Nandito ako sa kwarto ko habang nagee-scan ng notes ko
"Shin." rinig ko may tumawag sa pangalan ko saka bumukas ang pinto ng kwarto ko ng dahan-dahan
"Ma" sabi ko with a smile at pumasok na naman kaagad si mama
"Okay ka lang ba?" Tanong niya kaya I closed my notebook and face her
"Oo naman ma. Bakit?" tanong ko
"Sabi kasi ni Drae nabangga ka raw saka di ka daw niya nacheck kanina"
-____-
"Yang unggoy talaga. Okay lang naman po ako ma saka tao naman nabangga ko. Over lang talaga makapag-react ang unggoy nayun. Sige na ma" sabi ko saka niya ako hinalikan sa pisnge at umalis na.
Hayyy. Masanay na kayo ni unggoy. Sobrang protective lang talaga niya.
*tok* *tok*
"Pasok." sabi ko. Panigurado may nakalimutan naman yun si mama. Makalimutin na rin yun. Tumatanda na eh
Pumasok na ang kumatok pero iba sumalubong saken eh
O____O
"Ate Shyiiiiiiiiin!"
"Baby Braaaaaaaaae!" Sigaw ko tapos niyakap si Brae
Siya si Dan Albrae Masco. Ang lalaking kapatid ni Drae. Makulit ang batang 'to kaya love na love ko. Sa kuya ata niya namana ang kakulitan niya
"I myiss you atye Shyin" sabi niya saken. Bulol pa 'to si Brae mga 3 years old pa kasi kaya nag-aadjust pa
"I miss you too baby Brae. What brings baby Brae here?" tanong ko. Ganyan naman talaga pag tinatanong ko siya
"Byabyi Brae.. myisis atyi Shyin" sabi niya habang kinakalikot yung kwentas kong bigay ni Drae kanina. Wait. If baby Brae is here huh, makikita ko na naman ang mukha ni unggoy -__-
"Pinipilit niya kami na pumunta dito para daw kasi makita ka." rinig ko may sabi kaya napatingin ako sa pintuan
"Tita Mel!" excited na sabi ko saka nilagay muna si baby Brae sa kama ko at dali-daling pumunta kay tita Mel
"I missed you Shin" sabi niya saken sabay halik sa pisnge ko at niyakap ako
"Miss ko na nga rin kayo tita Mel. Parati po kasing si unggoy ang nakikita ko--"
"Nakakasakit ka na singkit ah!" singit naman ni Drae. Oh? Andito pala 'to.
"Oh how I missed that endearment--"
"Woah tita. No way. Dinescribe ko lang talaga ang mukha niyan" sabi ko saka nagtawanan
"Oh sige mauna muna ako." sabi niya saka umalis na
She's tita Mel. Mel Raeia Masco ang nanay ni Drae at baby Brae. Close kami ni tita. Saka yung papa nila nasa ibang bansa, alam mo na.
"Baby Brae are you okay?" Tanong ko dahil di ganito si Brae. Usually sumisingit siya sa mga usapan pero ngayon..
O___O
"Oh my God baby Brae!" sigaw ko saka dali-daling lumapit sa kanya. Shocks!
"Ang teddy bear ko..." mangiyak-ngiyak na sabi ko. Eh kasi naman yung gift ni Drae na teddy bear para saken nung 2nd Friendsary namin. Iningat-ingatan ko nga to eh T___T
"Pfffft.." narinig ko na nagpipigil ng tawa si Drae kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Okay. Okay. Brae, why did you do that?" sabi niya saka lumapit sa amin pero binalewala siya ni Brae
"Atyi Shyin. I'm tyuri" sabi niya saka hinalikan ako sa cheeks at niyakap
Aww. Ang sweet talaga ni Brae. "It's okay baby" sabi ko nalang kahit di ko parin matanggap ang ginawa niya pero kasi bata eh
"Baby Brae, go to mom now" sabi naman ni Drae at umalis naman si Brae
-_________-
"Nakakainis ka!" sigaw ko sakanya at pumunta sa computer ko
"What? It's just a bear"
"Yeah just a bear but it's not just a bear for me!" sabi ko saka nagpunta sa facebook.
Naka-on naman to lagi eh pag andito ako sa bahay.
"We can buy a new one" sabi niya saka tiningnan ko siya ng masama
"You don't get me" sabi ko at naglog-in na sa Facebook
"I get you, okay?"
"No you don't" I said saka hinintay na magloading ang Facebook.
"Okay. I'm so--"
"Unggoy halika!" sigaw ko kaya napatakbo si Drae at pumunta saken
"Who posted that?" sabi niya pero binalewala ko lang at tiningnan yung video.
Kaya ko tinawag si Drae dahil may nakapost na video with a caption When the bestfriend's Friendsary came tapos may hashtag pang #ShinDraeFriendsary saka video nung nandoon kami sa canteen. Di naman matagal ang video. Mga seconds nga lang I think
Pero aba may fans na kami. Hohoho pero seryoso. Whaaaaaaaaaaaaaaaat?!