Chapter 11

144 11 11
                                    


Yeji's PoV

"Ahh, kasi ano..."

*Phone Ringing*

Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang ingay ng cellphone ni Jasmine. Kinuha niya ito sa kanyang bag at saka may pinindot upang sagutin ang tumatawag.

"Hello- May naiwan kasi ako- Dito sa tapat ng room ko- Yeah, I'm with my friends- Okay, bye!"

*Dismissal Bell rang*

"Kunin ko na sa loob iyong naiwan ko, ha, sabay sabay na tayong umuwi." si Jasmin.


Tumango nalang kaming tatlo. Pumasok siya sa loob ng room saka kinuha ang notebook na naiwan niya. Gumala ang paningin ko sa magkabilang dulo ng pasilyo ng palapag kung nasaan ang room namin. Ang daming estudyanteng naglalabasan. Nagpapasalamat talaga ako na ang lecturer namin sa last subject ay maagang nagpapauwi.


Kinabahan ako. Hindi ko alam kung nagka-idea si Jas tungkol sa sinabi ni Je pero sa tingin ko ay wala naman. Mabuti na lamang ay may tumawag sa kanya at nawala ang isip niya sa huling pinag-usapan namin. Sana ay hindi niya na ako tanungin tungkol doon, dahil hindi ko rin alam ang sasabihin at kung anong ipapaliwanag sa kanya.

Nang makitang palabas na ng room si Jas ay nag-aya na akong umalis. "Let's...."


Saktong pagharap ko sa daraanan namin ay napatigil akong muli. Nanlaki ang mga mata ko. Shit. Sandali. Si —-

"Soohyun! Hey!" Jas greeted. Kasabay ng pagbati niya ay ang paglapit nito kay Sorcher upang halikan sa pisngi.

Napaiwas ako ng tingin at humarap kila Jessa. Ouch. Kumirot ng bahagya ang dibdib ko. Shit. Parang nagbabara yung dibdib ko. Naabutan ko si Jessa na nakatakip ang bibig gamit ang palad nito. Habang si Roxie ay naka-cross arms at nakatikom lamang ang bibig. Napakagat na lang ako sa sarili kong labi upang pigilan ang nagbabadyang luha. Huminga ako ng malalim saka marahas na bumuga. Salamat at hindi naman tuluyang bumagsak ang luha ko.

Bakit may paghalik? Girlfriend ka ba talaga ng prinsipe ko, Jasmine?



"Halika, pakilala kita sa mga new friends ko. Soohyun, si Roxanne, Jessa, and Yeji. Girls, si Soohyun." mahabang pagpapakila sa amin ni Jasmine.

Naglapitan na yung dalawa kanila Jasmine kaya napilitan na rin akong humarap sa kanila. Shit, hindi ko kinakaya ang mga nangyayari!

"Wala naman yatang hindi nakakakilala sayo dito sa campus. Nice to meet you, Soohyun! Roxanne, but you can call me Roxie." saka malugod itong kinamayan ni Sorcher.

Napatitig ako sa mga kamay nilang magkalapat.

"I'm Jessa. Ang gwapo mo pala sa malapitan." saka tumawa na parang walang bukas. Tumawa rin si Sorcher saka siya naman ang kinamayan nito. Nahiya ng kaunti si Sorcher sa papuri nito kaya't napahawak na lamang ito sa kanyang batok.


Hindi pa nagbibitiw ang kamay nila ay tumingin na nang mapang-asar na tingin sakin si Jessa. Ngumiti pa siya na hindi ko maintindihan. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at saka bahagyang yumuko.

Gaga ka, Je! Anong gusto mo, landiin ko si Sorcher sa harap ni Jasmine? Yung mga ngitian eh, parang tanga lang.

Shet. Pati ba ako kakamayan niya? Shit, ayoko. Kinakabahan ako. Nanghihina ang tuhod ko. Nahihiya ako ng sobra. Napapikit ako ng mariin.

"Uhm.. I-I'm Y-Yeji." Shit, bakit ako nauutal? Ikaw ang gumagawa ng sarili mong kahihiyan, Yeji! Act normal!

"Soohyun," saka niya nilahad ang kamay sakin. Tinanggap ko iyon ngunit hindi ko malaman kung ilang minuto ang lumipas bago niya tuluyang naabot ang kamay ko dahil sa bagal ng pag-angat ko nito. Nang makita ang kamay ko habang papalapit sa kamay niya ay napapikit ulit ako ng mariin. Nanginginig ang mga ito, shit!

To Be With You [A HyunJi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon