CHAPTER FIVE

8 4 0
                                    

At this time, nagpapahinga na kami. Ako ang nakahiga sa sofa at sila naman ang nasa lapag. They insist na sa lapag na lang sila. Ewan ko ba sa mga 'yan. Or maybe, hindi lang sila comfortable humiga sa sofa. Saka isa lang naman talaga ang pwedeng matulog dito. Isa pa, sa aming tatlo ako lang naman talaga ang sanay matulog sa ganito.

I can't sleep.

Gusto ko muna magbasa-basa ng libro o kung ano mang pwedeng basahin. Pero feeling ko tinatamad din akong magbasa. I want to rest! But my mind won't let me. My body is tired but my mind is not. Kung ano-ano pa din ang iniisip.

Kanina ko pa pinipilit na matulog pero hindi talaga ako makatulog samantalang sina Zai at Shan ay mahimbing na natutulog. Mas okay na din siguro 'to. Para mabantayan ko sila baka may kung anong mangyari kung lahat kami matutulog. Napatingin ako sa orasan. Alas-kuwatro na ng umaga. Kaya naman bumangon na lang ako. Ano na kayang nangyayari sa labas ng lugar na 'to ngayon? Naisipan ko namang silipin ang nasa may bandang balcony. Tinanggal ko ang isa sa dinikit ni Shanea para matakpan 'to. Maliit na punit lang naman, ibabalik ko din mamaya.

Pagkatanggal ko dito ay kulay kahel agad ang bumungad kaya naman sumilip na ako at nagulat sa nakita. Pumunit ulit ako para makita nang mabuti. The buildings infront of this building where we are now is on fire! Agad naman akong napatakbo at ginising sila Shanea at Zaivein.

"Shan! Zai! Gisingg! Yung mga gamit niyo ihanda niyo na! Aalis na tayo!!" bumangon naman sila agad pero mabagal pa din ang kilos nila.

"Shan! Zai! Tignan niyo 'yon dali!" sabay turo ko kung nasaan ang balcony at pumunta naman sila d'on.

Ako naman ay hinahanda na ang mga gamit ko. Kahit gusto kong maligo ay hindi ko ginawa. Mas okay na 'to kung sakaling maka-encounter kami ng maraming zombie. Mas ligtas kung gan'on. Kung hindi na kayang makipaglaban. Mas mabuting magpanggap na lang na tulad nila. Taranta naman silang bumalik at inihanda na din ang gamit.

"My god! What's happening on earth?!" reklamo pa ni Zaivein.

"Ano okay na ba kayo? Check ko muna yung sa pinto kung pwede na tayong lumabas."






"YOU FVCK!!! LET GO OF ME!"

I immediately grab the zombie at the top of Zaivein. Sinuntok ko 'to sa mukha pero mukhang walang epekto. Kaya naman ginamit ko na yung axe. Buong lakas kung inihampas yung axe at tumalsik ang ulo nito.

"M-my gosh! Let's go na!" pagkasabi n'on ni Zai ay tumakbo na kaming tatlo ulit.

Kanina pa kami tumatakbo. Sa huling floor na ang punta namin kaya mas aasahan na naming mas madami ang zombie na nandoon. Sa ilang bahagi ng building na 'to ay kita na namin ang ilang sunog. Kaya naman natataranta na din talaga kami pero tuloy pa din basta magkakasama kami. Palabas na kami ng building na 'to at sinuswerteng iilan lang nasa ground na zombie. Agad ko namang kinuha ang susi ng kotse at may pinindot doon. Nakuha ko lang din 'to sa kwartong 'yon.

Hindi kalayuan ay may tumunog na kotse kaya agad kaming tumakbo d'on. Kaya siguro iilan lang ang nanditong zombie ay karamihan nasa itaas ang iba o nasa pinakalabas talaga ng building na 'to. Pumunta kami dito sa may ground kasi naisip namin mas makakabuti kung sakay kami ng isang kotse kaysa sa puro pagtatakbo ang gawin namin. Agad akong umupo sa driver's seat at inihagis ang bag sa likod ng kotse kasi baka makasagabal lang 'to sa pagmamaneho ko pero yung axe ay hawak-hawak ko pa din. Umupo naman si Shanea sa tabi ko kaya sa likod si Zaiven.

Marunong akong magpatakbo ng kotse dahil madalas sa mga ka-trabaho ko hospital ay may kotse at ako ang madalas mag-insist na mag-drive pero may motor naman ako.

"Madie, alam mo ba yung daan palabas dito?" hindi ko siya nilingon at ini-start na muna yung kotse.

"Syempre. Dito nga ako nakatira 'di ba?" I replied and rolled my eyes. Isn't it obvious?






"JUSMEYO! ANONG TRIP NG MGA ZOMBIE NA 'TO?!"

"WHAT? HINDI KITA MARINIG SHAN!"

"GUYS! TEKA. MADIEEE! EASY LANG SA PAGD-DRIVEE!!"

Mabilis akong nagpapatakbo kaya inihinto ko muna ang kotse. Puro basag na din kasi 'to. Sinigurado ko munang malayo na kami sa mga zombie pero kita kung nagtatakbuhan na ang mga 'yon papalapit sa amin. Kanina halos sagasaan ko lahat ng makita kong zombie!! Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa pero nakaramdam ako ng ilang tuwa. Like wtf. I set aside that fvcking mindset and get my bag at the back.

Lumabas na din sina Shanea at Zaivein. Mababaliw na ata ako sa mga nangyayari ngayon! Tumakbo na naman kami dahil alam naming pasabog na ang kotseng 'yon. Kung ano-ano binangga ko kanina para lang mahulog ang mga zombie na pumapatong sa kotse. Sa kalagitnaan ng pagtakbo namin bigla na lang akong nadapa!!!! Like what the fvck on earth did I do wrong para mangyari pa sa akin 'to!? AS IN WHY NOW?! BIG FVCKING WHY NOW!?

"SHAN!! ZAI!! W-WAIT! PLEASEE. TULUNGAN NIYO KO!" pagtawag ko sa kanila. Halos mag-crack ang boses ko sa pagsigaw na 'yon marinig lang nila ako.

I give my all best para lang talaga makatayo pero heto ako ngayon namumulikat na ewan! Pakiramdam ko namamanhid na din ang buong katawan ko sa takot. Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ang mga zombie na nagtatakbuhan papalapit sa akin. Nang tumingin naman ako kina Shanea at Zaivein ay nakita kong huminto sila at tumingin sila sa akin. Bakas sa mukha nila ang paghingi ng 'Sorry'. Like what!? SORRY?! SORRY FOR WHAT!?

Batter Up!Where stories live. Discover now