Chapter 2

369 8 2
                                    

The next day...
Saturday

"Yevriesha!!!"

Oh my fuck*n God! Napabalikwas ako ng bangon sa gulat nang may humampas sa mukha ko.

Nilingon ko ang gilid ng kama ko para makita kung anong bagay iyon. Unan.
Matapos makita ay inangat ko ang ulo ko para hanapin ang walang hiyang humampas sa mukha ko no'n!

"Yevriesha! Ano? Tapos ka na ba magmuni muni dyan?" Si Jessa!

"What the heck, Je! Ang aga-aga pa, inaantok pa 'ko!" saka ako bumalik sa higa ko at nagtalukbong ng kumot.

Gusto ko pang matulog. Antok na antok pa 'ko.
Bakit ba kasi ako nagising ng alanganing oras kagabi!? 11pm, and then 'di na ko nakabalik ng tulog no'n.

Inubos ko lang ang oras ko kaka-stalk sa Instagram ng prinsipe ko, at hindi ko namalayan na 3am na. Nawili naman kasi akong maglike ng mga Instagram posts niya. Kahit na nilike ko na yon, ina-unlike ko ulit tapos ilalike ko ulit para magnotif ulit sa kanya. Umaasang baka mapansin niya na ako. Pero hindi naman ako gaano'ng umaasa, mahirap masaktan at madisappont.

"Yeji, get up na!" boses iyon ni Roxie. Saka niya hinila ng marahan ang paa ko. Di ko naman siya nakita dito sa loob ng kwarto ko kanina. Baka kakaakyat lang.

"We talked to your parents kanina, I told them na may lakad tayo." Nagulat ako sa sinabi ni Je.

Tinanggal ko lang ang kumot sa bandang mukha ko kaya nahaharangan na lang nito ay ang dibdib ko pababa sa paa ko. Tumingin ako sa kanya. "Umuwi sila Mama at Papa?"

"Yes, at umalis ulit." sabi niya. As usual, umalis na naman. Okay lang naman.

Umupo ako sa kama. "Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Dahil 10am na, girl, tara sa mall!"

"What? 10am na?" Gulat na tanong ko.

"Yes, at ano bang pinagpuyatan mo at tulog ka pa rin hanggang ngayon?" Tunog nang-aasar na tanong ni Roxie.

Napahawak ako sa sintido ko, "Wala, socmeds lang." saka ako tumayo sa kama. "Just wait for me downstairs. Mag-aasikaso lang ako."

Hindi na sila nagsalita at saka lumabas na ng kwarto ko.

Pumasok ako sa cr at saka naligo. Ginawa na din ang usual skin care routine ko. Lumabas ako ng banyo na suot lamang ay bathrobe ko.

Ano kaya ang susuotin ko?

"Jeans and Shirt? Hmm." Saka nilatag at jeans and shirt sa kama. "Or dress?" Saka nilatag ang dress katabi ng jeans at shirt.

Maya-maya at napagdesiyunan kong dress nalang isuot to look formal. Sinuot ko ang doll shoes ko saka humarap sa salamin.

Naglagay ako ng kaunting powder and blush-on sa mukha ko and after that, I wear only liptint. I want to be just simple today, kasi mag-eenjoy lang naman kami ng mga bestfriends ko at hindi makikipagdate.

Kinuha ko and mini shoulder bag ko na enough para magkasya ang phone, wallet, liptint and tissue.

"Okay, I'm done." Lumabas na ako ng kwarto at bumaba saka hinanap kung nasaan ang mga gaga kong kaibigan.

To Be With You [A HyunJi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon