Dahil sa dalawang 'to ay parang kumpleto pa rin ang pagkatao ko. Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanila kasi naibibigay nila yung guidance na need ko na hindi naibibigay ng parents ko. Perfect sila para maging advicer ko sa lahat ng ginagawa ko.
Parents ko laging wala, pero nandyan naman sila. Meron akong sila. Pero, hindi ako galit kina Mom and Dad, ah? I totally understand them na they need to work hard. I know naman na all their sacrifices are just for me. Sa unica ija nila.
Pagkatapos naming magdramahan ay dumiretso kami sa arcade. 3pm palang at hindi pa naman kami pagod so... let's go arcade!!!
Pagpasok ng arcade ay naghiwa-hiwalay na kami ng landas ng dalawang gaga. Solo solo muna, hahaha!
Dumiretso ako sa claw machine kasi may nakita akong magandang stuff toy do'n.
"Thank you, love, talagang it was really appreciated kasi pinaghirapan mo itong makuha para sakin." Lumingon ako sa magjowang nag uusap sa di kalayuan sa claw machine na kinaroroonan ko.
"Syempre naman, love. Alam mo bang ganyan din ang tingin ko sayo noon, na mahirap kang makuha. Sa sobrang daming nagkakagusto sayo, ako ang napili mo, at hindi ako magsasawang ipagpasalamat sa Diyos yon. You're the best thing happened to me."
Umiwas ako ng tingin ng makitang mukang magkikiss sila. Umalis na muna ako do'n saka dumiretso sa token machine.
Sana all! Ako kaya? Mapapansin kaya ni Sorcher ang presensya ko? Kahit manlang makilala niya ako or malaman manlang niya ang pangalan ko or maging kaibigan ay okay na sakin, basta mag improve lang yung pagiging strangers namin.
Nagpasok lang ako ng pera don sa machine at saka isa isang lumabas ang mga tokens. Kinuha ko iyon saka bumalik na sa claw machine. Wala na don yung magjowa kaya nagsimula na akong magwarm up ng mga braso ko.
'This is it!'
-
Bwisit! Mauubos na yung token wala pa din akong nakukuha. Nagtry na nga ako sa ibang machine pero laging sablay. Ano ba naman 'to!? May daya ata 'to eh!
Hinulog ko ang huling token na meron ako saka sinubukan ulit sa huling beses.
"Ahhhh! Omg! Ayan na! Makukuha naaaa!!" Napapikit ako sa kaba.
Lintek na claw machine 'to!
"Ang daya!!!" Sigaw ko sabay hampas ko don sa mga button na nando'n. Nalaglag na naman eh. Maluwag yung claw eh. Kaasar!!!
"Do you want me to get one for you?"
Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.
Isang lalaki na naka-black tshirt, maong jeans at facemask.Facemask? Ano ka? Nasa korea?
"No, excuse me." saka ako dumaan sa tabi niya para umalis sana roon pero nagsalita ulit siya.
"I can get one for you. Just give me 3 tries. I surely get one."
Ano bang problema nito? Kilala ba niya ako? Pwes ako, hindi ko siya kilala. Di ko na lang siya sinagot.
'Yeji, don't talk to strangers!'
Naku, hahanapin ko na lang nga sila Je at Rox.
Baka mamaya budol budol gang pala 'tong lalaking 'to at mahold-up pa ko.Hindi ko na siya nilingon at diretso nang umalis sa may claw machine station. Habang naglalakad ay tumitingin tingin ako sa paligid para hanapin sila.
Marami pa rin talagang adik sa arcade. May mga bata, may mga binata, at higit sa lahat may mga magjowa.
Kapag ako nagkajowa, hindi ako magpapadate dito. Ang common na sa arcades eh. Maiba naman.
BINABASA MO ANG
To Be With You [A HyunJi FanFic]
FanfictionYou're too much, and I'm just one of those girls who were crazy over you. But I am the only one who sees your sadness, heartaches and loneliness. To Be With You. ©️ 2020 @jessaxxjadine