Nagtaka naman kami ni Shanea ng biglang inilagay ni Zaivein ang kamay niya sa harap namin. Shanea and I looked at each other. It's like we're talking non-verbally and saying 'anong-kabaliwan-kaya-ginagawa-niya?'
She rolled her eyes but still remained her hand infront of us, "Hindi ba halata? Ipatong niyo na lang ang kamay niyo tapos magp-promise tayo sa isa't-isa, okay?"
Kahit nalilito kami ni Shan ay sinunod naman namin ang sinasabi niya. Unang ipinatong ni Shanea ang kamay niya sa kamay ni Zaivein at sumunod ako.
"Okay. Listen, kailangan tuparin natin ang pangako na 'to."
"Ang alin?" Shanea asked.
"Wait kasi 'di pa ako tapos magsalita."
"Okay. Bilisan mo lang. Kailangan nating magmadali—" she cut me off.
"Fine, fine. Ito na. Promise me na walang iwanan? Walang mang-iiwan, huh?" natawa ako sa sinabi niya.
"Of course! Sino ba may sabing mang-iiwan ako? Si Shan? O ikaw? Ako? Wala naman 'di ba?"
"Ang mang-iwan, pangit. Dapat parusahan!"
"Noted, Zai," sagot naman ni Shan habang natatawa kaya pati ako tumatawa na din.
"Promise?"
"Promise"
"Promise!"Sabay naming sagot ni Shanea.
"Wow. Ang ganda."
"Huh? Anong maganda Madie?"
"Tignan niyo, ang ganda nito 'di ba?" I saw a axe sa ilalim ng sofa, dito pa rin sa room na 'to. Sabihin mang parang nagnanakaw kami ay wala naman kaming choice kun'di ay gawin 'to para mailigtas ang mga buhay namin.
"Anong maganda diyan? Simpleng makinis na palakol lang naman 'yan ah?"
"Nevermind. Yung sa'yo? Okay na ba?" sagot ko na lang.
"Oo, tinuruan na ako ni Shan pero kinakabahan ako. Baka magkamali ako at mabaril ko ang sarili ko!" natawa naman si Shan sa kanya.
"Sira! Itututok mo ba sa sarili mo, huh? Babarilin mo ba sarili mo? Lakasan mo lang ang loob mo at isiping magaling ka diyan."
Sumimangot naman si Zai sa kanya. Hindi ko na lang sila pinansin at tinignan ang axe na siguradong magagamit ko. I run my fingers through the shiny blade. This is high quality steel!
"Madie? Let's go. Inayos na namin yung mga gamit namin. Ikaw, ready kana bang lumabas ulit? Saan na tayo next pupunta? Naiisip ko pa lang na lalabas tayo ulit kinakabahan na ako."
I didn't answer her, tumahimik lang ako. Inayos ko muna ang mga gamit ko. Inilagay ko lang muna ang baseball bat sa gilid ng bag at hawak-hawak ko naman ang axe. Nag-iisip pa din ako ng plano. Sa ngayon, 'di ko muna siya masasagot.
"Mamaya ko na sasabihin, sa tingin ko dapat muna tayong magpahinga at manatili dito ng ilang araw para mapag-planuhan ng mabuti ang gagawin. Hindi naman pwedeng basta basta na lang tayo kumilos ng walang plano."
"S-sure ka? Pero p-paano kung—"
"No, Shan. May ilang plano na ako para sa ilang araw nating pag-ii-stay dito. Magtiwala ka. Makakaligtas din tayo dito."
"Okay na?"
"Oo, Zai. Okay na trap din 'to kung sakaling may biglang papasok na zombie," I replied.
"Zai, Madie. Ayos na din dito sa glass window. Tinakpan ko na din para hindi tayo makita nang mga zombie sa ibaba. In fairness, ang ganda ng room na 'to. May balcony."
"Ano ka ba, Shan. P'ano naging maganda 'yan sa panahon ngayon?" napailing-iling na lang ako sa kanila.
I sat at the floor while Zaivein and Shanea is in the sofa. Nasa harap namin ang isang maliit na desk. Inilapag ko d'on ang Walkie Talkies' namin.
"Subukan natin?" They nodded at me as a answer.
Pinindot ko muna ang scan para masigurong masagap ko ang kanila. Maya-maya nang alam kong okay na ay pinindot ko na ang tabi nang may hindi kalakihang nagsisilbing antenna nito.
"Hello? Hello?" tinignan ko naman sila. Yung kay Shanea muna ang sinubukan namin.
"Hello? Hello?" rinig namin sa Walkie Talkie niya. Si Zai naman ay pinipigilang tumawa, kahit naman ako. Para kaming tangang nag-uusap tapos magkakalapit lang naman.
Pinindot na din ni Shanea yung kanya at nagsalita, "Hi, ayos ka lang ba?"
"Hi, ayos ka lang ba?"
We burst out a laugh. Parang tanga lang talaga. Napatigil naman kami sa pagtawa ng biglang marinig ang pagkalabog ng pinto. Halata din ang gulat sa mukha nina Zai at Shan. I stood up and get the axe. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Nang tinanggal ko ang harang dito ay nakakita ako ng isang zombie na nasa trap na ginawa ko.
Nang makita ako nito ay nagwala 'to at pinipilit makawala sa trap na ginawa ko. Kung papatagalin ko pa 'to baka may ibang makarinig na zombie at magsilapitan na din dito kaya naman lumapit na ako d'on at ginamit na ang axe. Nakapikit kong pinagtataga 'yon gamit ang axe. Nang dumilat ako ay nakita ko ang ilang laman na lumabas mula sa kanya. Sa ulo ko 'yon itinutok para siguradong hindi na ako maaatake nun. Kaya naman nagkalat ang ilang parte ng kanyang ulo at umaagos ang ilang dugo.
Oh, crap. Buti na lang talaga hindi ako takot sa mga ganitong bagay. Buti na lang din hindi ako takot sa dugo. Isa pa nga pala, isa pa lang akong intern na doktor. I am future hematologist.
Ang nakakatakot lang ay ang mga posibleng mangyari sa amin. Kaya ibibigay ko ang lahat ng lakas o kung anumang kailangan para lang makaligtas kami at makasama na ang kanya-kanyang pamilya.
Paano na lang kaya yung mga taong takot sa ganito?
Yung mga takot sa dugo?
O kung ano man, takot lalo na sa ganitong pangyayari.
Makakaligtas kaya sila?