ohh, ano pang hinihintay nyo jan" inis nyang sabi "ilabas nyo na ang lahat na gamit nila kailangan walang matira kahit isa" utos nya sa kanyang mga taga sunod
"aling marites naman" nagmamakaawang sabi ng mga kapatid ko sa kanya.
"Aling marites ano pong ibig sabihin nito" gulat kong sabi habang pinupulot ko ang aming mga kagamitan.
"Buti naman andito kana" galit na sabi nya habang naka pamay wang pa ito "lagpas ka na ng dalawang linggo, baka naka limutan mo ang kasunduan natin na sa oras na hindi kapa naka bayad sa inyong upa papalayasin kona kayo rito sa apartment."
"Alam ko po iyon, hindi ko po iyon nakalimotan pero aling marites naman please huling pakikiusap bigyan nyo pa po ako ng isang linggo na maka hanap ng aming mababayad sa upa" nakikiusap kong sabi sa kanya.
YOU ARE READING
Nahuhulog sayo
FanfictionHindi mahirap magmahal. Ngunit hindi madali ang masaktan. Alin nga ba ang pipiliin ko MAHAL KO o MAHAL AKO, alin nga ba ang mas nararapat ang Tama o ang sinasabi ng Isip, alin at sino nga ba ang pipiliin mo ang TAONG MAHAL MO na syang dahilan ng pag...