Kabananta 4

2 0 0
                                        

Take it

Malalim na napabuntong hininga si Orionne.

"Trivor is looking for you."

"Let's go. Come with us, Julina." Nanginig ako nong marinig ang pangalan ko mula sa sarili niyang bibig.

Bakit parang kakaiba sa pandinig ko ang sarili kong pangalan pag nanggaling sa kanya?

"M-mauna nalang muna kayo." Pilit kong iniangat ang tingin ko.

"What?" Inis na singhal ni Magnus. Napayuko ako ulit nong magtama ang mga paningin namin.

"A-ano kasi n-nahihiya akong magtungo don."

"What are you ashamed of?" Nag-angat ako ng tingin tsaka liningon si Orionne na nakakunot na ang noo.

Magkatulad nga ang mukha nila ni Magnus, mas maputi nga lang siya.  Parang mas maamo nga lang ang mukha ni Orionne at mas madaling lapitan, hindi katulad nong kay Magnus.

"W-wala kasi akong kakilala don." I reasoned out. Totoo naman.

"We're here." Saglit kong nilingon si Magnus tsaka nagbaba uli ng tingin.

Bakit ba kasi hindi ko siya matitigan ng maayos?

"Hindi ka na ba galit sakin?" Bigla ay naitanong ko. Nakagat ko ang sariling labi nong walang narinig na sagot mula sa kanya.

Napapikit ako tsaka nag-angat ulit ng tingin.

"You remember now, huh?" Nag-angat siya ng kilay tsaka maangas na napangisi.

Talaga ngang napakagwapo niya. Naging dahilan ang ngisi niya upang mapatitig ako sa mukha niya. Sobrang angas ng pigura ng kanyang mukha yung angas na hindi ko kailanman na kita sa kahit na sinong lalaki.

"I'll go ahead, guide her Magnus. She's a visitor." Paalam ni Orionne. Tinapik niya pa ang balikat ni Magnus.

Nanatili kaming tahimik at nakatitig sa isa't-isa nong umalis si Orionne.

"Ah mauna ka na, magpapaiwan nalang muna ako don." Tinuro ko ang bench na nasa likod niya. Nanatili lang siyang nakatitig sakin habang nakakunot ang noo.

"Alam mo ba na hindi lang isang lalake ang lasing ngayong gabi?" Inis niyang tanong.

"Ah, ano kasi,"

"Ah, ano kasi," He mocked.

"Are you that scared of me? You don't even think about the possibility of you being raped by a random drunk man!" His voice thundered. Napayuko lang ako tsaka napailing.

Naramdaman kong naglakad siya papalapit sakin tsaka marahang hinawakan ang braso ko. Napatitig ako sa kamay niya tsaka napalunok ng sariling laway.

Hinawakan niya ang baba ko para mag-angat ako ng tingin. 

"Julina, don't be scared."  Wika niya habang nakayuko upang magkasalubong ang mga titig namin.

"Kinakabahan din kasi ako." Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para sabihin yun pero yun talaga ang lumabas sa bibig ko.

Ngumisi siya.

"I am just Magnus."

Hindi ako nakasagot. Si Magnus ka nga, kaya ako kinakabahan kasi ikaw si Magnus. Magnus Ayala.

Catch me, AyalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon