Kabanata 1

1 0 0
                                    

Unedited

Ayalas

"Tutungo ako sa bayan mamaya, Julina." Biglang saad ni Tatay matapos mailapag ang tasa ng pinag-inuman. Agad akong nakaramdam ng matinding excitement. Ilang buwan na din simula nong huli akong bumaba ng bundok. Dalawang taon na kasi akong tumigil sa pag-aaral kaya naging madalang na din ang pagbaba ko.

Kung hindi sana ako tumigil sa pag-aaral, malamang ay dalawang taon nalang ang kulang para makatapos ako ng kolehiyo.

"Pwede po bang sumama,tay?!" Hindi ko naitago ang sayang nararamdaman. Excited na excited akong maramdaman ang ihip ng hangin at ang mga tunog galing sa mga sasakyan at mga tao sa bayan.

"Kaya kita sinabihan dahil magpapatulong ako sayo sa pagbubuhat ng mga naaning gulay." Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Para saan po ang mga yun, tay? Ibebenta po ba natin kay Aling Nena?" Umiling si tatay.

"Ihahatid natin sa mga Ayala."
Bahagya akong nadismaya pero hindi ito naging dahilan para mawala ang excitement ko.

Ipinastol ko na muna si Lagnus ng mas maaga para mabalikan ko nalang siya mamayang hapon, pagkadating namin ni tatay. Nang makarating sa pastolan agad kong naalala ang lalakeng bumaril sa kalapati.

"Napakasama ng ugali niya, hindi man lang siya tumulong sa paglilibing." Nagpaiwan kasi ang dalawa niyang kapatid para tulungan akong maghukay ng paglilibingan sa kalapati habang siya naman ay nagpatuloy lang sa pagdadausdos para makababa ng bundok.

Matapos mahatid si Lagnus sa pastolan, tinulungan ko na si tatay sa paghahanda ng mga dadalhing gulay.
Nakalagay na ang mga ito sa bayong, kaya itinali ko nalang ang magkabilang hawakan para hindi mahulog ang mga gulay na nasa loob. Ipinapatong ko ito kay tatay sa ulo ko para mas madali ko itong makarga.

Alas dos na nong magsimula kaming maglakad ni tatay. May daan namang ginawa ang gobyerno na hindi matarik at maaring gamitin ng mga taong gustong mag-akyat baba ng bundok, aabutin nga lang ng oras bago ka makarating sa bayan.

Nang makarating sa palengke, inilapag muna namin ni tatay ang mga bayong sa waiting shed para bumili ng ice tubig. Alas tres na pero ramdam ko pa din ang hapdi ng balat ko dahil sa labis na pagkabilad sa araw. Ang aking bahagyang blonde at straight na buhok nadidikit na din sa leegan ko. Alam ko din na labis ng namumula ang mukha ko dahil sa pagiging meztiza. Americana kasi ang nanay kong namatay sa panganganak sakin, may pamilya naman si nanay sa America pero ayaw nila akong tanggapin dahil magsasaka lang ang tatay ko.

"Uminom ka muna, Julina." Linahad sakin ni tatay ang ice tubig, agad ko naman itong naiabot.

Pagkatapos uminom, don ko lang na appreciate ang bayan. Madaming taonh dumadaan. Sa gilid ay ang malawak na kalsada na dinadaanan ng mga truck at motor.

Napangiti ako.

"Hihingi nalang muna tayo ng mga lumang dyaryo mula sa mga Ayala para matuyo natin yang pawis mo." Tinanguan ko si tatay. Tumayo siya mula sa pagkakaupo kaya tumayo na din ako. Ipinatong niya ulit sa aking ulo ang bayong kaya nagsimula na akong maglakad. Alam ko kung saan ang direksiyon patungo sa mansiyon ng mga Ayala dahil nakailang balik na ako doon.

"Julina! Ang tagal mong hindi nakabalik." Bungad sakin ng Mayordoma ng mga Ayala. Naging malapit na ito sakin dahil siya ang lagi kong inaabutan ng gulay sa tuwing maghahatid ako.

Catch me, AyalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon