"Go Lasalle! Go Lasalle! Go Lasalle!"
Naglalakad na kami papunta sa seats namin, we were late kasi kinailangan ko pa sunduin sila Stephanie at Alexis. Mabuti nalang kakastart lang ng game.
"Fiona ayun si Jolo!" agad na tili ni Stephanie. Napairap nalang ako at hinayaan ko na lamang siya. Kung hindi siya natagalan sa paghahanap ng 'perfect outfit' niya edi sana kanina pa kami andito.
Nasa gitna nila ako ni Alexis kaya feeling ko secured ako sa mga bola mamaya. Nadala na ako sa nangyare dati. Baka this time sumakto na talaga ang bola sa pagmumuka ko.
Agad ako nag focus sa game, I saw him hustling up inside the court. Nakuha ng kakampi niya ang bola at pinasa ito sa kanya. Agad naman siya ng position para ma shoot ang bola.
"Go Jolo!" "Go Lasalle!" tili nila Stephanie at Alexis. Tawang tawa si Alexis kay Stephanie kasi sobrang lakas ng boses niya pero nakikisabay din naman siya sa pag tili. "Hoy, ikaw ano gagawin mo diyan? Pumayag ka nga na pumunta dito pero ang tahimik mo naman" irap sa akin ni Alexis.
Halos mapunit ko na ang dala kong paper bag. I might be silent pero halos mamatay na ako dito sa kaba. I bought him chocolates and gatorade, akala ko kasi early kami makakapunta. Kumunot nanaman ang noo ko nang maalala ko na hindi kami umabot.
Nakita kong nabitawan ng kalaban ang bola, agad niya itong inabot. I gasped when I saw him curling up on the floow, holding his stomach. Nagkabungguan sila ng kalaban, siya ata ang napuruhan. Tumawag kaagad ng time out ang coach nila. He was sitting sa bench. He looked very frustrated.
Natapos na yung time out and hindi siya pinapasok ng coach. Siguro kinakailangan niya muna mag pahinga. My eyes never left him. Hindi na ako nakapag focus sa game, sa kanya nalang ako nakatitig. I just hope he is fine.
I saw him looking at my direction. I saw how his eyes widened when he saw me. I smiled at him at agad naman nag bright up ang expression niya. Nakita ko kung paano siya sikuhin ng kasamahan niya at parang tinawanan lang siya nito.
2nd quarter is about to start lamang sila nung first quarter, narinig ko kung paanoo mag sigawan ang mga nanonood nang pumasok si Jolo sa loob ng court. He started talking to his teammates. He has this authoritative aura in him na nagpa seryoso ka agad sa mga teammates niya.
They started hustling up again during the second quarter up until the last quarter. Pumantay na yung score nila ng kalaban. The tension was heating up. I could see him breathing heavily.
Pinasahan nanaman siya ulit ng bola at agad niya naman ito shinoot "Awwwww!!" hiyawaan ng mga tao ng hindi pumasok sa ring yung bola. He looked at me and smiled sadly. Napakunot ang noo ko, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla akong napatayo.
"Jolo Iñigo Bustamante, galingan mo!" agad naman siya huminto sa loob ng court at tinignan lang ako. He was stunned. He came back to his senses when his teammate slapped his back. He smiled at agad niya ako kinindatan.
Agad ako nahimasmasan sa ginawa ko. Feeling ko ang pula pula ko na. "Omg. Diba siya yung Student Council President?"
"Oo siya ata yan. Boyfriend niya ba si Jolo?"
"Baka nga siguro sila na. Sayang naman!"
Agad akong hinampas ni Alexis. "Gaga ka! Ano yang trip mo sa buhay Fiona Alyssa!" tinignan ko si Stephani para humingi sana ng tulong kasi pinaghahampas ako ni Alexis pero I saw her holding her phone.
Hinayupak! She took a video pala! Natigil ang chaos namin dito when we heard the announcer "another 3 points from bustamante!" I smiled on the inside. They could win this!
"Aba nag papaulan ng tres ata si Jolo after ng scene mo kanina, Fio" Stephanie smirked at me. We heard the sound of the buzzer, and they won! I hugged my paper bag tightly. Thank God they won!
I fixed my things and told Alexis and Stephanie na aalis na kami but they stopped me. Nagulat ako when someone hugged my back. It was sweaty but it smelled so good.
Napatingin ako sa taong yumakap sa akin then I saw Jolo. He was sweaty at namumula din ng konti. "Hey" he smiled, showing those deep dimples again.
"Uhh hi. Congratulations pala" I smiled and agad siya napatingin sa hawak ko. My paper bag was crumpled. "Was that supposed to be for me?" he asked. Bigla akong natahimik. I don't know what to say.
"Ah! Oo. Kaso na late kami kanina so hindi ko nabigay" akmang itatago ko na yung paper bag sa likod ko when he immediately grabbed it. "Hey! Teka!" i was reaching for it pero lintek hindi ko maabot. He is so tall!
He took the gatorade out "Teka bakit may bawas na to?" kumunot ang noo niya. I drank it! Syempre nauhaw din ako kanina kaka nood ng laro niya. "I-i drank it. Yung chocolates nalang kunin-"
Lumaki ang mga mata ko when he opened the bottle and drank from it. Balewala sa kanya ang sinabi ko na nainuman ko na yung gatorade.
"Cap! Tawag na tayo ni coach!" sigaw ng teammate niya
"Sige alis na din kami" paalam ko, he grabbed my arm and he kissed my cheek. Alam ko na ang pula pula na nang muka ko. He leaned in again, agad akong napapikit ng mata ko. I heard him smirk.
"Should I consider it as an indirect kiss? Hmm, miss president?"
He kissed my forehead and he jogged towards his teammates. Para akong na estatwa sa posisyon ko. Nilapitan ako nila Alexis at Stephanie at agad naman ako kinurot ni Alexis.
"Shit ka talaga Bustamante"
____________________________________
Hello sorry ang tagal ko mag update. I'm super busy with schoolworks and quizes. I'll try to update more often.
Thank you for supporting!
❤️
IG @chelseaaalyn
Twitter @HeyItsChelsea#UTCL
BINABASA MO ANG
Under the City Lights (It Girl Series #1)
عاطفيةJolo Iñigo Bustamante, the school's heartthrob and the captain of the DLSU's basketball team, never believed that he is capable to fall in love again after the death of his fiancé... until he met Fiona Alyssa Smith, the student body president.