Chapter 13

172 17 3
                                    

Sorcher's PoV


Kadarating lang namin dito sa bahay at kasama namin ni Jas ang dalawang kumag. Dadaan lang naman ang mga ito dito at aalis din agad. May kailangan lang kaming pag-usapan.


"Akyat na muna ako sa room ko. Just call me for dinner." Si Jas, saka lumakad na paakyat ng kwarto niya.

Nagsiupo na kami sa sofa at binuksan ang tv. Kailangan kong buksan iyon dahil baka marinig ni Jas ang usapan namin. Isipin na naman no'n ay may babae akong iba. Napakamalisyosa!


"Bakit wala pa rin hanggang ngayon?" Pagsisimula ko sa usapan pagkaupo.


"Wala nga. Anong gagawin namin? Buong lunch break kami naghintay sa locker kanina, walang nagdikit doon." Francis said. Nakakunot na ang noo nito na akala mo'y inis na inis sa akin.

Bahagya ko siyang tinititigan kung paano siya sumandal sa sofa. Parang stress ata itong tropa ko, ah.

Kanina ko pa kasi sila kinukulit tungkol doon. Sa classroom palang. Hindi ako makapaniwalang wala manlang silang napala. Kahit noong mga nakaraang araw ay puro na lamang ganito ang katapusan ng ginagawa namin. Laging walang nangyayari!


"Eh, baka naman kasi live show ang pagmamatyag niyo roon?" pasigaw kong sabi. Pero pinipilit ko pa ring babaan ang boses ko, pag iingat na baka marinig ng pinsan ko.

Knowing my friends, minsan mga tanga din ito sa pagdedesisyon, eh. Baka lang nagdisplay sila roon. Hindi naman pwede iyon dahil kilala ng lahat na kaibigan ko itong dalawa, so...

"Gago! Anong live show?" si Jack.

"Baka kasi naroon na 'yong babae, kaso nakita niya kayo roon kaya hindi na lang siya pumasok sa locker." Pagpapaliwanag ko.


Maaaring ganoon nga. Kilala ako sa school, (pasensya na sa pagbubuhat ng sariling bangko) at malamang ay kilala rin ang dalawa kong kaibigan. Sa mga reaksyon ng babae kapag magkakasama kami ay hindi maitatangging habulin din itong dalawang tropa kong ito. Habulin ng aso.

"Wala nga, Soohyun. Nagtago na nga kami. Nagcap na rin kami. Nagmukha na kaming tanga para sa'yo, wala talaga." si Francis.

Nagcap? Sa school nagcap? Wow! Ang tatapang ng mga ito. Buti walang nakakita sa kanilang mga teachers. Bawal pa naman ang nagsusuot ng cap kapag nasa corridor ng bawat floor ng classrooms. Kung mangyari man iyon, malamang ay galit na galit na itong dalawa sa akin. Ako at ang pogi kong pagmumukha ang sisisihin nila.


"Paano natin mahahanap? Ilang araw na ring hindi siya nagdidikit kaya pakiramdam ko alam niyang naroon kayo." frustrated na wika ko.


Ilang araw ko nang pinamamatyagan ang dalawang ito sa locker ko. Kada break time namin ay naroon sila. Syempre utos ko iyon kaya susunod yan. Boss ako eh. Pero kidding aside, ilang pilitan pa ang ginawa ko para lamang mapapayag ang mga iyan. Inoffer ko na lang sa kanila ang outing namin, kapag nalaman nila kung sino talaga ang nagsusulat ng post it notes at nagdidikit sa locker ko ay sasagutin ko ang gagastusin sa papunta at pauwi kung saan man nila nais.


"Paano mo naman nasabi?" tanong naman ni Jack.

"Simula noong pinamatyagan ko ang locker sa inyo, mula noon hindi na rin siya nagdidikit." sagot ko saka sinandal ang likod ko sa sofa. Nakakasstress naman ito.

"Kumain ka ng gabi." sabay humagalpak ng tawa.

Umangat ang ulo ko mula sa pagkakasandal, kasabay ang pagkunot ng mukha ko. Tumayo ako at saka lumapit sa kinauupuan ni Jack. Hindi niya iyon napansin dahil abala siya sa pagtawa sa sarili niyang kakornihan. Pagdating ko sa harap niya ay malakas kong hinampas ang ulo niya. "Gusto mong ako ang magpakain sa iyo ng gabi?"


To Be With You [A HyunJi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon