Chapter 13: At last..

33 3 1
                                    

Last day na ng burol ko..

Bukas e ililibing na ko.. Di ko alam kung ano mangyayari sakin after ng burol ko..

Di ko pa nakikita si Papa Jesus e..

Sana maging okay lahat.. 

Sana wag na malungkot sila Mama at Papa..

Napahiga ako at pinikit ko ang aking mata at saglit kong naalala si Jane at si Althea..

Nalala ko nung unang beses naming napasayaw si Althea sa Dance machine ng Arcade house..

Pagbukas na pagbukas ng aking mga mata ay may narinig akong iyakan mula sa aking burol..

GREY!!! Bakit?!

GREY!!

GREEYY...

Ganito pala dito.. Mabilis ang oras.. Parang 5 mins. lang ako napikit pero 1 araw ang katumbas sa baba..

Mama... :'( -Bulong ko.

Umiiyak si Mama nung oras na nilalabas na ko sa Memorial Building..

Gusto ko talagang umiyak ngayon pero kasi wala akong luha e..

Ang Mama ko.. Wag ka ng umiyak Mama.. Mama! -sigaw ko sakanya na alam kong di niya maririnig.

ANAK KO!!!! GREY!!! BAKIT!!? GREY!!!! ANAK!! -iyak niya habang niyayakap ang kabaong ko.

Gusto ko yakapin si Mama, Sabihin sakanya na Mahal ko siya sobra, Na lagi ko siya babantayan at lagi ko siyang papanoodin, Gusto kong sabihin na wag na siya umiyak.. wag na siya malungkot..

Ang Mama ko kawawang-kawawa.. Ang Mama ko.. :'(((( 

MAMA! MAMA! ANDITO AKO! MAHAL KITA! MAMA!!!!!!!! -sigaw ko.

MAMA!! OKAY LANG AKO!! MAMA NAMAN E.. MAMA!!!!!!

 Gusto kong sumagot siya sa tawag ko..

Gusto kong malaman niya na okay ako..

Kung pwede lang hawakan siya at yakapin.. di na ko bibitaw..

gusto ko ipikit ang mata ko para matapos na itong oras na toh.. pero natatakot akong baka pagkatapos nito e di ko na makita si Mama.. kahit makita man lang siya..

Nung nilalagay na ang aking kabaong sa kotse e naramdaman ko na lang sa aking pisnge na meron tumulong luha mula sa aking mga mata..

________________________________________________

Nakakaiyak ba? Nakakalungkot? Nakakawhat? PLEASE COMMENT YOUR ANSWER. <3 May mga tanong at suggestions po ba kayo comment din.. SALAMAT PO FOR READING!  Kung nagustuhan niyo ishare niyo sa barkada o sa mga katropa niyo para basahin din nila at mashock sila sa mga ngyayari sa kwentong ito.. Oh di ba?!

When I'm with Jane & Althea..(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon