Kapre
"Bakit mo naman ginanon si Magnus, iha?" Tanong ni Tatay matapos niyang magpaalam sa mga Ayala.
Bumalik kami sa lamesa namin. Nong papaupo, pasalampak kong pinatong ang pwetan ko sa upuan.
"W-wala naman akong ginawa tay."
"Talaga bang hindi mo naalala ang pangalan niya?" Pang-uusisa niya.
"Opo."
"Hindi mo ako maloloko, iha. Ilang beses mo nang nababanggit ang pangalan ni Magnus. Pati nga kagabi nong natutulog ka, parang napanaginipan mo yata siya." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Tatay.
"T-talaga Tay?" Malakas siyang tumawa.
"Hindi. Pero ano nga yung rason mo? Bakit mo ginanon si Magnus Ayala?"
"Diba nga po, natatakot ako sa kanya dahil sa g-ginawa kong pagbato?" Palusot ko ulit.
"Oo na sige na. Naniniwala na ako." Kunwari ay kumbensedo nitong saad pero alam kong hindi siya naniniwala dahil pilyo pa din siyang nakangiti.
"Julio!" Pagtatawag sa kanya nong lalakeng bumati kanina.
"Bakit pare?"
"Inom tayo!"
"Ha? Sige, iinom ako ng konti ngayon." Tumayo si tatay tsaka lumingon sakin.
"Julina anak, hahayaan kitang makihalubilo ngayon para masanay ka. Saglit lang naman ako." Nag-aalinlangan akong tumango.
Wala akong magagawa. Alangan namang hilahin ko si papa pabalik at pigilan siya sa kanyang kasiyahan.
Nong makaalis sila Tatay panay lang ang paglingon ko sa paligid.
Sino naman ang lalapitan ko dito? May mga nakikilala akong mukha ng mga naging classmate ko dati pero hindi nila ako pinapansin, marahil ay hindi na ako matandaan.
Makalipas ang mahigit labinlimang minuto, tumayo ako upang makalayo sa bulwagan.
Naisipan kong pumunta sa bench na nasa likod ng kusina dahil sigurado akong walang taong magagawi don. Lalo na at may puno ng mangga. Buhay na buhay pa din kasi yung paniniwala ng mga tao dito sa mga kapre na nakatira sa mga malalaking puno.
Dahil nakatira sa bundok ay hindi ako nagpapaniwala dito. Ang daming malalaking kahoy ang nakapaligid sa kubo pero ni isang beses ay hindi pa ako nakakakita ng kapre.
Tama nga ako sa naisip ko dahil wala ngang nagawi sa pwestong iyon.
Lampost sa hindi kalayuan lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid kaya bahagya akong nakaramdam ng takot. Ganunpaman ay binalewala ko ito.
Umupo ako sa bench tsaka marahang pinapatid patid ang mga maliliit na bato.
"Wala din naman pala akong magagawa dito." Bulong ko sa sarili. Pero mas mabuti na din to kesa sa magmukha akong tangang nakatunganga sa gitna ng handaan na halos puno ng mga hindi ko kilalang mukha.
Napaangat ako ng tingin nong biglang may gumalaw sa puno. Sobrang laki kasi ng puno at makapal ang mga dahon. Dahil hindi masyadong maliwanag ay hindi ko na kita sa pwesto ko ang loob nito, hindi gaya nong nakaraang linggo na kitang kita mula sa ibaba ang mga mangga.

BINABASA MO ANG
Catch me, Ayala
RomanceArgao, a place where locals are innocent , deep and very sentimental. Magnus, the smartest and the rudest Ayala migrated to Argao, where his parents were locals and richest individuals. He met Julina, a solo daughter of a farmer who's a local and a...