Napagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa binta-- whaaat?! Di ko nasira yung mga kurtina?!
Nga naman oh! Alas 7 pa kaya! Alas 9 na kasi ako pumapasok kahit 8 yung klase namin.
Ako nga pala ang top dun. Okay lang naman kung malelate ako, di rin naman maapektuhan ang grades ko. Simpleng pagtanong lang sa kaklase kung anong diniscuss.
Oo nga pala at dito na natulog sina Drae. Magkatabi kami. Wala naman ding malisya.
Nakaramdam ako ng bigat sa kiliran ko kaya tiningnan ko kung ano at WTF?!
"Hoy unggoy! Gumising kaaaaa!" sigaw ko naman saka kinuha ang kamay niyang nakalagay sa kiliran ko.
Kaya pala mabigat eh ginawa akong unan na tinanday.
"Nga naman oh singkit! Wala kang awa natutulog pa yung tao eh!" Sigaw niya rin at umupo sa kama sabay hilamos ang kamay niya sa mukha
"Putngina mo unggoy! Okay lang sana kaso nakalagay ang kamay mo sa takiliran ko sht ka!" sigaw ko sakanya sabay palo
Kinuha naman niya ang kamay niya sa mukha niya at humarap saken "Ilang years na nga tayong nagyayakapan saka ngayon ka lang magrereact ng ganyan? Mas malala pa nga ang yakap kesa diyan eh" sabi niya
"Magkaiba ang yakap sa ginawa mo unggoy!"
"Singkit naman! Parang awa mo na! Anong pinagkaiba dun?"
"Nasa kama tayo! Kama! At putang-ens mo lang baka mapagkamalan pa tayong nag... Sht ka!" sabi ko pero tumawa lang siya
"So.. Hahahaha.. Ano ba namang isip meron ka singkit. Hahahaha.." sabi niya sabay tawa saka huminga ng malamim
"Alam mo kasi. Mag bestfriends tayo. Oo lalaki ako at babae ka pero loyal ako. Wag kang tanga" sabi niya saka humiga ulit.
"Wow unggoy loyal ba kamo? Tangna naman neto! Ilang girlfriends na ba ang nawala sayo? Kaya ba loyal?" sarkastikong sabi ko "Maliligo na'ko. Bahala ka." sabi ko at kinuha ang tuwalya ko sa cabinet saka pumunta sa banyo pero bago pa ako nakapasok, tumingin muna ako Kay Drae
"Subukan mo lang pumasok dito sa banyo di ka na talaga makakapunta dito. Kukunin ko lahat ng damit ko!" sigaw ko saka pumasok na.
Nun kasing nagyaya si Drae na makikipag-gala sinabi kong maliligo lang ako. Di ko rin naman nilolock yung pinto dahil sinabihan ko si mama na bawal pumasok pag naliligo ako. Nakasanayan ko na rin naman na sabihin sa kaniya na maliligo ako.
Tapos ayun pumasok na ako sa cr at tinanggal yung damit ko. Pasalamat pa nga ako na di ko tinanggal yung panty ko.
Di ko alam na pumasok pala siya kaya Simula nun nagpapanty na ako kung maligo. In case lang din. Haha.
At ngayon huhubarin ko lahat ng damit ko kasi naaalisnga ako kay Drae. Saka gusto ko narin mafeel ulit na maliligo ng walang damit.
After 1649386491 minutes natapos narin ako. Lumabas naman ako ng cr at nakita ko si Drae na nakahubad lahat. As in lahat at lalagyan pa niya ng tuwalya.
"Last ka na unggoy tangna mo!" sigaw ko saka tinakpan ang mata ko.
"Tch di ka nagsasabi kung lalabas ka na. Alis dyan" sabi niya sabay tulak saken sa gilid.
Tangna naman oh! Oo ganyan lang ako kung magreact. Palagi ko na kayang nakikita yun. Dejk. Hahaha. Yung perstaym ko makita nung sakanya yung sa bahay nila. Long story eh basta!
Pumunta naman ako sa closet ko at kumuha ng damit.
Since Friday ngayon, pwede kaming magsuot ng kahit anong damit.
"Singkiiiiit!" sigaw ni Drae. Pumunta naman ako sa pinto at kumatok.
"Oh ano?" sigaw ko rin. Aba naman kung papasok ako no?
"Yung susuotin mo ngayon nandyan na sa kama mo!"
"Aba demanding!" Sigaw ko rin saka umalis na sa pinto at pumunta sa kama ko.
Kinuha ko naman ang isang white V-neck na may print na Singkit at sa likod may..
=______=
Singkit ni Gwapong Unggoy lang naman ang nakalagay.
"Peste ka Drae!" sigaw ko
"Ayos ba? Hahaha" sigaw niya rin. Pag ganyan yan wala na akong magagawa. Hahaha. Yes! May bago na namang damit! Swerte ko lang!
"Oy Singkit suotin mo na" sabi ni unggoy na nandito na pala sa likod ko
Tumango lang ako at sinunod siya at naghanap ng skinny jeans na itim.
"Anong susuotin mo?" tanong ko kay Drae habang sinusuklayan ang buhok ko
"Eto." sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.
"Waaaaaaaah!" Sigaw ko
"Tuwa ka na nyan?" Tanong niya saken at tumango lang ako
*O* Haha. Talaga nga naman. Ang sinuot lang kasi ni unggoy ay parehas sa aking white V-neck na may print na...
Gwapong Unggoy at sa likod ay Gwapong Unggoy ni Magandang Singkit naks! Hahaha.
Tapos dun ko lang naalala na ShinDrae Day pala ngayon. Tuwing Friday kasi napagplanuhan namin ni Unggoy na magsusuot kami ng parehas na damit. Parang couple's shirt lang, ganun.
Pagkatapos namin eh bumaba na kami at kumain saka umalis na.