Unedited
"Tay, magpapastol muna ako ng kalabaw!" Pasigaw kong paaalam kay tatay. Hawak-hawak ko na ang lubid ng aming kalabaw, handang handa ng dalhin sa pastolan.
"Mag-iingat ka, Julina!" Paalala ni Tatay.
"Opo!" Marahan ko ng hinila ang lubid ng aking kalabaw para madala ko na siya sa pastolan.
"Halika na, Lagnus!" Kausap ko dito. Atat na atat na kumain ng sariwang damo si Lagnus kaya naging patakbo ang kaninang normal na lakad na ginawa ko.
Dahil sa sobrang lakas ng kalabaw ko, nagawa ako ditong hilahin.
"Lagnus! Tumigil ka!" Malakas na sigaw ko nang maramdaman ko na talaga ang pananakit ng mga palad ko dahil sa marahas at buong pwersa na pagkakapit sa lubid.
Medyo may kalayuan ang pastolan kaya matagal bago kami makarating doon. Malapit ang lupang iyon sa lupang sinasakahan ni Tatay. Lupa ng mga Ayala ang tila nirerentahan namin, binibigyan namin sina Senyora ng perang pang renta o di kaya ay mga produktong pananim sa tuwing kailangan naming mag-ani.
Nawala ang pagkakahawak ko sa lubid nang bigla akong madapa sa putikan. Sumubsob diretso ang aking mukha sa putik.
"Bwesit kang kalabaw ka!" Sigaw ko matapos umupo mula sa pagkakasubsob.
Napahilamos ako nang mukha at nandidiring tinignan ang mga kamay kong naputikan na. Tumayo ako tsaka isinalikop ang bahagyang nabasang buhok tsaka inilagay sa kanang parte ng aking mukha.
Kumuha ako ng dahon ng saging tsaka ito ipinahid sa mukha at sa braso ko bago tumakbo para habulin si Lagnus.
"Sana'y walang gumawi dito ngayong hapon, baka mapagkamalan pa akong kalabaw!" Sigaw ko ng dahil sa inis at pagod.
Mas binilisan ko ang takbo nang hindi na makita si Lagnus. Malalagot ako kay tatay!
Mabuti nalang at naka pantalon ako ngayon, kung hindi ay napuno na ng mga galos ang binti ko. Ang dami kasing maliliit at matutulis na kahoy na bumabakat sa suot kong pantalon. Kung wala lang ang telang nakaharang malamang ay sa balat ko ito diretsong mababakat.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ang kalabaw ko na nasa pastolan lang na lagi kong pinagdadalhan sa kanya. Agad ko siyang nilapitan, hindi na ito lumingon sakin dahil abala na sa pagkain ng mga bagong tubo na damo.
Agad kong kinuha ang dulo ng tali niya tsaka ito itinali sa isang puno para hindi na makawala.
"Bwesit ka, Lagnus! Tignan mo nga tong itsura ko!" Bahagya ko siyang pinatid sa pwetan pagkatapos ko siyang matali.
Nang wala nang magawa, umupo ako sa ilalim ng puno na pinagtalian ko kay Lagnus.
Nakakapagod mabuhay sa bundok. Simula noong bata pa ako, bilang lang ang panahong bumababa ako mula dito sa bundok para magliwaliw. Madalas man akong bumaba ngunit para lamang iyon sa pag-aaral. Wala na akong ibang napuntahang parte ng bayan bukod sa eskwelahan, palengke at mansiyon ng mga Ayala.
Nakapamewang akong naglakad papunta sa pinatag na bahagi ng bundok. Tanaw mula dito ang buong bayan at ang asul na dagat na tila nasa likod lang ng mga sasakyang umaardar pero kung nandon ka sa pwestong iyon ay malayo ang pagitan ng mga ito mula sa dagat.
Napatinggala ako sa kalangitan. Asul na asul na ulit ang mga ulap kahit na bahagyang umulan kaninang umaga. Ganunpaman, hindi ko masyadong maramdaman ang labis na init na dulot ng araw.
BINABASA MO ANG
Catch me, Ayala
عاطفيةArgao, a place where locals are innocent , deep and very sentimental. Magnus, the smartest and the rudest Ayala migrated to Argao, where his parents were locals and richest individuals. He met Julina, a solo daughter of a farmer who's a local and a...