Chapter 4 ❤ Sleep Over

4 0 0
                                    

Pumunta na ako sa taas sa kwarto ko at humiga. Nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto pero dahan-dahan lang.

"What now?!" Inis na sigaw ko saka ko tiningnan kung sino yun at tama ako ng hinala.

"A--ah Singkit.."

"Oh?" tanong ko saka hinimas-himas yung noo ko

"Sungit naman neto. Oh" sabi niya sabay abot saken ng supot ng Jollibee.

Kinuha ko naman yun at tiningnan ang laman.

"Waaaaah *O* " sigaw ko "Thank you unggoooooy!" saka ko siya niyakap.

"Tch. Kailangan ko pa yan para di na uminit ulo mo. I also bought it myself." sabi niya sabay kamot sa batok niya.

=_____=

Kaya pala di na nakabalik nung sinugod ko siya sa labas. Hahaha. Mabuti na rin naman yun nakakajollibee pa ako >:D

"Okay na tayo! Haha." sabi ko saka kinain ang burger ko.

Oo paborito ko ang burger sa jollibee kaya hinding-hindi niya ako hahayaang malungkot kahit minuto man lang. Kagaya kanina, binilhan niya 'ko kaagad ng burger.

"Nga pala gabi na ah. Anong oras ba kayo uuwi?" sabi ko saka kumagat sa burger ko. Nakita ko naman na ngumiti siya ng nakakaloko

"Di mo alam, ba?"

"If I know the reason would I ask you that question?" may inis sa tono ng pananalita ko.

" 'to naman ang init-init ng ulo. PMS ba?" sabi niya saka umupo sa likod ko at hinawakan ako sa balikat saka pinahiga ako sa dibdib niya.

"No. Eh kasi ba't di mo nalang sabihin lahat. May pa question-question pang nalalaman." I said saka inayos ang pagkahiga ko sa dibdib niya.

"Pabitin effect nga kasi." sabi niya saka kinuha ang kamay ko at kinagatan ang burger ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tumawa lang siya "Pero seryoso. Ano na nga?"

"We're going to have a sleep over." sabi niya kaya nalunok ko ng buo ang kinagat ko

"Oy, sandali.." sabi niya saka umalis sa kwarto ko at bumaba

Ilang Segundo pa bumalik na siya na may dalang tubig "oh eto" sabi niya. Ininom ko agad yun

"What the?! Sleep over? You must be kidding me!" sigaw ko

"Do you think I'm joking here?"

"So you're serious. San ka matutulog?"

"Dito. Kasama ka." No hella way!

Acts more than Bestfriends❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon