Kabanata 5

6 0 0
                                    

Send you

Limang araw na simula nong magpunta kami sa mansiyon ng mga Ayala para sa handaan. Limang araw na din akong hindi nakakababa.

Natigil ako sa ginagawang paggagayat ng kapayas para gagawing atsara nong marinig ang sunod-sunod pag-ubo ni Tatay.

Agad ko siyang nilapitan. Namumutla na siya habang bahagyang hawak ang dibdib.

"Anong nangyayari sayo tay?!" Taranta kong tanong. Umiling lang siya habang patuloy pa din sa pag-ubo.

Taranta akong bumalik sa kusina tsaka kumuha ng tubig. 

Agad kong iniabot kay tatay ang tubig tsaka ko marahang hinagod ang likuran niya. Matapos ang ilang minuto ay humupa na naman ang pag-ubo niya pero nanatili pa rin ang kanyang pamumutla.

"Bibilhan kita ng gamot tay, mukhang inaatake ka na naman ng sakit mo." May sakit sa puso si Tatay. Ilang taon na din naman simula nong huli siyang inatake ng sakit niya pero hindi pa din kami dapat na makapante lalo na't may katandaan na siya.

Bahagyang nawala ang kabigatan ng kanyang paghinga.

Inilapag ko ang baso sa upuang yari sa kawayan tsaka umupo sa tabi niya.

"Bababa ako tatay." Ulit kong paalam.

Mahina niyang nilingon ang orasang nakasabit tsaka umiling.

"A-alas tres na. Baka gabihin ka."

Umiling ako tsaka itinali ang buhok at kinuha ang pitakang naglalaman ng mahigit tatlong daan. Mga binigay to sakin ni tatay noon pa, sa tuwing marami-rami ang ani niya.

"Walang ibang makakababa tay, Wala din tayong bigas tay, uuwi ako kaagad pagkatapos na pagkatapos."

"Wala tayong pera."

Nginitian ko siya tsaka ipinakita ang wallet ko.

"Pambili mo yan ng gamit sa pasukan, Julina."

"Hahanap nalang ulit ako ng pera tay, pwede namang mananim ako ng talong sa likod bahay para madagdagan ang kita." Kahit na alam kong sobrang mura na ng talong ngayon.

"Kahit anong pagmamadali mo, gagabihin ka." Bahagyang kalmado na ang boses niya at dahan dahan ng humiga.

"Kaya aalis na ako tay. Magdadala ako ng posporo."

Lumabas ako ng kwarto tsaka kumuha ng posporo sa kusina.

Hindi ko na binalikan si tatay at lakad takbo ko nang tinahak ang daan. Pinili ko ang short cut kesa sa maayos na daanan. Delikado ang daan dahil kadalasan sa natatapakan ko ay maliliit na bato. Kapag hindi ako kumapit sa mga baging o sa mga maliliit na puno, mapapadausdos ako sa paraang hindi ko gusto.

Hindi pa nakaka isang oras, nakarating na ako sa bayan. Mas madali kesa sa maayos na daan pero hindi na ako pwede don mamaya dahil matirik yun at mahirap akyatin, idagdag pa ang mga maliliit na batong mas nakakapagpahirap sa bawat hakbang mo.

Napapadalas na yata ang pagbaba ko ngayong buwan, pero mas mabuti na din dahil pasukan na sa susunod na buwan.

Dahil sa magkahalong takot sa pag-akyat at pag-aalala kay tatay, dinoblehan ko ang bilis ng aking paghakbang. Hindi ko na inintindi ang mga taong maaaring nakamasid at nagtataka sa pagmamadali ko.

Dumiretso ako sa botika para bumili ng gamot tsaka sa isang maliit na tindahan, bumili ako ng dalawang kilo ng bigas dahil yun nalang ang eksakto sa pera ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch me, AyalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon