CHAPTER THREE

17 6 0
                                    

"Saan ba 'yon, Madie? M-malapit lang ba? Kinakabahan na natatakot ako."

"Zai, calm down. Walang magagawa 'yang takot o kaba mo," pagpapakalma ni Shanea sa kanya.

Ako ang nasa unahan, sa likod ko naman si Shanea at sunod naman si Zaivein. Dahan-dahan lang kaming naglalakad ng bigla na lang may sumulpot sa harapan ko. Paliko na kasi dapat kami para sa pupuntahan namin. I swear I can almost hear my heart beating very fast. Nang mapahinto ako ay nabangga ako ni Shanea kaya nakagawa ako ng mahinang ingay. Nakalagpas na sa akin yung zombie na 'yon ng biglang nagkaroon ng mahinang ingay. Agad naman nataranta si Zaivein dahil nasa harapan niya mismo 'yon kaya naman inatake siya nito.

Lumapit ako at hinawakan ang balikat ng zombie na 'yon. Pagkahawak ko nun tumalon ako at sumakay sa balikat niya. Sa bigat ko kaya naman napatumba kami. Nagpupumilit siyang kumawala pero hawak-hawak ko ang ulo niya at buong lakas na inihampas sa sahig. Gusto kong mandiri sa pagmumukha nito ngayon pero kung masusuka o mandidiri ako ay baka maaga akong mamatay. Paulit-ulit lang ang paghampas ko sa ulo niya hanggang sa ma-satisfy akong 'di na 'to makakabangon ay tumayo na ako. Hinila ko na sila ulit para makapunta sa pupuntahan namin. Maya-maya binitawan ko na din sila at huminto kami sa isang pinto.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid para siguraduhing walang zombie na biglang aatake sa amin. Sa loob kaya? Meron? Pinihit ko na ang pinto at hindi ito naka-lock. Nagtinginan pa muna kaming tatlo bago dahan-dahang pumasok. Nakayuko ako habang dahan-dahang pumasok. Madilim ang loob at maayos lang ang mga gamit. Nakakita ako ng tsinelas kaya naisipan kong ihagis 'yon sa loob baka sakaling meron ngang zombie.

Pagkatapos kong ihagis yun ay wala namang lumabas. Kaya tuluyan na talaga kaming pumasok sa loob at naghanap ng mga gamit na magagamit namin sa paglabas ulit sa kuwartong 'to.

"Madie. Sure ka ba na dito 'yon? Baka nagkamali tayo nang pinasok tapos biglang may zombieng lumabas dito," napahinto ako sa pagkakalkal at napatingin kay Shanea.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Muli, lumingon-lingon muna ako at may nakitang pintuan. Mukhang isa sa mga kwarto ito dito sa loob. Dahan-dahan akong pumasok at agad na bumungad sa akin ang mukhang mamahaling pabango na panlalaki. Saan kaya ngayon yung may-ari nito? Sa pagkaka-alala ko kasi isang sundalo ang nandito sa room na 'to. Naisip kong baka may magamit kami ditong panlaban sa mga zombie.

Una kong binuksan ang lalagyanan niya ng damit. Bukod sa mga damit ay mga mamahaling relo at kung ano-ano nasa loob nito. Napakadaming mamahaling bagay dito. Malamang mayaman ang may-ari nito. Sa pagkakalkal ko dito ay may nakita akong mukhang taguan sa may bandang likuran nito. Kaya naman binuksan ko 'yon. Una kong nakita ang pang-sundalong damit at ilang mga gamit nito para sa pagsusundalo niya.

Nang itabi ko ang damit niyang 'yon ay nakakita ako ng limang Reachable Walkie Talkies na pang-Long Range. Hindi ko alam kung ilan ang kaya nitong channels. Pero sana gumana pa rin 'to kahit alam kong ilan sa lugar dito ay tinanggalan na ng networks o kaya signal. Teka, andami naman atang Walkie Talkies nito? Ilan ba nakatirang sundalo dito? Hmm, by the way. Paano makakaligtas ang survivor dito kung gan'on? Dapat pinag-iisipan muna nila ang desisyon nila bago gumawa ng hakbang. Dapat hindi nila tinanggal ang networks, channel o signal dito para naman malaman nila agad kung may mga survivors. Mga hindi nag-iisip ng mabuti! Paano na lang kaya ang mga hindi alam gagawin ngayon? Sigurado akong namomroblema na sila kung paano makakaligtas ngayon.

"Madie? Antagal mo naman. Ano na bang ginagawa mo diyan?" pagkatawag sa akin ni Shanea ay pumasok na rin siya sa kuwarto kung nasaan ako.

"Ah, sorry. Naghahanap pa ako ng pwedeng magamit natin. Ito nga pala, Walkie Talkies. Okay na kaya 'to?"

"Ang dami naman? Tig-iisa na lang kaya tayo?" sagot niya naman.

"Mas okay siguro kung dadalhin na lang natin ito lahat. Baka sakali kasing may makita tayong ibang tao? Edi makakatulong pa tayo."

"What? Tutulong pa tayo? Hindi ba baka maging pabigat lang sila? Paano kung tayo naman ang mapahamak dahil sa kanila-"

"Zai! Don't say that!" I sighed. Ow yes, I know. But, mas okay kung makakatulong din naman kami kahit sa kaunting paraan.

Hindi namin napansin na pumasok na din pala si Zaivein sa kuwarto. Hindi na lang muna kami nagpansinan at nagsimulang maghanap na lang ulit ng bagay na magagamit namin. Pumunta ako sa may kama. Nang hindi sinasadyang mahulog ko ang unan dahil sa pag-upo sa kama ay nakakita ako ng isang handgun.

"Shanea, Zai. Look," pagkatawag ko sa kanila ay ipinakita ko ang hawak kong handgun.

Agad naman silang lumapit lalo naman si Shanea na parang lumiwanag ang mukha. Mahilig kasi siya mag-Firing Range na alam kong sanay siya, lalo na sa mga ganitong baril. Iniabot ko naman 'yon sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagdadalawang-isip.

"Take this. Alam ko namang gusto mo ang ganitong baril kaya ikaw na gumamit."

"Pero paano kayo?"

"Ano ka ba, Shan. Pwede mo naman kaming ipagtanggol gamit niyan noh. Kaya ayos lang sa amin," I smiled and nodded to assure her na okay lang talaga.

"Thank you girls. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang natin ang isa't-isa. Makakaasa kayo."

Batter Up!Where stories live. Discover now