Yeji's PoV
Dahil sa pag-uusap namin ni Je nung araw na yon, nakapagdesisyon na akong ituloy iyon. Palihim ko pa ring dinidikitan ng post it ang pinto locker niya.
Kapag nalalate naman ako ng dismiss sa klase at naaabutang naglabasan na ang section nila ay hindi na ako pumupunta dahil alam kong madami nang students sa boys locker.
Kapag ganoon ang sitwasyon ay dalawang post it note naman ang idinidikit ko sa susunod na araw, at dalawa rin na post it note na ang nakalagay ay "Iloveyou for 3 years" para doon sa glow in the dark post it notes. Bumabawi lang.
So, uwian na naman namin at nandito na ulit ako sa boys locker. Maaga ulit kaming dinismissed ng lecturer namin kaya maaga akong pumunta dito.
"Girl, lagyan mo naman ng heart symbol hindi puro smiling face yan." si Je.
"Dito ko na lang lalagyan sa glow in the dark." saad ko.
"Dapat diyan din." Turo niya sa pinagsusulatan ko pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nagkibit balikat na lang siya.
Syempre, aware naman ako na sa isang buwan na pagdidikit ko sa locker niya ay may ibang nakakabasa ng mga iyon. Imposibleng wala, sa sobrang daming nagkakandarapa sa prinsipe ko at aware na ang ibang kalalakihan sa ganoon at siguro ay sanay na din.
Ang mga nakasaad naman sa nga sinusulat ko sa normal post it ay pagpapakita ng thoughtfulness, pag aalala sa kung kamusta na siya tungkol sa pag alis ni Jihyun. Iba sa nais kong maipakita sa mga nakasulat sa glow in the dark na puro confession. Kaya dun ako magiging sweet sa glow in the dark post it. Mas okay sa akin yun, para hindi naman nakakahiya kung sakaling may makabasa. Ang maaaring isipin lang nila ay dahil may pag aalala lang sa nagsulat.
"Pero girl, wala ka bang napapansin?" si Je.
Tumaas ang tingin ko sa kanya kasabay ng pagtaas ng kilay ko. Natahimik ako. Pareho kaya kami ng napapansin? "Ano naman yun?" tanong ko.
"Bakit sa tuwing nagdidikit tayo ng post it note dito, walang ibang mga nakadikit dito? Imposible naman kasi eh." Matiim ko siyang tinitigan. Nakalagay ang kamay niya sa baba niya na parang nag iisip.
Tama siya, yo'n ang isa sa mga napapansin ko. Wala ni isang mga post it note or something dito sa locker niya sa tuwing nagdidikit kami dito. Pero hindi rin ako pwedeng magkamali na recent lang nangyari iyon. Nung mga unang beses ay meron, at halos wala na ngang mapaglagyan ang akin dahil doon.
Tama rin siya na imposibleng mangyari ito. Dahil sa dami ng admirers niya, bakit ni isa wala manlang ibang nakalagay bukod sa mga dinidikit ko?
"Uy, hindi pa ba kayo tapos? May mga iilan nang estudyanteng palabas na. Dalian niyo!" Si Roxie galing sa may pintuan. Siya ang pinagbantay namin doon kung sakaling may di inaasahang papasok.
Nagmadali na kaming kumilos ni Je. Tinago ang ballpen at ang ibang post it. Pumunta na ako sa pinto ng locker niya at saka dinikit ang mga nasulatan ko. Nang magawa iyon ay hinila na agad ako ni Je papunta kay Roxie saka sabay sabay kaming lumabas at saka tumakbo palayo roon.
Nang makarating sa parking ay binagalan na namin ang lakad namin saka marahas na napabuntong hininga.
Soohyun's PoV
"Sorcher Hyun!!!"
Mabilis ang tibok ng puso ko. Matagal kaming hindi nagkita at hindi ko alam paanong magrereact sa pagdating niya at muling pagkikita namin.
BINABASA MO ANG
To Be With You [A HyunJi FanFic]
FanficYou're too much, and I'm just one of those girls who were crazy over you. But I am the only one who sees your sadness, heartaches and loneliness. To Be With You. ©️ 2020 @jessaxxjadine