Forget
"Labhan mo din yung pinakamaayos mong bestida, Julina." Bigla ay utos ni Tatay dalawang linggo matapos kaming magtungo sa mansiyon ng mga Ayala.
"Birthday nong pinakabatang anak ng mga Ayala bukas" Natigilan ako sa pagkukos-kos ng mga damit na nilalabhan dahil sa sinabi niya.
"S-sino po sa kanila tay?"
"Si Trivor." Kung ganon ay si Trivor ang bunso sa kanilang tatlo.
"Talaga bang mga anak sila nina Senyor at Senyora tay?" Agad na tumango si tatay tsaka lumapit sa poso para mag-igib ng tubig na ipapainom kay Lagnus.
"Bakit bago ko lang ata sila nakita?"
"Dito sila tumira hanggang sa maging singko anyos, nagkita na kayo noon pero marahil ay hindi mo naalala dahil masyado pa kayong mga bata noon." Pinilit ko ang sariling isip na umalala pero wala talaga akong matandaan.
"Galing sa Maynila ang mga iyon pero sapilitang pinauwi ng mag-asawang Ayala dahil mga pabaya sa pag-aaral. Lagi nalang gala sa gabi ang inaatupag." Tinanggal ni tatay ang pagkakatali kay Lagnus tsaka ito hinila papalapit sa baldeng puno ng naigib niyang tubig.
Napangiwi ako. Halata nga.
"Pakuha nga muna ng asin, Julina. Hindi ko pa pala to nahahaluan ng asin." Utos niya sakin kaya agad akong tumayo at pumasok sa kubo para kumuha ng asin.
Ako na mismo ang nagbuhos ng asin sa balde dahil nakahawak sa pisi ang kamay ni tatay.
"Tay, pwede po bang hindi nalang ako sumama?" Mahina ang boses kong tanong bago umupo ulit sa bangko para ipagpatuloy ay paglalaba.
"Saan?"
"Sa handaan bukas." Nilingon niya ako tsaka agad na inilingan.
"Hindi kita pwedeng iwan ng mag-isa dito. Tsaka bente anyos ka na iha, kailangan mong masanay na makihalubilo sa ibang tao. Papayag ka bang magaya sakin na ignorante pa din sa maraming bagay?"
Napayuko ako tsaka malamyang nagkuskos.
"Kung hindi nga lang delikadong mag-akyat baba ka sa bundok araw-araw para makapunta sa bayan ng mag-isa ay papayagan kitang magpabalik balik ng madalas doon para mabilis kang masanay sa pakikipaghalubilo kaso natatakot akong baka may makasalubong kang mga mangangaso o mga estranghero lalo na't maraming lalake ang maaaring mahumaling sa ganda mo." Napaangat ako ng tingin. Wala sakin ang paningin ni Tatay dahil nanatili ang titig niya sa kalabaw.
"Diba mag-aaral na ako ngayong pasukan sa kolehiyo tay, huwag mong sabihing ihahatid sundo mo pa din ako gaya nong madalas mangyari dalawang taon na ang nakakalipas?" Halos araw araw niya kasi akong hinahatid sundo noon para lang masigurong ligtas akong makakapunta sa eskwelahan . Noon ay parang wala lang sakin ang ginagawa niya at hinahayaan ko lang siya. Pero ngayon ay parang hindi na ako papayag dahil klarong mas naging mahina na ang pangangatawan niya ngayon kesa nong nakaraang taon. Hindi na niya kakayaning magpabalik balik sa pag-akyat baba ng bundok. Madalas nga siyang hingalin kapag may mga bagay na ginagawa na gumagamit ng pwersa.
BINABASA MO ANG
Catch me, Ayala
RomanceArgao, a place where locals are innocent , deep and very sentimental. Magnus, the smartest and the rudest Ayala migrated to Argao, where his parents were locals and richest individuals. He met Julina, a solo daughter of a farmer who's a local and a...