I'm just lying on the sofa right now.
Ang boring naman.
Simula next week, college student na 'ko. I'm excited and a little bit nervous.
Busy ako mag-isip ng kung ano-ano nang maramdaman kong nag-vibrate phone ko, naka-silent kasi.
May tumatawag. Si Shanea. Sinagot ko naman agad.
[Hi, Adie! Busy ka ba? Pupunta ako diyan ngayon, kung okay lang? Kauuwi lang ni Papa galing U.S marami siyang dala!!]
"Okay lang, don't worry. Hindi naman ako busy ngayon. May pagkain ba?" Natawa naman siya sa sinabi ko. Syempre, mukhang pagkain talaga dadalhin niya dito sa boarding house ko.
[Of course!! Isa pa, ang daming chocolates. Sabi nga ni Mama bigyan ko daw kayo ni Riane. May gusto kana din bang ipabili bago ako makarating diyan?]
Well, I have things I want, too but I can't just recklessly let her pay for my whatnots. Mahilig din kasi talaga siyang manlibre.
"Wala, wala. Punta kana lang. Tawagan ko din si Riane para tatlo tayo dito mamaya sa dorm ko."
[Sige. By the way, aalis na ako agad. Ihahatid ako ni Papa gamit motor niya. Sasabay na daw siya sa 'kin para mas mabilis, may dadaanan din daw kasi siya.]
"Okay, ingat! Ingatan mo din yung pagkain!" Parehas kaming natawa pagkatapos kong sabihin 'yon.
[Bye! See you!]
Pinatay ko na yung tawag at tinawagan naman si Ria. Agad namang nag-ring pero 'di naman sinasagot. Ano kaya nangyari sa babaeng 'yon? Napabangon tuloy ako sa kinahihigaan ko.
I will clean up a little first and fix myself. I got up and started cleaning the house. May darating na bisita kaya dapat malinis.
It took me so long before I finished cleaning myself up. Pagkatapos ko kasing magbihis at mag-ayos narinig ko na agad ang katok sa pinto.
"Pa. Okay na ako dito. Pumunta kana sa pupuntahan mo," rinig kong salita ni Shanea mula sa labas. Binuksan ko na din ang pinto.
"Hi po, Tito! Hi, Shan!" Niyakap naman niya ako at agad ding humarap kay Tito.
"Andito na si Adie, Pa. Alis kana, baka ma-late ka pa."
"Sige, ingat kayo ah? Huwag magpapagabi, Shanea. Maddison, iwan ko na muna kayo. Enjoy," sagot ni Tito at ngumiti sa amin bago umalis.
Maya-maya, nakarating na rin si Riane dito. Papunta rin pala siya dito, para tumambay raw. Kung ano-ano na rin napag-usapan namin, catch up with each other.
"Congrats..."
"You don't sound too happy."
"Do I have to?" I asked in a matter of fact tone.
"Ano ka ba, Adie. Hindi ka ba masaya para sa 'kin? Ayaw mo nun. May kaibigan ka nang mag-aaral sa gan'on kasikat na school!"
"Pero, Ria. Hindi na nga natin ka-schoolmate si Shan tapos ikaw naman iiwan ako sa school natin?" I can't help but feel sad pero masaya ako para sa kaniya kaso napag-usapan kasi namin dati na pag-college namin, sa iisang school kami.
I guess, this is where we're taking our different paths.
"Adie," lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Sus, nilalambing na ako.
"Ano ka ba. Ano naman kung 'di na tayo magkikita sa isang school? Pwede naman kaming pumunta dito lagi ni Shan. Isa pa, mas okay nga yung dito tayo nakakapagkita. Nakakapag-movie marathon tayo. Naglalaro at kung ano-ano pa." Hmm, agree.
"Oo nga, Adie. 'Wag kana magtampo. Hindi naman ibig sabihin nun 'di na tayo magkikita. Magkakaibigan pa din naman tayo. Darating talaga tayo sa time na magkakahiwalay tayo pero magkakaibigan pa din tayo, 'no," sagot naman ni Shan at lumapit din sa 'kin.
Napapa-gitnaan tuloy nila ako ngayon.
I know, nag-iinarte lang e. Joke. Love ko talaga dalawang 'to.
We didn't understand what we were watching. Our topic goes to Riane's new college university. About naman sa new school niya, 'yon daw kasi ang gusto ng mama niya.
"Hindi naman ako nagtatampo. Nalulungkot lang kasi wala na ako laging kasama. Change topic na nga," sagot ko naman at kumuha ng chocolate sa may harapan namin.
"Oo nga pala. May kung anong nangyayari kasi do'n sa kapitbahay mo kanina kaya 'di ko agad nasagot tawag mo, Adie. Ang daming tao, baka may nangyari."
"Ayos lang, Ria. Nakapunta ka naman dito. Magkakasama na tayo nina Shan," tumahimik na muna kami at nanood na lang.
Nasa dulo na kami ng palabas nang bigla na lang may kumatok sa pinto. Halos mapatili si Shan sa takot nang marinig 'yon. Nakakatakot din kasi pinapanood namin ngayon.
"Adie! Paki-check mo nga kung sino 'yon. Nakakagulat. Baka kung sino 'yan ah?" biglang salita ni Shanea, tinawanan ko lang siya. Tumayo na lang muna ako at iniwan sila do'n.
Kinuha ko muna ang phone at wallet ko bago pumunta sa pinto. Ngayon ko lang naalala yung in-order kong baseball set.
"Ito na po, Ma'am," kinuha ko naman 'yon at nagbayad na sa kanya.
"Salamat po! Sa uulitin Ma'am," dagdag pa nito at ngumiti.
"Adie, ano 'yan?"
Pagbalik ko sa sala kumakain na lang sila at patay na ang TV.
"Yung in-order ko dumating na," sagot ko at ipinakita sa kanila ang baseball set ko na bagong-bago.
"Naglalaro ka pa din pala ng softball or baseball, Adie? Sana all marunong niyan," tinawanan ko na lang si Shanea. Ilang beses ko na siyang tinuruan noon pero hanggang ngayon 'di pa din talaga siya natuto.
"Sana all nga," dagdag naman ni Riane.
"Kailangan ko na nga palang umalis, Adie. Sorry, may kailangan pa pala kasi akong gawin," I smiled at her.
"Okay lang, Shan. May next time naman e, baka may need kayo gawin," sagot ko na lang at nilabas na ang ilang equipments sa baseball set na in-order ko. Nasa isang box kasi siya nakalagay.
"Sure ka, Adie? Okay lang sa 'yo? Aalis na din kasi ako. May ipapabili si Mama sa 'kin," tinabi ko muna yung mga equipments at lumapit sa kanila.
Tumayo na din sila sa kinauupuan nila. Nilinis muna nila ang mga kalat namin kanina at inayos na ang sarili para umalis.
Shanea and Riane were silent when we embraced each other and bid our goodbye. Akala mo naman last na talaga 'to. Mukhang matatagalan nga lang bago kami makapagkita ulit, magiging busy sa kaniya-kaniyang college life.
"Sorry talaga, Adie. Babawi ako next time, tatagalan ko na talaga promise. Kung wala lang kailangang gawin e."
"Ayos nga lang–, " naputol ang pagsasalita ko nang may marinig kaming sigaw.
Nasa may tapat na kami ng pintuan at bukas na 'yon.
Lahat kami parang nanigas sa kinatatayuan. May babaeng gumagapang papalapit sa labas ng pinto.
"T-tulong," sabi pa ng babaeng 'yon pero nanghihina na siya. Nakadagan sa kaniya yung delivery guy na... kinakagat siya sa leeg?