"Happy 5 years and 6 months Singkit" sabi niya saken sabay hug.
I hugged him back and say "Happy 5 years and 6 months din unggoy" sabi ko. Akalain mo nga naman tumagal pa kami neto. Nandito rin kami ngayon sa canteen dahil recess time pa namin.
"Ang sarap naman ng tawagan. Kaka asar syeet. Haha." sabi nung kaklase namin
"Chiel, wag ka. Naiinis parin ako kapag tinatawag akong unggoy niyan." Sabi niya Kay Chiel-- yung babaeng nagsasabing nakaka-asar ang tawagan namin
"Eh pag tinatawag mo ba akong singkit maiinis ba 'ko?" Tanong ko naman sa kanya
"Mas maganda naman ang singkit kesa unggoy"
"Paano ba. Eh nagsasabi lang naman ako ng totoo" sabi ko saka nag peace sign ^___^v
Ako nga pala si Shinice Ravero. Ang magandang nilalang na 4th year highschool. Hahahaha. At yun palang unggoy ay si Drae. Aldrae Masco, ang bestfriend ko. HAHAHAHA akala niyo ba boyfriend ko yan? Sakitin Sana kayo pero syempre jk lang. Bestfriend ko lang talaga yan XD
"Ah ganun.." Sabi niya kaya tumakbo nalang ako dahil kikilitiin niya ako pero naabutan parin niya ako
"Aww. They're sweet as ever."
"Kung di ko lang Sana alam na mag bestfriend yang dalawang yan iisipin ko talaga na magjowa sila. Huhuhu kainggit ha infairness." At iba-iba pang comments ang naririnig ko
"Unggoy narinig mo yun? May nagselos kaya tamaAaaaaaaaah.. Tama na saAaaaaaah... Tama na unggooooooy!" Sigaw ko sa kanya kaya napatigil naman siya at inakbayan ako
"Akalain mo yun singkit may nagselos pa saten" sabi niya habang naglalakad kami patungong room
"Sweet naten eh, paano ba" sabi ko nalang at umupo na at in-scan ang notes ko.
Ganyan naman talaga ang nakasayanan ko. Kahit alam kong hindi magqui-quiz sa next subject ay nags-scan parin ako.
Ewan ko lang kay Drae. Eh kumukopya lang yan eh
---
"Singkit ano?" Tanong niya habang nakasandal sa pinto
"Oo wait lang" sabi ko saka pumunta na sa kanya "Kunin natin phone ko sa locker ko." Sabi ko. Tumango lang siya
"Ge." Sabi niya at lumabas na kami ng room.
"Alam mo Drae, magsasabi lang ako ng totoo ha? Ang pangit mo lang pramis" sabi ko sakanya
"Aba't--" yan lang nasabi niya kaya dali-dali akong lumayo sa kanya kasi alam kong kikilitiin niya lang ako.
Nauna na ako kay Drae. Baka maabutan pa'ko nun katapusan ko na siguro pag nagkataon.
Tiningnan ko siya at lumakad ng patalikod. Ang layo niya saken. Humarap naman ako para mauna na pero may nabangga ako
"Tiingnan mo dinadaanan mo Ms" sabi nung lalaki habang nakayakap sa babae
"DAMN YOU! IKAW ANG TUMINGIN SA DINADAANAN MO! KUNG MAGLANDIAN KASI WAG DITO TINGNAN NIYO MAY NABANGGA PA KAYO DAMN!" Galit na sigaw ni Drae
"So--sorry" sabi nila sabay alis
"OMFG what just happened?"
"Mag bestfriends lang ba sila sa lagay na yan?"
Yun ang mga naririnig kong comments. Aish. Naman kasi si Drae napakaOA -_____-
"High blood ka masyado, Drae" sabi ko sa kanya at ioopen ko na ang locker ko
"Tch. Okay ka lang ba?" Tanong naman niya kaya tumango lang ako
"Oo naman po” sabi ko sa kanya at in-enter ang passcode
*6409*
"Di mo padin pala chinage passcode mo" natatawang sabi ni Drae.
Ang number kasi ng passcode ko ay yung month, day and year ng Friendsary namin ni Drae.
Pagkaopen ko ng locker ko may nahulog na isang papel. Kinuha ko yun at tiningnan ang laman pero letter 'S' lang ang nakasulat.
Tiningnan ko naman ang locker ko at may nakita aking strawberries na nilagay sa topperware.
Kinuha ko naman ang topperware saka binigay kay Drae at nilagay ang letter sa locker ko. Kinuha ko na rin ang phone ko.
"Really -____-" sabi ko. Andami kasing text pero okay lang. Hindi naman ako ang kakalikot neto. Ang unggoy lang naman. Mwehehehe
Pagkatapos ko makuha ang cellphone ko, umalis narin kami doon at dinala nalang namin ang strawberries.